Sa loob ng halos anim na taong kong pagtatrabaho, dito lang ako sa trabaho na ito talaga nakafeel na magkakaron ako ng heart attack.
May kakatawag lang sa akin na isang contributor, nagrereklamo kasi daw bakit di pa rin daw siya tinatawagan about invoicing. Noon ko pa sinabi ito sa managing editor namin at wala akong kamalay-malay na di pala niya kinontak ang nasabing contributor. So may I tawag ang contributor today at tinalakan akong maigi sa telepono:
"Do you know that I have been dealing with your company for so long and I've always had problems regarding payment? You want to use my articles then you don't want to pay me."
Ah eh sorry di ko alam kasi wala pa akong isang taon dito at isang beses ko pa lang naencounter ang article mo. Tsaka malay ko sa mga utang nila sayo noh.
"Get back to me when you say you'd get back to me. Don't say you'd do something then not do it."
Di ko naaalala na sinabi kong AKO ang tatawag sayo noh. Ni hindi ko nga alam number mo eh. Ang sabi ko sayo ungas ka, AMO ko ang tatawag sayo!
"So what do you suggest we do now?"
Eh di tawagan mo amo ko! (Sinabi ko talaga to.) Hehehehe. Kaso nakaleave siya ngayon so Monday na lang.
Tinanong pa ako ng contributor regarding rates eh malay ko. Sabi nang sa amo ko mo itanong. Malay ko sa rates.
Ewan ko ba kung bakit parang ang daming masungit at aroganteng tao dito sa Singapore. Yung mga nagtatrabaho sa media sa Pinas, sabihin niyo nga sa akin kung madaming arogante diyan.
Or siguro dahil sa nature ng trabaho ko (editorial assistant), prone talaga ako mapaglabasan ng sama ng loob, ng frustrations at ng reklamo. Malamang yun nga. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko nang umakyat sa pecking order. Ayoko na sa ilalim. Tinataihan ka na nga ng mga amo, uututan ka pa ng mga taong wala dito sa opisina.
Marangal na trabaho ang pagiging EA pero hindi siya for the faint-hearted. Kailangan makapal mukha mo, malakas ang loob at the same time, medyo plastic ka din dapat. Kasi di mo rin naman matalakan back ang mga buyset na mga taong ganyan dahil pangit yun for the business.
Hay. Kawawa naman ang papalit sa akin. Sana makayanan niya. Mwehehehehe.
No comments:
Post a Comment