Ilang minuto na lang pauwi na ako at isang araw na lang nasa Pinas na ulet! Yehey!
Chinese New Year kasi so magcecelebrate ang sangkachekwaan. Walang pasok ng Feb 7 and 8 so nung September, nagpabook kami ng ticket pauwi. Kakauwi lang namin nung December pero madami pa ring kailangang gawin!
Nakipagset ako ng meeting with our reception venue/caterer pero di pa siya nagcoconfirm. Sana magconfirm siya para naman may wedding-related task akong macross-out sa listahan.
Excited na akong umuwi! Miss ko na ang Finaz, mi familia, mi fulgosos and mi amigos and amigas!
Nakakapagod magbyahe pauwi (at magbyahe within the Pinas) pero sulit naman palagi. Magiisang taon pa lang ako dito pero thrice na akong bumalik. Importante sa amin umuwi ng madalas kasi nakakarecharge siya. It's a reminder ba na kailangan magipon ng madami para makapagretire ng maaga at makauwi for good! Hahahaha.
Hindi ko naman hate ang Singapore pero iba lang talaga sa Pinas. Mas masaya. Mas maganda ang sikat ng araw. Mas masarap ang simoy ng hangin. Mas masarap ang pagkain. At madami pang iba. It's home and kahit gaano kalayo kami sa kanya, it will always be home, and no country will ever replace Pinas in our hearts. =)
No comments:
Post a Comment