Friday, February 22, 2008

Erwin's Adobong Pusit a la Kat

Description:
Ang pinagkaiba lang from Erwin's recipe is that nilagyan ko ng sotanghon. Ganon kasi magluto ng adobong pusit sa bahay namin dati. =)

Ingredients:
250 grams pusit
2 kamatis
3 cloves garlic
1 onion
siling mahaba
1 tbsp vinegar
100 grams sotanghon (naibabad na sa tubig at napalambot)

Directions:
1. Hugasan ang pusit. Wag tanggalin ang ink sac. Kailangan ang ink para sa recipe. Tanggalin yung parang plastic na part sa body ng shrimp then islice niyo into rings. Ihiwalay ang head.

2. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Pag mushy na ang kamatis, ilagay ang squid. Saute ng kaunti.

3. Lagyan ng mga 1/4 cup ng tubig. Wag masyadong madami kasi magtutubig pa ang pusit. Timplahan ng salt, pepper at suka. Pakuluin.

4. Ilagay ang siling green at ang sotanghon. Serve immediately.

No comments: