Isang taon na ako sa Singapore! Ganon na lang yun? Ang bilis!
Grabe talaga ang mga araw dito. Natatapos na lang ng ganon-ganon. Di ko namalayang lumipas ang isang taon.
Ano bang nangyari?
Feb to June naghahanap ako ng work. June 19 nagumpisa ako sa company na ito. August umuwi kami sa Pinas. At umuwi ulit nung December. Tapos this Friday, last day ko na dito. Parang full circle. Back to joblessness. Hahaha.
Pero okay lang naman ako. Excited akong maburo sa kapapanood ng cable at kakainternet for a while. Sana "for a while" lang nga. Sana di magtagal ang aking quest for my second job overseas.
******
May recurring dream ako. It's about B and me running from weird-looking aliens. Tapos hirap kami lagi tumakbo, yung tipong paggising ko para akong pagod na pagod. There's always a stranger willing to help at pinapatago kami sa bahay niya. Yun nga lang, nakakapasok pa rin ang aliens and we end up fighting them. Di ko alam pano nageend. Yung kaninang umaga, natalo naman namin yung aliens pero nadamage yung bahay dahil sa labanan tapos vulnerable na kami. Tas nagising na ko.
Ano kaya ibig sabihin, kung meron man?
******
Wedding plans are creeping up on me. Tuwing madaling araw nagigising ako tas napapaisip ako sa wedding plans. 10 months pa naman pero parang kulang na sa oras. Or siguro praning lang ako.
So far nakapagpabook na kami sa reception venue, sa photographer at videographer. Ang major hurdle ngayon eh ang simbahan sa San Pablo. Sabi nila magaaccept lang sila ng booking two months before the wedding tapos dapat four consecutive weekends kami dapat umattend ng seminar. Ewan ko kung kasama na ang canonical interview doon. Di naman kami pwede magleave ng isang buwan para sa weekend seminars. Sana may way.
Di ko naaalala na kailangan ko nga pala magbawas ng weight. Hahahaha. Kung June ako magpapasukat, dapat inuumpisahan ko na ang diet at exercise this very minute.
Good luck.
No comments:
Post a Comment