Friday, October 26, 2007

after reading O

I may not be where I wanna be right now, but I will be alright. This is a temporary thing and I will be out of this mess soon.

This is temporary. There are many things to be grateful for.

Thank God it's Friday...Yeah!

Monday, October 15, 2007

after a month

Tagal ko na di nakakaupdate! Sorry at napakanegative pa ng last post ko. Ang daming nangyari in the past month!

September 23 nagcelebrate kami ni B ng aming second anniversary as a couple. September 22 nang nang tumungo kami ng Bintan, Indonesia para makapagbeach at makapagrelax. Kung last year ay sa Nirwana Resort kami pumunta, this time naman ay sa Bintan Lagoon kami. Nagenjoy naman kami ng todo. Visit my multiply to see the pictures.

Pagkabalik namin from Bintan, nagkachicken pox si Reden. Dito niya nakuha sa Singapore ang virus kasi 10-14 days ang incubation. Salamat sa Diyos at magaling na siya at salamat din at healthy ako ngayon. Wala namang symptoms na magkakaron ako.


One week after our Bintan escapade ay umattend naman ako ng anniversary ball ng magazine namin. Nalaman ko na aattend ako ng event na ito ay Tuesday ng mismong week na yun. Nagpanic tuloy ako sa paghahanap ng formal pero cheap na damit. Hirap pa naman dito maghanap ng size na kasya sa akin at sa aking budget. Pinalad naman ako makahanap ng dress (knee-length na black) sa Isetan. Di ko binalak na makipagsabayan sa mga socialite na dadalo noh. Besides, receptionist ang role ko. Nung nakita ako ng boss ko sa Ritz-Carlton kung saan gaganapin ang ball, sabi niya ay ok naman daw ang dress ko.

Pagpasok ng Oktubre, sobrang dami na naming ginagawa dahil dalawang issue ang kailangan naming bunuin hanggang November 10. Habang ginagawa namin ang December issue, kasabay din namin ginagawa ang annual lifestyle issue namin. Grabe. Yung isa kong editor inutusan ako a ang intern namin na gumawa ng directory ng 400 socialites dito sa Singapore. Kahit na sa palagay namin ay ubod nang walang kwenta ito, siempre, wala kaming choice kundi gawin yun. So ngayon ang umuubos sa oras ko ay ang project na yan para sa annual namin. Research ng info at hanap or request ng pictures. Sobrang kumunsumo sa oras.

Buti na lang diniclare ng admin namin na holiday today sa office. At least nakapaguwi ako ng trabaho. Ginawa ko yung two monthly sections ko para mabawasan man lang yung load. Dami ko pang pending for December pero kaya naman. Bahala sila noh. Kulang kami sa staff so they have to deal with delays. Tao lang kami. But I'm doing my best naman.

Last week ay merong publishing company na nagoffer sa aking ng trabaho. Mas mataas sahod, mas organized, mas malaki, mas maganda ang opisina at MNC. Di ko tinanggap after ko pagisipan.

May doubts ako eh. Hindi ko pati nakikita ang sarili ko na nageedit ng textbook. Alam ko mabobore ako at eventually gugustuhin kong umalis. Ayoko nang i-hassle sila at ang sarili ko. Isa pa, ang dami ko ngang dapat tapusin sa magazine na pinagtatrabahuhan ko ngayon.

With that, narealize ko na kahit gaano kaperfect ang isang bagay sa standards ng iba o nakararami, not necessarily tama siya para sa'yo. Tsaka timing is everything. Hindi pa ito ang tamang time eh.

I love my job now. I love what I am doing. Kahit na madaming areas for improvement ang company na kinabibilangan ko ngayon, gusto ko yung ginagawa ko. At least yun sure ako. Alam ko eventually aalis din ako dito sa company na ito. Maybe soon. Maybe later. Basta hindi pa ngayon. I decide to stay until the end of the year. After that, I'll see what I'll find.

Excited na ako sa paguwi namin sa Pasko. Miss ko na ang Pinas! Dami kong miss sa Pinas. After eight months here, I can say na mas masaya talaga sa atin. Walang tatalo sa buhay ng Pinas, sa vibe ng Pinas. Dito wala kang ibang gagawin kundi magtrabaho. Sobrang bilis ng mga araw na halos di ka na makahabol. Pero ayos lang. Kailangan kumayod at maghanda para sa future. =)

Monday, September 17, 2007

ayaw ko na dito

Apat na buwan na ako dito sa trabaho na ito at madami na akong natutunan, di lang sa kung pano ginagawa ang mga bagay-bagay, kundi pati na rin sa sarili ko.

Una, napatunayan ko na gusto ko ng organization. Isa akong neat-freak. Gusto ko lahat maayos. I prefer order over chaos. Itong company na pinagtatrabahuhan ko ngayon leaves much to be desired pagdating sa aspetong yan. Ang gulo ng opisina, kulang sa storage at kung meron mang sistemang in place, medyo kailangan i-streamline pa. Ang gulo-gulo dito.

Kung makikita niyo lang ang lugar na ito at kakilala niyo ako, I'm sure madali niyong mahahanap ang desk ko. Akin lang kasi ang malinis. Yung mga kaopisina ko, babae man o lalaki, ang gulo ng mga workstation. Puro tambak ng press releases sa ilalim at ibabaw, mga magazines, at kung anu-ano pang pictures na nakapaskil sa cubicle. Yung iba nga may certain smell na eh. Kadiri. Kung andito siguro si Mr Mark (big boss sa 14th floor ng dati kong company) mahihimatay siya. Ewan ko pano sila nakakatrabaho dito.

Bukod sa gulo ng environment, magulo din ang palakad. Masyadong mapulitika dito. At ang malas ko, yung posisyon ko ay nilalagay ako sa gitna ng lahat.

Pangalawa, gusto ko talaga magsulat. When I analyzed the situation I am in now, narealize ko na hindi ko dinedespise ang trabaho. Gusto ko siya actually, writing for a lifestyle publication. Ang ayaw ko lang talaga is the way this place operates. At least ngayon, alam ko na na gusto ko talaga magsulat.

Pangatlo, narealize ko na having peace of mind is important to me. Siguro kahit naman sino gusto yan. Dito kasi feeling ko I always have to watch my back. Nakakadagdag sa stress yung paranoia. Meron kasi dito hinihintay lang talaga magkamali yung staff tapos isusumbong sa higher ups. Lalaki siya ha.

Panahon na para sa sunod na hakbang.

happy birthday B!

Belated happy birthday B! Sobrang grateful ako kay God dahil tayo ang magkatuwang sa buhay. Life may not be perfect, but having you makes it wonderful. I love you! Nawa'y biyayayaan tayo ng Diyos ng maraming, maraming taon together.

Saturday, September 8, 2007

singapore slang

Pag bagong salta ka sa Singapore, maninibago ka sa way nilang magsalita. Bukod sa kakaibang accent nila, may mga slang words din. Ito ang ilan:

Can - ibig sabihin okay, keri

Cannot - walang can't dito. cannot lang. opposite ng "can."

Finished already - pag bumibili ka sa hawker tas sinabi ng uncle o auntie to, ibig sabihin ubos na yung gusto mong bilhin

Go back - ibig sabihin, go home. hahahaha

Ayo - sabi ng officemate ko, ito daw ay mild version ng "Oh my God." Parang sa atin, hala o kaya anobuzz. hahahaha

Makan - Malay word ito for kain. So kung tinanong ka ng "makan already?" ibig sabihin, kumain ka na ba?

Actually - gusto lang nila tong opener for any sentence kahit di naman kelangan. hehehe.

Wednesday, September 5, 2007

wazzzap!!!

Hay, after 10 years may panahon na ulit ako magblog! Sobrang busy sa office! Kakaloka.

So, kumusta naman?

Bumili kami ni Reden ng bagong digicam. Ixus 860, yung bago. Di kasi kami magkasundo kung ang bibilhin is Sony T100, na like ni B ang malaking LCD screen, at Ixus 950, na gusto ko dahil loyal ako sa Canon. Buti na lang naispottan namin ang bagong 860 at ayun, happy kami pareho. Nakuha ni B ang malaki niyang screen at ako naman, ang Canon ko. Ang favorite features ko ay yung digital macro (hirap ako talaga sa macro eh), face detection tsaka image stabilizer. Ang galing-galing! Yung five-year-old Powershot ko ay iiwan ko na sa Pinas paguwi namin sa Pasko.

Kakatuwa dito sa Singapore eh, ang taas ng value ng pera. $600+ bili namin sa camera. Kala mo mura. Pag sa Pinas mo binili ang presyo nasa P30k. Kelangan talaga pagipunan.

Kachat ko ngayon ang nanay ko na nakikinig sa Launchcast. Nakalagay sa status niya na ang pinapakinggan niya ay Rocky Votolato - White Daisy Passing. Di ko alam ang song na ito. Miss ko na si mader at ang aming chismisan. Miss ko na din si daddy at mga kapatids at pets ko.

Miss ko na din ang aming dakilang labandera at plantsadora na si Nora. Gosh, super kakapagod magplantsa talaga. Nagplantsa ako ng siguro mga 3 hours nung Sunday. Hanggang ngayon medyo may kirot pa din sa right hand ko. Pinagpaplanuhan namin bumili nung steamer na ginagamit sa mga boutique. Sana okay yun.

Miss ko din friends ko. Minsan nalulungkot ako kasi wala akong makachikahan at mapagkwentuhan ng mga pangyayari sa buhay ko. Oo andito naman si B at di naman nagkukulang sa pakikinig sa akin. Pero siempre, iba pa rin yung bonding with girlfriends. Dati isang text o tawag lang magkikita-kita na for dinner. Ngayon, jusko, ang layo ko!

Ang taba ko na! Hehehe. Sana sipagin na kami ni B magwalk or jog tuwing hapon. Di ko talaga kaya tantanan ang pagkain eh so kailangan ko talaga magexercise. Growl. Daya. Yung mga chekwa kain ng kain (minsan mas madami pa sa akin ha) tapos di sila tumataba. Sabagay, nasa atin namang mga Pinay ang kagandahan ng fez eh so 'key na rin. Mwahahaha!

Niyayaya na nga ako ng officemate ko na Noyps na magenroll sa California Fitness. Di ko lang maatim kasi ang mahal. $44 per month. Eh perang malinaw din yun. Kailangan namin magipon ni B para sa aming napipintong pagiisang dibdib sa simbahan. Hehe.

Ayan muna for now. Gutom na me. =)

Sunday, August 26, 2007

sosyalan galore

August 18
Umattend kami ni B ng Ultimate Poolside Beer and Barbecue Experience sa The Ritz-Carlton Millenia. Ito ay part ng kanilang 9th annual New World of Food and Wine festival. Since ang publication namin ay partner sa event na ito, pinapunta ako ng boss ko. Laking tuwa ko nung binigyan ako ng two slots ng PR. Naisama ko si B! Two mouths are better than one! Hehehe. Mas madami kami matitikman.


Lahat ng pwede ihawin, inihaw nila dun--shrimps, beef tenderloin, chicken etc. Mas masaya nga sana kung may rice. Hehehe. Siempre, Pinoy kami eh so kelangan may rice. Pero wala. Tumikim din ako ng salad na may truffle. Ganon pala lasa nun. Hehehe.

May 30 different kinds of beer din na sinerve pero ang natikman lang namin ay apat. Kasali siempre sa bilang ang San Mig Light dahil alam na alam na namin lasa nun.



Sa San Mig, dalawang Belgian beers at isang Australian beer na natikman namin, wagi pa rin sa aming panlasa ang San Mig. Mas swabe. Hehe. Ang pait masyado nung ibang beers.

Aside sa beer at sang katutak na barbecues, may dessert siempre. Ito si B, ineenjoy ang kanyang chocolate stick:

At ito ako, nilalasap ang strawberry cheesecake:


Tsarap!

At meron ding entertainment:

Hehehe. =)

August 19
The following night naman ay nanood kami ng fireworks display sa Marina Bay floating gallery courtesy of B's company. Every three months kasi ay may social event ang office ni B as treat to their employees. Last time ay nanood kami ng Spider-Man 3 for free.

Hindi naging komprtable ang pagpunta namin sa gallery. Grabe ang dami ng tao. Siksikan from Esplanade to the gallery's entrance. Sa palagay ko ay it could have been planned/organized better.

Hindi rin nakakatuwa na nasa taas na kami ng gallery. Ang layo ng inakyat namin! Tapos hindi rin ganon kakomportable ang seats. Nakakasakit ng pwet.

Buti na lang hindi umulan ng gabing yun kung hindi, basa kaming lahat kasi walang bubong ang gallery na ito. Ewan ko ba kung minadali ba ito ng gubyerno para sa National Day. Di man lang nilagyan ng bubong.

Anyway, buti na lang natuwa kami sa fireworks:







Saya!

Pero parusa naman ang paglabas ng gallery. Ilang minutes din kaming stranded sa ilalim ng gallery dahil hindi umuusad ang pila palabas. Ahahay. Kakakunsume.

Nung makarating kami ng Suntec, kumain kami ng Hokien Mee. Hahahaha. Kakagutom eh.

August 24
Nung Friday naman ay pinaattend ulit ako ng boss ko ng media preview ng Al Barakat promo sa Four Seasons Hotel. Dahil sobrang lakas ng ulan nun, inagahan ko ang alis sa office. Kahit 12noon pa ang start, 11:15 pa lang, lumayas na ako at nagpatawag ng cab. Ayoko nga malate.

Yun nga lang, napaaga naman ako. 11:30 pa lang nasa hotel na ako at ni hindi pa ready ang table. Pero courteous naman ang staff at inalok ako ng drinks at newspapers. Ahahay. Kakahiya. Ang aga ko.

After ilang minutes ay pinaupo na rin ako sa designated table at dumating ang PR ang Four Seasons Maldives. Joint promotion kasi ito ng SG at Maldives. Siempre, charming at chika ang PR girl. Kakatuwa. Give her a call daw pag napadpad ako sa Maldives either for vacation or work.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating din ang aking dalawang PR contacts from Four Seasons SG. Ang sweet nilang dalawa at thank you daw dahil maaga ako dumating. Pero pasensya na daw at kailangan namin hintayin ang ibang members ng media. Ok lang naman sakin maghintay.
Dumating paisa-isa ang iba pang gaya kong miyembro ng press. May mga nameet ako na writers gaya ni Yuri, isang Haponesang super cute pag tumatawa; Belinda, isang local writer at isa pang guy na hindi ko naintindihan ang name pero siya ay mula Food Magazine. May iba pang dumalo kaso di ko na sila nakilala.

Sa wakas, oras na para kumain. Nagserve muna ng bread with three dips: chick pea, eggplant and humus. Uber sarap! Winner yung chick pea dip. I loved it! Tapos next naman ay eggplant salad with walnut. Sarap din although may umay factor yung talong. Ang main course naman ay lamb and chicken breast skewers. Grabe to, nakakabusog. Pero sarap din. Tapos ang dessert ay semolina cake, coconut pudding with rosewater at baklava. Kakaiba ang mga ito.

Super sarap kaya kung andito kayo sa SG at mailig sa Middle Eastern food, I suggest pumunta kayo sa Four Seasons at magavail ng promo. Winner talaga!

Thursday, August 16, 2007

balikbayan chronicles

We're back in Singapore. Mabilis talaga lumipas ang mga araw. Kay tagal namin hinintay yung araw ng pag-uwi namin sa Pinas tapos lumipas lang ng ganon-ganon. Hehehe. Time flies when you're having fun.

Day 1

Nagumpisa ang aming maikling bakasyon nung August 9, National Day ng Singapura. 7:50am ang aming Jetstar flight. Buti naman at walang delays ang aming pag-alis kahit umulan ng malakas.

Dumating kami sa Pinas ng mga bandang 11:20am. Mahaba ang pila sa immigration as usual at sinungitan pa ako ng officer na natapatan ko. Pero other than that bitch, ok naman lahat. Walang hassle paglabas ng airport. Buti na lang paglabas namin, andun na si Mommy at Daddy.


Dumerecho kami sa Makati para maglunch. Sa Jollibee Chinabank branch kami naglunch para malapit sa Citibank Center. Kumain kami ng spaghetti with chickenjoy meal. Sarap! Pero siguro sanay na ako sa matabang na pagkain. Sobrang intense ng flavor ng food eh. Pinoy na Pinoy.


After lunch ay dumerecho kami ni Reden sa Citibank Center para sorpresahin ang mga dati naming officemates. Una naming stop ang 14th floor kung saan ginulat namin si manong guard at si Tita Jacks. Later dumating sila Rhea, Tracy, Yannie at Teng. Sayang wala si Tin, may sakit. Nakita ko din si Regie at si Lyn. Si Tita S ang last na dumating. Nakakatuwang makita sila ulit.
Umakyat din ako sa 15th floor para gulatin ang aking team. Andun si Tanya, Ailene, Macy, Jas, Sherwin, Joan, Volts, KC, Dino, Mika, Jeng, Almie at Kuya Sam. Pinuntahan ko naman sa pantry si Aimee at ang soon-to-be-wed na si Carmela. Sayang at wala si Karla at ang dati kong boss na si David.

Pagkaraan ng mabilis ngunit madaming chikahan, umalis na kami at mineet ulit sila mommy para pumunta na ng Glorietta. First stop siempre ang favorite ko na BAYO. After makabili ng dalawang blouse ay pumunta na kami ni B sa Bench FIX para magpagupit. Namiss ko din si Amy, ang aking stylist. Ang mahal kasi magpagupit dito sa SG. Ang katumbas ng 300 pesos na gupit sa atin ay trim lang at walang shampoo at blowdry.

Nagmeryenda kami sa Pizza Hut after.
Nagshopping na ulit kami after magmeryenda. Nakabili pa ako ng slacks sa HerBench (which turned out to be super luwag nung sinuot ko dito. Ewan ko ba, sinukat ko naman. Siguro dahil excited ako or nagmamadali.) Nakabili naman ng shorts, sandals at tsinelas si B. After magikot-ikot sa SM, kung saan wala naman akong nabili, nagpasya na kaming umuwi. Si B sa QC umuwi kasi andun na ang Mama at Papa niya. Kami naman ay bumyahe patungong San Pablo.

Day 2

Ito ang araw na nagkakilala ang mga magulang namin. Nakahinga naman kami ng maluwag kasi nagclick naman sila agad. Puro chika at usually about food or dogs ang pinaguusapan nila. Hehe. Nakakatuwa.



Pumunta kami ni B with his family sa Villa Escudero. Sinalubong kami ng libreng sago't gulaman. Pagkatapos ay dumerecho kami sa museum. Namangha sila sa collection ng mga Escudero. Pangatlong beses ko na yatang pumunta dun kaya di na ako naamaze. Pero first time kong magikot nang may tour guide. Buti na lang kwela yung naassign sa amin.

Pagkalabas ng museum ay dumaan kami sa harap ng mansion para magpapicture. Mwehehehe.


After ay sumakay kami ng carabao cart papunta sa man-made falls para maglunch. Unfortunately, on the way ay nadiscover ni Apple na nawalan siya ng P1,000 pesos sa wallet. Sure naman siya na P2,500 ang laman ng wallet niya. Isa pa, bukas na yung wallet niya. Iniwan niya kasi ito sa bag niya na hinabilin namin sa baggage counter ng museum. Nireklamo namin sa baggage counter ng falls at sinamahan naman kami nung isang babae. Balikan daw namin yung baggage counter sa museum. Pagdating namin sa baggage counter sa museum, may ilang lalaking nakatambay doon. Di na namin maalala yung mukha nung tumanggap ng bags so sinabi na lang namin na dapat hindi sila nangengelam ng gamit ng mga customers. Kahit na sinabi nilang walang "valuables" na dapat maiwan sa bags na ihahabilin, hindi pa rin tama na magnanakaw sila ng gamit. Isa pa, tourist spot yun kaya dapat trustworthy ang mga empleyado. (Sinulatan ko ang Villa Escudero about this pero wala pang reply.)


Kahit may nangyaring ganito ay nagenjoy pa rin kami sa ilog nung lunchtime. Dami naming nakain. Nasarapan pa din ako kahit sa ilang beses kong nagpunta doon ay yun pa rin ang handa nila: inihaw na liempo, inihaw na manok, steamed veggies with bagoong, calderetang baka, inihaw na tilapya at ginatang kalabasa at sitaw. (Nagugutom ako!)

Pagkagaling sa ilog ay dumerecho na kami sa pavilion para manood ng cultural show. Buti naman at kahit paano ay may inintroduce silang mga bagong sayaw at may mga tinanggal na lumang sayaw. Nakakasawa na din kasing panoorin ng paulit-ulit yung performance. Favorite ko yung Singkil. Ang ganda ng costume!


Pagkatapos ng presentation at nagabang na ulit kami ng carabao cart para bumalik sa reception area kung saan kami susunduin ni Daddy.
Pagkagaling ng Villa Escudero ay dumaan muna kami sa hotel nila B para makapagcheck-in sila at makapahinga. Nagmeet na lang ulit kami later sa Max's para magdinner together.


Day 3

Nung Sabado ay naglunch ang pamilya Mateo sa bahay. Nagluto si mommy at si Lia at Carsten ng tatlong crispy pata na dala ng mga Mateo, sinigang na bangus belly at carbonara. Bumili din si mommy ng Andok's manok for more. Sarap! After magkwentuhan sa terrace about dogs etc ay tumulak na ang mga Mateo patungong Quezon City.

Bandang alas dos naman ay dumating ang mga kaibigan kong si George, Marge at Jos. Naglunch din sila sa bahay, inattempt gumawa ng raket at magvideoke. Pero di siguro talaga masaya kumanta pag di lasing. So kumain na lang kami ng chocolate cake at nagkwentuhan. Pero kulang ang oras para sa kwentuhan marathon kaya bahagya na namin natouch ang buhay ng isa't isa.

Umalis din sila Marge bago lumubog ang araw dahil mahihirapan si Jos magdrive paluwas.
Nagimpake na ako kinagabihan.

Day 4

Mga bandang 7:30am ay hinatid na ako nila mommy at daddy patungong NAIA. Andun na kami ng 9am. Ang daming tao. Akala ko lahat ay nakapila sa OFW pre-check-in. Mga usisa lang pala.


Nung dumating si B mga bandang 9:30, umalis na rin agad sila mommy at pumunta na kagad sa pre-check-in. Sarado pa ang Jetstar check-in counter nung matapos kami sa OFW chorva at sa Travel Tax kaya kumain muna kami ng Granny Goose Tortillos! Hehehehe.
Habang nakapila sa Immigration ay naisipan namin ni B na gamitin ang powers ng Diners card namin at magpunta sa traveller's lounge nila. Pagdating namin dun ay walang tao. Kumain kami ng Puttanesca at cupcakes at soup. Sarap! Hehehe. Libre lunch na ito!

Naging okay naman ang biyahe namin at dumating sa Singapore ng 3:30pm. Gutom na kami kaya dumaan muna sa Delifrance. Buti na lang panalo ang na-order namin na food. Umuwi na kagad kami pagkakain. Dahil kuripot kami, nagtrain kami. Hehehe.


Pagdating ng bahay ay inayos na agad namin ang mga gamit namin. Siempre madami kaming dalang groceries gaya ng Silver Swan toyo, Datu Puti suka, Cheez Whiz, tuyo, danggit, longganisa, foot long, tocino, Reno liver spread at Chocnut. Takot magutom!!!
Excited na kami ulit umuwi sa Pasko at sa CNY! Hehehehe.

Hanggang sa muli Pinas! We lab yu! =)


Wednesday, July 25, 2007

yummy perk

Ang isang magandang thing about being in the media is madaming perks. Either travel, kung anu-anong stuff o pagkain.

Kagaya neto, nagpadala ng mooncakes ang Raffles the Plaza sa office. Nakakuha ako ng Mini Snow-Skin Baileys Chocolate Mooncake. Tinikman ko kasi kakaiba. Hehe.




Sunday, July 22, 2007

va va voom!

Nagtry kami ni B today ng Vietnamese food. Pagkagaling namin sa simba at pagkatapos magsauli ng books sa National Library, nagutom kami kaya inexplore namin ang Seah Street.

Ang original plan ay hanapin ang fineature na restaurant nina Gurmit at Michelle sa Our Makan Places Lost and Found season 2. Pero walang kumakain kaya naisip namin baka di masarap. Naglakad pa kami further at nakita ang orange na orange na Va Va Voom Cafe na nagooffer ng Vietnamese food. Nagdecide kami na itry kumain dun for a change.



Pagupo namin at habang nagbobrowse ng menu, nilapitan kami ng waiter at nagsuggest ng mga best-selling dishes nila. Ang mga sinubukan naming dishes:

Fried veggie spring rolls and

mango salad for starters. Lemongrass with honey for drinks;

Beef stew for me, and

pork chop for B.

Pagkahain na pagkahain ni kuya, inattack namin agad ang food. At hindi kami nagkamali sa pagdedecide na itry ang food sa Va Va Voom. Super sarap! We love it! Ito ang proof:

at ito:


Bochog! Hihi. Babalik kami. =)


Tuesday, July 17, 2007

yey!

I just got my very first Singaporean cheque! Hehehe.

Happinezz!



Monday, July 16, 2007

it takes two

To screw.

Hehehe.

Dumi isip!

Nagassemble kami ni B ng drawer unit (mula IKEA) ala sidetable kahapon. Hehehe. Ito ang kinalabasan. Nakakatuwa kasi practice on teamwork ito.

Next project: lamp. Pero hindi na kelangan ng assembly nun. Hehehe. We love IKEA. =) We're so domesticated. Natutuwa kami mamasyal sa furniture or appliance shops or kahit saang may tindang gamit sa bahay.

God talked to me yesterday

Kahapon, habang naghihintay kami ng bus 195 papuntang IKEA, may kumausap sa aking matandang babae. Nung una di ko siya naiintindihan. Kala ko chekwa yun pala Pinay din gaya ko.

Tinanong niya ako kung day off ko daw. I was taken aback by her question. Di ko alam kung maooffend o hindi. Pero sinagot ko ng maayos. Sabi ko, opo. Totoo naman eh. Off namin ni B.

Chinika na kami ni Auntie. Sabi niya papunta naman daw siyang Lucky Plaza. Dami niyang tanong. Ano daw ba trabaho ko at magkano ang sweldo. Sinabi ko naman at sabi niya, mas maigi daw pala ang maging editor, malaki daw sahod.

Taga Zambales si Auntie at 23 years na siyang naninilbihan bilang domestic helper dito sa Singapore. Same family. Only ngayon, dun na siya nagtatrabaho sa anak nung dati niyang amo.

Sabi ni Auntie kahit daw masama ang trato sa kanya ng amo niya at SGD500 lang ang sahod niya, tinitiis daw niya kasi sabi daw niya kay Lord kahit anong ibigay sa kanyang work, titiisin niya. Nagpapasalamat na lang daw siya at may trabaho siya.

Narealize ko lang bigla kaninang umaga na baka kaya nagkrus ang landas namin ni Auntie eh para hindi ako magreklamo tungkol sa trabaho ko. Kung tutuusin, swerte ako dahil di naman masama ang trabaho ko at di rin naman masama ang kita. Tama naman si Auntie, dapat magpasalamat tayo sa binibigay sa atin ng Diyos at gawin natin ng maayos ang ating trabaho.

Salamat Auntie sa tinuro mo sa amin ni Reden.

Sunday, July 15, 2007

winner!

I loved Harry Potter and the Order of the Phoenix! Ang galing!

Invasion!





Hinde. Practice lang ng Singaporeans para sa kanilang 42nd National Day Parade. All out na ito, di pa nga totoo.

The Simpsons + adopted boy and girl


Friday, July 13, 2007

Thank God it's Friday!

Nakakapagod ang magbyahe ng limang araw para makapasok sa trabaho na di mo naman exactly kinakatuwaan. Wala akong ka-amor-amor para sa ginagawa ko ngayon. Pumapasok lang ako dahil kailangan. How pathetic! Wala talaga akong ibang motivation kundi ang matinding pangangailangan.

Siguro dahil hindi ako nagsusulat o dahil siguro dahil masyadong alta de sociedad ang kinocover ng magazine at di ako makarelate. Or siguro dahil di ko masakyan ang mga tagarito. Kakaiba. Mas madalas kesa hinde, nakasimangot sila. Kala mo lalapain ka ng buhay. Hehehe.

Sa Factory, di ko rin minsan masakyan yung mga sinusulat ko. Pero dahil masaya katrabaho ang mga katrabaho ko, okay lang. Nagenjoy pa rin ako pumasok. Miss ko na yung ganong feeling. Yung medyo excited ka sa work day.

Hay hay hay. Alam ko magiisang buwan pa lang ako. Pero hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na tumagal dito. Hindi para sa akin ang alta de sociedad.

At hindi ako mahilig mag-dress.

Wednesday, July 11, 2007

Saturday, June 30, 2007

Robots in disguise


Nanood kami ni B ng Transformers. Asteeg! I love Optimus Prime and the Autobots! Hehehe. Ang galing ng effects pero di kagandahan ang plot at napahaba ang movie. Ang sakit na ng pantog ko nung matapos ang pelikula. Halos iniwan ko na si B para lang makatakbo puntang CR. Hehehe. Pero naentertain naman ako so okay pa rin for me ang Transformers.

big girl, small city

Hay nako. Napagod ako sa kakaikot namin ni B (kahapon pa) para maghanap ng pantalon ko. Since nagwowork na ako, kailangan ko ng additional na isang pares. Napakaharabas ng trabaho ko as EA kaya mas gusto ko na nakamaong na lang palagi pagpasok. May times kasi na may mga kopya ng magazines na dapat kong kuhanin from the store room sa kabilang building pa.

Ang hirap maghanap dito ng kakasya sa isang kagaya ko na hindi 29 and below and waistline. Kung may size 30 naman sila, super sikip naman sa hita ko. Walang magandang fit!

Nagpunta kami ni B sa mga European stores pero masyadong mahal para sa akin. Pag tuwing magchecheck kami ng presyo ng mga pantalon, sinasabi na lang namin na pangmatangkad--pangmatangkad ang presyo. Di ako sanay ng bumibili ng maong na worth P3,000!

Hay. Gusto kong magfly pauwi ng Pinas para lang magshopping. Ang hirap neto. Wala akong choice kundi magdiet. Diet is like die with a T.

Potah naman oo. Hehehehe.

Bilib din ako sa mga locals. Ang lalakas kumain pero wala ako masyadong nakikitang mataba. Sadyang nilikha silang payat at maliit ang frame. Samantalang ako, maparami lang ang kain sa isang linggo, tiyak madaragdagan ng ilang inches ang laki ng hita ko. Hehehe.

Hay nako. Buhay ay sadyang ganire.

******

Speaking of harabas maging EA, harabas talaga siya. Grabe. Siguro dahil nagaadjust pa lang ako. After all, three years akong naging editor. Parang bumalik ako sa square one. Medyo suntok sa ego and may mga times na mahirap lunukin na ngayon uutusan ako di para mag-edit primarily, kundi para magdownload ng pictures, magmail ng magazines o CDs, gumawa ng expense claims ng mga bosing etc. Wala namang masama dun, it's just that I didn't really think I had to go through the first step all over again.

Ganito ata talaga ang reality for most people na lumilipat ng ibang bansa. Umpisa ulit sa wala. Swerte siguro yung mga nabibigyan ng chance na mamaintain yung mga trabaho nila from their home countries pag-move nila abroad.

Swerte din naman ako kasi nakakawork ako ngayon. Tsaka di rin naman masama na naeexpose ako sa pasikot-sikot sa isang luxury lifestyle magazine, na halos kagaya rin ng nakagisnan ko sa GS.

I will just do my best to stay focused and just learn everything I can to make myself more marketable at para pag may dumating na magandang opportunity, pwede kong i-grab with confidence. From here, there's nowhere to go but up.

Saturday, June 23, 2007

My Lakbayan grade is C-!


How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

extroversion quotient

How Outgoing Are You?
Extroversion Score : 57
You’re moderate on extroversion.

In today’s workplace, this puts you in the middle regarding this sought-after trait. Introducing yourself, meeting different people and being part of a team are OK for you; you’re not perceived as shy. While you don’t crave the opportunity to lead meetings or initiate contact with unfamiliar people, you can do it if asked. Your personal network is of average size. Generally, though not always, others can read your emotions and know where you stand. You’ll achieve greatest success in jobs -- such as healthcare, legal work, consumer research and quality control -- that offer a mixture of people-contact and solo activity.

You can take the quiz here.

******

I thought I was totally introverted. I guess just in certain situations. Like being in a new workplace.

Shy talaga ako sa una and I prefer to process everything by thinking about it. Sinabihan na nga ako ng boss ko na antisocial daw ako. But of course, he's the fungus on the ass' asshole. Siya ang pinakaantipatikong boss na nagkaron ako. At di siya ang boss boss ha. Utusan siya ng boss. Anyway, hindi pa niya deserve magappear sa blog ko so tsaka ko na siya ikwento.

Nagaadjust pa ako na maging foreigner sa workplace. Kahit na lahat naman sila ay nagsasalita ng Ingles, andun pa rin yung pagkakaiba ng kultura. Wala akong makachismisan kasi di ko (pa) alam sino sa kanila pwedeng itrust, kung meron man.

Despite the culture shock at ass of a boss, I will try my best to remain positively focused. Kailangan ko mag-gain ng experience para makamove forward. I am thankful I got a job.

And more thankful that it's Saturday.


Monday, June 18, 2007

Friday, June 15, 2007

delicious!


I've always loved the combination of blueberry and cream cheese on cakes but never tried it as palaman sa tinapay. I did today and it was absolutely delicious! Yum yum! =)

Tuesday, June 12, 2007

in sickness and in health...

B was down with a fever last weekend. His throat was sore and he had a terrible headache. We were not able to jog at the stadium. Pero nakapaggrocery pa rin kami nung Saturday ng gabi. Nawala kasi ang lagnat niya tapos bumalik na naman before kami matulog. Natakot kami kasi akala namin dengue. Buong gabi nung Sabado may lagnat si Reden.

Gumaling si B nung Sunday ng hapon. Headache na lang ang naiwan so akala namin okay na siya. Pero hanggang kanina ay masakit ang muscles and joints niya so we decided to have him checed by a doctor.

Sabi ng doctor baka daw may dengue siya. Wala na siyang lagnat, sinat lang pero masakit joints niya. Nagpablood test si B para sure.

Thank God the results came back negative. Kala namin macoconfine pa si B. Super mahal dito. Ang cost ng ward sa Raffles Hospital is equivalent to about 3k pesos per night. Gosh. Baka suite na yun sa atin eh. Niresitahan lang ng doctor si B ng paracetamol at ibuprofen at pinapahinga hanggang bukas.

Nakakaoverwhelm yung fact na I am responsible for him. Ako lang mag-aalaga sa kanya dito. We have friends here but we are each other's only family. Buti na lang he's feeling better. Salamat sa Diyos. =)

the best muffins in the world


B discovered these goodies last week, after he had lunch at Tanjong Pagar. Super sarap. Adik na ako. =)

Tuesday, May 29, 2007

i'm a foodie!

I can't remember when exactly I learned how to cook. Bata pa lang ako gusto ko lagi nasa kusina pag cooking time na. Pinapanood ko sinumang grown-up ang nagluluto sa kusina. Hindi ko na rin maalala anong una kong niluto. Siguro scrambled egg din gaya ng karamihan. Ang naaalala ko lang ngayon is pag nagluluto ako ng scrambled egg, di ko maperfect ang pagbaligtad. Laging nasisira yung circle kasi hindi nonstick ang aming kawali. Buti na lang at naimbento ang Teflon.

Nung safe na akong maiwan sa kusina on my own (di ko na maalala ilang taon ako nun), ako na ang designated cook sa bahay.

Ngayon madami na akong alam lutuin. Afritada, nilaga, caldereta, sinigang, adobo, kare-kare, pinakbet, chopsuey, sweet and sour, lumpiang shanghai, pinoy spaghetti, pancit canton o bihon, sinaing na isda, ginatang manok, at marami pang iba. Pangarap ko nga magtayo ng karinderya. Hindi restaurant ha. Karinderya. As in classic pinoy turo-turo. Mababaw lang ang kaligayahan ko. Hihi.

Ngayong may asawa na ako (na isa pang napakahilig kumain), isa pa rin ang pagluluto sa mga nagbibigay sa akin ng joy. It's always a pleasure na ipagluto ng makakain ang asawa ko at ang marinig mula sa kanya na masarap yung niluto ko.

Kung gusto niyo malaman anong kinakain namin ni Reden, bisitahin niyo ang aking food blog ang katzee's food for two. Kung di niyo man trip magluto, tingnan niyo na lang ang pics. Hehe. Ang unang recipe na andun ay Spaghetti Carbonara. Dinner namin yun kanina.

Happy cooking and happy eating! Good night!

haler, haler

Kumusta kayo?

I went back to KK to see my doctor again. Inexplain naman niya sa akin mabuti kung ano ang ibig sabihin ng calcifications. Sabi niya may dalawang kinds daw ng calcification. Ang isa ay yung malignant, na early stages of cancer. Yung isa naman ay benign.

She told me na yung nakita sa akin ay possible na tissue lang na naghiheal from my previous operation. Yung calcifications kasi ay nakita directly underneath the operated area. Wala naman daw need for a surgery or biopsy now but we have to monitor the calcification. Irregular daw kasi ang shape ng calcification.

So babalik ako sa KK in six months to have another mammogram. If the calcification changes (lumaki o dumami), then I might have to undergo surgery and biopsy.

That is good news. Una, kasi I feel like I have nothing to worry about naman. Pangalawa, kasi hindi namin kailangan maglabas ng pera at this time. May panahon pa akong makakuha ng trabaho at makapagtabi ng enough na pera.

Yun. =)

Monday, May 21, 2007

ultraelectromammogram

Just got back from KK Women's & Children's Hospital.

No, am not pregnant. I just had my boobies checked. Hehe.

Although my appointment with the breast surgeon was still at 12:05 noon, I was already at the KK Breast Centre at 11:30am. I took the free shuttle from Bugis MRT. Maganda ang hospital. Parang Medical City diyan sa Pinas. Pero mas malaki.

When it was finally my turn to see the breast surgeon, she asked me routine questions, such as family history of cancer, if I had kids etc. I realized my aunt (my dad's ate), will always be a part of my medical history. She had breast cancer and then later died of leukemia. The doctors said, however, that this is a weak cancer history. One of my doctors back home told me that it is more likely for someone to get cancer if they have a relative from their mother's side who had it or died from it.

She asked me what I saw her for and I told her I just want to have my boobs checked. I told her I had a lumpectomy last year and that the lump found was benign. She then asked me to take off my top and bra and to lie on the examination bed so she can do a breast exam and a preliminary ultrasound. She told me I look fine, that young women like me usually have lumpy breasts, and that there's nothing to worry about. She told me, however, to get a more detailed ultrasound done just to be sure.

Whew. Salamat naman at ok ako.

I waited for an hour for my turn at the sonographer. Luckily, Pinay ang sonographer so madali kausap. She checked my right breast then left then right again. I found this weird and naisip ko kagad that there must be something wrong. Tama nga ako kasi tinawag niya ang doctor for a consult. The cute doctor (babae ito) then explained that I have to have a mammogram done. She told me something I prayed I wouldn't hear today: I had a calcification on my right breast--again!

I waited almost 45 minutes para sa mammogram session. Nung turn ko na, natuwa ako kasi Pinay ulit ang nandun. Grabe ang mammography, masakit! Tolerable naman pero napa-aray talaga ako. Imaginin niyo na lang na yung boobs niyo inipit ng sobrang bigat na bagay. Ganon. Pirat kung pirat. Apat na beses kinunan ng image ang boobs ko. Tigdalawang angles per boob.

After 30 minutes, sinabihan ako ng cute doctor na pwede na akong umuwi. Wag daw ako magworry at bumalik na lang daw ako next Monday para sa appointment ko with my breast surgeon. All in all, ang ginastos ko ay S$226.90.

Hay. Ano ba naman ito. Puro gastos na lang idinulot ko sa asawa ko.

Tulungan niyo akong magdasal, kung kaninoman kayo nagdadasal, na sana ay hindi harmful ang calcification na nakita sa right breast ko, at sana ay hindi ko kailangan magundergo ng operation. Hindi ko alam kung maaafford namin ni Reden yun ngayon. Kakaumpisa lang niya sa new work niya at ako naman ay dakilang bum.

Hanggang sa Lunes.

Friday, May 18, 2007

long time no post

It has been three months since I got here and I am still, so far, unemployed. I knew it was hard to nail a job here, but I didn't think it would be this hard.

Thank God I've overcome "the blues." I went through a lot of sadness during the first half of my stay here. I miss home. I miss my family and friends. I miss my dogs. I miss working (yeah, didn't think I'd say that either).

Having companies not notice or reject me made me doubt my capabilities. It brought out all my insecurities and made me think that maybe I'm not as good as they say I am. I was never really a big fan of myself. Some of my friends are just so great that they made me believe that I am a good editor at may ibubuga ako. (Thanks guys. I wish you were here.) I had to struggle with my inner demons just so I won't lose my spirit.

Even before I got here, I have been sending out applications to Singaporean companies. I got lucky a few times and scored interviews. I just never got lucky enough to actually be offered a job. Well, there's one company but their office was so filthy I just had to turn it down. I haven't stopped putting my resume in circulation and I continuously pray for that one company that may think I am right for them.

In the meantime I try to keep myself entertained, doing chores at home, cooking, watching Oprah and Friends reruns. I am updated with season three of Grey's Anatomy and season one of Heroes. I've acquainted myself with Dr. Gregory House and his three interns, and am getting more paranoid than usual. Who knows, I might have an aneurysm on my leg and don't even know it? Hahaha. Aside from these, I'm in the 44th level of Diner Dash Flo on the Go. It's a game B and I are crazy about.

It's been three months since I moved to this sterile, boring, city-state and it's far from being home. If I wrote this a month and a half ago, I would've said that it's been a complete waste of time. But now I know better. Everyday is a struggle but having spent it with my wonderful and blessing of a husband makes all this not-doing-anything episode all worth it. I also now see this meantime as a chance to think about what I really want to do, what I really want.

Even though I get bored out of my wits sometimes, I have learned to make peace with where I am right now. After all, this is my life.

Monday, April 16, 2007

film fest weekend

The 20th Singapore International Film Festival is on-going. Since tickets were too expensive (in Pinoy standards), we decided to just watch the short films in the free programme.

So yesterday, we went to the Goethe-Institut on Penang Road to catch six short films, three of which were made by Pinoys.
We were there a couple of minutes past 2pm. Medyo nawala pa kami at hinanap pa namin ang Goethe-Institut. The screening was held at a small AVR. Mr. Cesar Hernando, a Pinoy filmmaker, was there and he introduced us to the films.

The first movie to be shown was 35mm Man by Roxlee. Tungkol ito sa isang (baliw) guy na napupuluputan ng 35mm film. He was a metaphor for commercial and Hollywood cinema, which was threatened by digital filmmakers. Halo-halo masyado ang metaphors sa movie na ito kaya magulo. Hindi ko siya nagustuhan kasi I thought it was too literal. Parang contradictory noh? Metaphors tapos literal. Basta, magulo siya. Ang nagustuhan ko lang is yung poem ni Lourd de Veyra (ng Radioactive Sago) sa huli. Ang sabi niya sa poem sana daw we can find our happiness in the mixed metaphors in the film. Something like that.


After ng 35mm man, sunod na ipinalabas ang Renita, Renita. It was an Indonesian film naman by Tonny Trimarsanto. Tungkol ito sa isang transexual na nagpoprosti sa Jakarta. Similar ang landscape ng Jakarta sa Manila. Mahirap maging mahirap.


Sumunod ipinilabas ang short film ni Cesar Hernando, Kagat ng Dilim. It starred the uber gwapo Piolo Pascual. Tungkol ito sa Huk guerillas noong 1950s na isa isang namatay. Yung mga corpse ng mga rebels ay natatagpuan sa side ng roads at may dalawang butas sa leeg, parang kagat ng vampire. So akala nila aswang ang may dahil sa deaths. Nung si Piolo na ang papatayin, ipinakita na Office of Psychological Warfare pala ang may pakana ng killings. An American officer and his Filipino subordinate, Macapagal (hehehe) had the rebels kidnapped by soldiers then brought to a lab where their blood is sucked out through their necks. Tapos pinapakalat nila sa bayan na aswang ang may gawa. O deba? Kagat ng Dilim is a fictionalized story based on actual events. Astig!

Harap Tenang, Ada Ujian (Be Quiet, Exam in Progress) was next. This short film by Ifa Isfansyah was about a young boy preparing for his exams. He was reading about the Japanese invasion of Jakarta when an earthquake struck (the Yogyakarta earthquake of May 2006). He woke up the following morning amidst the ruins of his home. Habang nageexplore, nakita niya ang dalawang Japanese volunteers na nagpitch ng tent sa side ng road. Akala ng bata, dumating muli ang mga Hapon para sakupin ang Indonesia.

Isang araw, inattack ng bata ng tirador yung isang volunteer at sabi lumayas sila sa Jakarta. Siempre, puzzled ang volunteer pero pumayag na rin na umalis. Sinabi niya sa bata (in Japanese) na sasabihin niya sa Indonesian volunteers na nagiisa siya doon. Kinabukasan, pagkatapos ng exam ng bata, nakita niya ulit ang dalawang volunteers kasama ang ilang Indonesian rescuers. Sabi ng bata, "and you dare bring your friends here?" Hehehe.

Nakakatuwa ang movie na ito. Mas nakakatuwa kesa sa pagkwento ko. Favorite ko ito sa lahat ng pinanood namin that day.


Best Foods ang sunod na ipinalabas. This was by Filipino filmmaker Jun Sabayto. Parang MTV siya (electronica ang music) about the poor in Pinas, making do with galunggong and kanin for food.


Ang last namin pinanood was Match Made by Mirabelle Ang. Documentary ito tungkol sa isang Singaporean national na naghanap ng mapapangasawa sa Ho Chi Minh City. Nagavail si Ricky (eh Singaporean) ng services ng isang match-making agency. Ang hinahanap niya ay isang babae na willing na tumira kasama at mag-alaga sa nanay niyang may sakit. Pumili siya ng mga babae tapos nung may napili na siya, nagpakasal sila agad kinabukasan. After four days, lumipad pabalik ng Singapore si Ricky. July ito.


Si Nhahn ay isa lang sa madaming babae na gustong takasan ang poverty sa Vietnam sa pamamagitan ng pagpapakasal sa foreigner. Parang Pinas noh? Hehe. Isa siyang farm girl na malapit sa family niya and she was around 20 when she married Ricky. September siya nakalipad patungong Singapore. Unfortunately, after three months, pinauwi na siya ni Ricky sa Vietnam.
Sinubukan makapanayam muli ng filmmaker si Nhanh. Sabi ng nanay nito ay nasa Saigon daw ang babae at nagtatrabaho. Hindi na mahanap ng filmmaker si Nhanh.

Ang sad noh?

******

After ng last film, umalis na kami ni B at dumerecho sa Wisma Atria para kumain. Nakakagutom manood eh. Hehe. Kumain kami ng curry rice mula sa scissors-cut stall sa food republic. Sarap! I ordered chicken curry and talong na may garlic and tons of sili. Si baby naman sitaw, inihaw na liempo at ang favorite niyang tokwa. Yum yum!


What's masarap about this curry is it's super rich. Promise, sauce pa lang, ulam na! Hehehe. Must-try!

Ang pinartner namin sa curry rice namin ay teh tarik (pulled milk tea). Perfect!


Pagkakain, naglakad kami ni B along Orchard Road at napaibig ako sa Ice Cream Sandwich. Pinabili ko si B since di ako pwede kumain, kagat lang (dahil sinisipon ako). Hehe. Mocha chips ang pinili niyang flavor.


Pero dahil Walls (Selecta) ang kitang stall from his side, kailangan picturan din niya ako with the Magnolia manong behind me. Dun namin binili yung sandwich eh. Hehe.


******

Habang nakaupo kami ni B at kumakain ng ice cream, nilapitan kami bigla ng isang Herbalife sales person. Kahit na alam kong bebentahan niya kami ng Herbalife dietary products, nagpakuha pa rin ako ng weight, BMI etc.

Napagalaman ko na ako pala ay 66kg na! Langya, last time I checked nasa 54kg lang ako. Overweight ako ng 20kg. Ang BMI ko ay 27 something percent at ang metabolic rate ko ay 1332 percent (kailangan ko ng 1332 calories a day). Tapos ang age daw ng aking vital organs ay 44 years old na. Lahat ito ay nabasa ng kanyang machine. Tumayo lang ako (parang weighing scale except may hawakan) and jenen! Ayan na ang lahat ng numero na yan. Hehehe. Oh well, kailangan ko na talagang magdiet at exercise.

******

Ben & Jerry's free cone day ngayon! Sayang, sinisipon ako di ako pwede kumain ng ice cream. =(

BIR!!!

Matapos namin mabalitaan ito dito sa Singapore, wala kaming nadama kundi ang pagkabuyset sa inyo at sa gubyerno ng Pinas ass a whole (pun intended).

Kahit nung nasa Pilipinas pa kami, wala na kayong ginawa kundi buwisan ang mga sahod namin. Halos wala na kaming maiuwi sa pinaghirapan naming pera ngunit alam namin na responsibilidad naming magbayad ng buwis. Ayos lang sa amin yun, dahil hindi gaya ng ibang mayayamang businessman at mga artista na hindi nagbabayad ng tamang buwis, mabubuting citizens kami.

Ang prublema namin eh ANG CORRUPT NIYO!!! Pinagnanakawan niyo kami!!! TAMA BA YUN??? Pwersahan niyong sinisingil sa amin ang pera namin tapos ilalagay niyo lang sa mga bulsa niyo?! Nagpapayaman lang kayo imbis na ibalik sa amin through efficient public service ang kwartang pinaghirapan namin!

Kapag ipinasa ng napakagaling (I'm being sarcastic ok) nating mambabatas ang pagbubuwis sa mga OFWs, ewan ko na lang kung magdawalang isip pa ang mga Pinoys sa ibang bansa na irenounce ang citizenship nila just for convenience' sake. Pati ba naman ang mga Pilipino na nagsasakripisyong mapalayo sa kanilang mga pamilya, nanakawan niyo pa??? Talaga namang ANG KAKAPAL NG APOG NIYO!!!

I hate our government! I hate the BIR! I hate yooooooooooooouuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!!!

Bahala na si Lord sa inyo. Hmp.

Wednesday, April 11, 2007

nanalo ako!

I'm so happy!

The Moleskine reporter notebook I won from PinoyCentric arrived in the mail today! Yehey!

Thanks PinoyCentric and Mr. Armand Frasco!

Nanalo ako sa kanilang caption-a-cartoon contest, Ika Nga. Check the site to know more. Sali kayo!

geeky gimik

It was B's day off yesterday. We woke up early in the morning, had breakfast and got ready as fast as we could so we can head off and meet up with Miss Malou and her family at Snow City. Nakarating naman kami sa oras. Hindi pa nga bukas ang Snow City eh. Pero tsaka na ako magpost about Snow City na hindi naman City kundi barrio.

Pag may copy na ako ng pictures.
After lunch at IMM, B convinced me to go to Science Center since he had a free pass and wala naman kaming gagawin. So go kami.

Nakakatuwa naman pala sa Science Center. Hindi lang siya basta exhibit. Interactive siya so kids don't only learn, they also have fun. Kung ganito naman pagkaturo ng Science sa mga bata, malamang ma-enganyo talaga sila mag-aral.

Una namin pinagdiskitahan ni B ang mga optical illusions sa exhibit.

Exhibit A
This exhibit looks like this through the naked eye:

Pero from the camera (na di ko alam kung nasan), ito ang makikita mo:

Buo na yung fence! Ang galing!

Exhibit B
This is the same picture.

Is it a happy woman...

...or an old and miserable man?

Exhibit C
Where's my feet?


Hindi ko na napicturan yung ibang interesting and fun exhibits dahil super dami! Kung pupunta kayo dito at may kasama kayong mga chikiting, must-see ang Science Center.

At bilang pagtatapos sa entry na ito:


Peace-sign fingers ni B. Pins ang mga yan. Ginagamit daw yan ng archaeologists para makuha ang hulma ng mga kung anumang artifacts na nahukay nila. O deba? Hehehe.

Monday, April 9, 2007

missing people

The factory girls threw a "surprise" (ewan ko kung surprise pa ito. taon-taon laging may surprise eh, hehe) Japanese-themed pantry party for Selena on her birthday last month. Marge made California maki, there were Oishi and junk food, a mini-cake from Selena's TJ, and a donut from Country Style. They had green tea, too.

I missed it.

Siempre, nasa Singapore ako. Hehe.

I miss my friends. I miss interacting and having a real relationship with them. Of course, we're friends even if we're miles apart. But still, nothing beats being just a walk-down-the-stairs away.

I guess I'll never stop missing my friends back home. Those relationships took years to build. Mahirap makahanap ng mga kasundo mo talaga. Kindred spirits, ika nga. I know I'll never find confidantes like Marge or George here. I know there will never be ultra ka-vibes lunchmates like Tin, Rhea, Tracy and Selena here, too. I accept that. Ganyan talaga ang buhay.

Minsan nakakatakot kasi ibang culture na ito. Sa Pinas nga minsan di mo pa makasundo yung mga kasama mo, pano pa dito? I don't know what kind of people I'll come across and connect with here.

Pero siguro kailangan ko na lang isipin na lahat naman ng tao, regardless of race, parepareho lang naman ang hinahanap natin. Gusto natin ang hindi tayo husgahan, ang tanggapin tayo kung ano talaga tayo, ang mapansin ang maganda sa atin.

I'm not expecting na makaron ako ng malalapit na kaibigan dito. Pero open ako sa possibility. =)