Friday, February 22, 2008
Pork Adobo
Ingredients:
pork liempo, cut into cubes
potatoes, cubed
1 head garlic, pinitpit at separated ang cloves
paminta
soy sauce
vinegar
Directions:
1. Ilagay sa kawali o kaldero ang pork liempo. Ilagay ang pinitpit na bawang, budburan ng paminta at ilagay ang toyo at suka. Kung gano karami ang toyo, ganun din karami ang suka. 1:1 ang ratio. Basta enough dapat to boil the pork. Hindi sabaw ha. Just enough.
2. Pakuluan ito hanggang maluto ang karne. Wag haluin hangga't di kumukulo for quite sometime ang toyo at suka. Pag hinalo ng di luto ang suka, forever nang hilaw at maasim yun.
3. Sa bukod na kawali, iprito ang patatas. Kapag medyo luto na ito, isalin ang pinakuluang adobo. Maaari ninyong paigahin ang adobo (pakuluin hanggang magdry-up ang sabaw) or ilagay nang nakahiwalay na ang sabaw in the first place.
Alternatively, pwede ninyong pakuluan ang patatas kasama ng adobo mixture instead na iprito ng hiwalay.
Labels:
pork
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Wow ! masarap ito yummmmmmmy ! I miss Pinoy food.
Post a Comment