Friday, January 9, 2009

girlprend bonding

Kahapon ay nakipagkita ako (siempre kasama ang asawa ko) kay Arianne at Sharon, ang dalawa kong naging girlprends sa dati kong pinapagtrabahuhan. Naghapunan kami sa food court ng Marina iskwer. Pinili nila ang lugar na yun dahil mayroon itong view ng downtown. Kahapon lang ulit kami napadpad ni B doon at oo nga pala, maganda nga pala ang ambiance doon lalo na pag gabi. Kita mo ang Esplanade at ang mga nagtataasang building sa siyudad at kita mo din ang ilog, kung saan madaming cranes dahil sa napakadaming construction na ginagawa sa gawing iyon ng Singapore.

Ito ang aming view kagabi:


Di ba maganda? Nakadagdag pa sa ganda ng ambiance ang simoy ng hangin at ang magandang panahon.

Habang hinihintay si Sharon at Arianne, ano pa bang gagawin namin kung hindi magcam whore?




Lalo siempreng gumanda ang ambiance nung dumating sina Sharon at Arianne! Ito kaming tatlo at ang mga kinain namin kagabi:


Si Sharon, gaya ko, ay bagong kasal din at paalis na sa Singapore upang makasama ang kanyang hubby sa Winnipeg, Canada. Si Arianne naman ay malapit nang umuwi sa Cebu upang magbakasyon pagkatapos ng mahigit isang taong pamamalagi dito. Manonood siya ng Sinulog at kakain ng masarap na Cebu Lechon!

Mapalad ako at nakilala ko silang dalawa. Namiss ko ang mga ganitong bonding/chismisan sessions kasama ang mga girlprends! Dati ay isang tawag ko lang kay George o kaya kay Marge ay agad kaming pupunta sa Greenbelt upang lumafang at dumaldal. Kaya naman kagabi ay nagalak ako nang todo at nakita kong muli ang dalawang babaysot na ito. Talaga namang kaysarap ng huntahan kagabi!

No comments: