Idagdag na rin natin ang ilang taon nang pagpipitpit ng bawang. Hahaha. All out kasi ako pag nagpipitpit ng bawang. As in BAM! Maganda siyang panglabas ng stress kaso pag higit sa dalawang bulbs ng bawang ang pipitpitin mo, gud lak naman deba?
To relieve the pain, I took Mefenamic Acid and put Salonpas patches on the parts that hurt.
Ok lang kahit mag-amoy lola ako. Masarap pala ang feeling ng Salonpas. Mainit at gaya ng sabi ng kumare kong si Mel, nakakarelax ng nerves.
Sa awa ng Diyos bumubuti na ang pakiramdam ko. A few days ago sobrang sakit pag sinusubukan kong itwist ang kamay ko. Ngayon CAN na ulit.
Nakakatakot. Dapat may insurance ata kamay ko (or kamay ng writers for that matter). Ayaw kong magpaka-Stephen Hawking ano. Yung tipong iniisip mo lang tapos computer na bahala sa output. Yung kanya nga lang, nagsasalita para sa kanya.
Kailangan ko nang bumili ng wrist guard. Sa ngayon kasi hanky lang gamit ko. Siguro kaya may wristband si Erap noh? May carpal tunnel syndrome???
12 comments:
meron test yan para malaman mo kung stressed na wrists mo. kaso hirap explain dito, pag nag webcam na lang si reden para makita ko. haha!
naku ganyan din ako. years of playing online games. nangingitim pa minsan yung wrist malapit sa may buto :(
baka wrong posture lang Ate. either too low ang iyong silya or too high ang keyboards. try mo i-adjust.
Ang tanong.... Sino kumuha nung first pic sa taas? Kung ikaw, ang galing ng left hand mo. So ok lang kung magloko ang right, hehehe
Hi Kat, try changing to a more ergonomic mouse. Your mouse may be getting to be too flat or too arched for your wrist na.
Ako rin nakakaramdam ng carpal tunnel syndrome. As in numb yung mga kamay ko paggising ko sa umaga. Normal symptom daw ng buntis. Pero wala akong nilalagay na kahit ano. Kinakaya pa. =)
Oh well papel, ingatan mo ang wrist mo. Wag na masyadong magpitpit ng bawang. Ipaubaya mo na lang kay Reden yan. Hehe.
oo ako kumuha. hahaha. effort! bigla kong naappreciate ang pagkakaron ng dalawang kamay! mahirap pala pag isa lang.
alfie ang scary naman! chinecheck ko din nga kasi baka nagkakablister or bruise. buti wala. ok na siya ngayon. =)
thanks christine! kinoconsider ko nga din palitan mouse ko. either yung ergonomic or smaller na mouse. =)
hahaha. bumili kami nung ready to use na bawang. yung chopped na. nakakaddict gamitin. scoop na lang ng scoop. =)
baka nga mababa yung upuan. mababa naman yung lalagyan nung keyboard at mouse eh.
sige nga dodi. pakita mo next time. =)
Post a Comment