Thursday, April 13, 2006

back from chekwa territory part 2

April 7
Simula dumating akong Shenzhen, inaalala ko na kung paano ako babalik ng Hong Kong. Dahil first time kong gagawin ito, super anxious ako. Hindi ako makapagdecide kung magbubus ako from Huanggang border or magtetrain (KCR then MTR).

Nung umaga ng pag-alis ko ng Shenzhen, nagdecide akong magtrain na lang since ito ang pinakamabilis at mas maliit ang chances na mawala ako. Yun nga lang, kailangan kong tiyagain ang pagbibitbit ng bagahe ko.

Pagkacheck-out ng Fraser ay nagcab ako papunta sa Luohu (Lo Wu), isa pang border ng Shenzhen at Hong Kong. Mula doon ay sumakay ako ng KCR Esat Rail patungo sa Hong Kong. Para naman ma-feel ko na tourist ako, nagfirst class ako na nagkahalaga ng HKD66. Comfortable naman at hindi ko kinailangan makipagsiksikan sa ordinary class so okay na yun.

Mabilis ang biyahe patungo sa Kowloon Tong station. From there, lumipat ako ng MTR Kwun Tong line going to Prince Edward station. Nagkamali ako kasi sa Prince Edward pala di ko na kailangan mag-exit para bumili ng ticket papuntang Tsuen Wan. Buti na lang pwedeng magpaadjust ng ticket. So board ako sa Tsuen Wan line papunta sa Tsuen Wan kung saan andun ang Panda Hotel.

Pagbaba ko ng train, hinanap ko kagad ang dapat kong labasan. Nagtanong ako at ang sabi ng guard dun ay exit B daw. Hinanap ko ang exit B at lumabas ako. Di ko alam may exit B2, B3 etc pa pala. Nawala ako. I took the looooong way.

Bumaba pa ako ng footbridge bitbit ang bagahe kong pagkabigat-bigat hanggang makarating ako sa sidewalk sa baba. Nung point na yun, di ko na alam saan ako maglalakad. Di ko nakikita ang Panda Hotel. Yung una kong napagtanungan may-ari ng tindahan kaso di marunong mag-English. Swinerte ako nung may dumaang dalawang police. Tinuro nila pano pumuntang Panda.

Ang layo. Grabe. Halos mabali ang braso ko. Hindi madaling maghila ng bagahe sa uneven na pavements tas madami pang tao. Tas di mo pa kabisado yung lugar. Hay, stressful! Naisipan ko ulit magtanong nung may nakita akong Pinay-looking na babae. Nung kinausap ko, di pala Pinay. Pero naturo naman niya san ang Panda. Malapit na pala ako nun.

Pagkacheck-in ko sa hotel, ang una kong ginawa ay humiga. Grabe! Pagod!

After a few hours ng pahinga, nagprepare na ako to meet Jec sa Central. Naginternet muna ako sa business center para makapagemail etc. Ang mahal, HKD45 ang binayaran ko.

Nung paalis na ako, tinanong ko sa guard kung may footbridge ba going to Tsuen Wan station. Meron daw exit sa 3rd floor ng hotel. Dun ko naconfirm na mali nga yung daan na tinahak ko papunta dun. Dapat di ako bumaba ng footbridge. At least, nalaman ko na.

From Tsuen Wan, last station ang Central so madali lang. Ang paghanap sa meeting place na sinet namin ni Jec ang mahirap. Ang ending, sa Jollibee kami nagkita. Tamang-tama naman kasi gutom na ako. Kumain ako ng Jolly Hotdog meal. Happy! Puro Pinoy dun. Meron din namang mga Chinese.

Nung dumating si Jec, naglibot muna kami sa mga stores sa area. Pero di pa ako ready magshop so wala pa akong nabili. Mga 7:30pm nung sumakay kami ng bus papunta sa airport para sunduin si Allen.

After maghanapan, nagdinner kami (c/o Jec) sa Ajisen Ramen. Medyo weird yung lasa nung kinain kong pork curry. Mas masarap sa New Bombay. Hehe.

After that, we went home na. Tinuruan ako ni Jec ng bus na sasakyan, which is A31. Yun din ang sasakyan ko in the coming days pag aattend ako ng trade show. Original balak ko is mag-train pero mahal pala. Buti na lang naturuan ako ni Jec.

Pag-uwi ko sa hotel tinawagan ko si B tapos natulog na. Pagod!

itutuloy...

No comments: