Hello everyone! Nagbabalik ako from the land of the chinky-eyed peeps--Tsina!
Nakangangarag palang lumipad tungong Hong Kong tapos magshuttle papuntang Shenzhen, tapos magtour ng factories sa malalayong lugar, tapos magtrain pabalik ng Hong Kong, tapos umattend ng trade show sa isang napakalaking venue, tapos mamasyal, tapos magshopping, tapos lumipad pabalik ng Pinas.
******
April 4
I took the 2pm flight from Manila to Hong Kong. Pagkadating ng Hong Kong airport, nag-avail ako ng limo service patungong Shenzhen at HKD200. Less hassle kasi yun kaysa mag-bus. Baka mawala pa ako eh wala namang marunong mag-English masyado sa Shenzhen.
Don't be mislead into thinking na ang sinakyan ko ay isang limousine. Van ito. At ang aking mga kapwa pasahero ay mga Chinese. Lahat sila lalaki. So medyo natakot ako na una, ako lang ang babae, at pangalawa, ako lang ang hindi marunong magsalita ng wika nila.
Medyo matagal din ang biyahe from HK airport to Huanggang, ang border ng HK at China. Tahimik lang kami lahat sa sasakyan. Buti na lang tinetext ako ni B, kung hinde, naiyak siguro ako sa sobrang takot.
Pagdating ng Huanggang, bumaba kaming lahat upang dumaan sa Immigration at lumipat ng van na siyang maghahatid sa amin sa mga hotel namin. Di pa ako nakapagfill-up ng form about my health etc, tapos ng arrival card ng China. Buti na lang di masungit mga nasa Immigration.
After dumaan sa Immigration, sinalubong ako ng girlalu from the limo service. Kinausap niya ako in Chinese (di ko alam kung Mandarin o Cantonese, basta Chinese), tas sabi ko sorry pero di ako nakakaintindi nun. Tinuro na lang niya ako sa sasakyan at maghintay daw ako.
Nung sumakay na kami sa van, inabot ko na yung papel kung san nakasulat kung san ako dapat ihatid. May sinabi sa akin ang driver ng van, in Chinese. Buti yung isang mama na kasakay namin ay marunong ng English. Tinatanong daw ako ng driver kung saan ako pupunta. Sabi ko sa Fraser Corporate Residences. Buti na lang may dala akong Chinese translation ng pangalan ng place at ng address nito.
Ako pa ang huling hinatid ng driver. Nung kaming dalawa na lang ang naiwan sa sasakyan, kung anu-anong kapraningan ang nasa isip ko. Pano kung dalhin ako nito kung saan? Pano kung di pala niya alam yung place? Pano kung...ang dami kong worries. Napanatag lang ang loob ko nang makita ko ang Fraser.
Hassle-free naman ang pagchecheck-in. Marunong naman mag-English ang nasa front desk.
Serviced apartments kasi ang Fraser kaya para talaga siyang full-blown bahay. May kitchen, may kwarto, may sala, may banyo, may balcony pa na nagsilbing yosi spot ko. Ang eerie lang ng feeling kapag nagiisa ka sa ganong place. Namiss ko tuloy si B.
Mga 8pm na ito so gutom na ako. Bumili na lang ako ng cup noodles sa 7/11. Medyo malayo-layong lakarin pero okay naman. Sa tapat ng Fraser meron ding park. Ang daming tao dun tas may mga aso silang dala. Mukhang peaceful at safe naman so hindi nakakatakot maglakad.
April 5
Pagkakain ng breakfast sa hotel, nagpatulong ako sa front desk na maghanap ng cab patungo sa office kung saan imimeet ko ang writer namin. Pwede sana akong mag-train kaso tinamad ako tsaka takot talaga akong mawala.
May dala akong brochure ng building (Shenzhen International Chamber of Commerce) para in case mawala ako, maipapakita ko yung picture. Buti na lang kasi nawala nga si manong driver. Dalawang beses ako muntik ibaba sa maling place. Buti na lang nagkaintindihan kami at nakarating din ako sa office. Ang ganda nung building. Bagong-bago.
Ang una kong ginawa pagkapasok ng office ay magcheck ng e-mail. Miss ko na kagad ang Pinas nun so kelangan kong magreconnect sa mga tao dito. Si B siempre ang una kong ine-mail. =)
Naglunch kami ng writer sa isang Chinese fastfood. Di ko alam pagalan. Basta ang kinain ko beef with Chinese brocolli and egg. Sarap naman. Kakabusog nga lang. After lunch nagbiyahe na kami patungo sa factory.
Dalawang bus ang sinakyan namin. Yung una, aircon kaso naglileak yung vent sa tapat ko. So nabasa ako. Yung pangalawa naman, di aircon so sobrang init. Halos isang oras din nagtagal ang biyahe. Ang layo eh. Tapos nawala pa kami dahil di rin alam ng writer kung san mismo ang factory. Hay.
Ang pinuntahan namin ay factory ng extension cords (how exciting!). Salamat at pinainom kami ng tubig. Oo, painom lang. Walang pambara. Hehe. Hindi lang siguro talaga accomodating ang mga chekwa. Dito kasi sa Pinas pag nagfactory visit, may pakain. Hehe.
Mas matagal pa ang ibiniyahe namin kesa sa mismong tour. Siempre, lahat ay naganap sa wikang Intsik kaya wala akong naintindihan. Trinatranslate lang nung writer sa English yung important details.
Pagkabalik sa hotel, naglakad ulit ako sa area. Malayo-layo ang narating ko at nakakita ako ng KFC! Tinuro ko lang kung ano yung familiar. It turned out na Zinger pala yung naturo ko. Pero buti hindi siya kasing spicy nung Pinoy version. May kasama pa siyang salad na corn, carrots at celery. Sarap!
April 6
Nagkita ulit kami sa office ng writer at pinakain niya ako sa restaurant na nagseserve ng food from her hometown (na di ko na maalala kung ano). Okay naman. Di ko lang natypan yung dimsum na may kinchay ata yun. Masarap naman yung spare ribs tsaka yung dish na may patatas at talong.
Binulaga ako ng writer namin nang sinabi niyang di na daw niya ako masasamahan pabalik ng Shenzhen downtown after ng factory tour. Hanggang 7pm lang daw ang biyahe patungo sa uuwian niya at late na kung babalik pa siya para samahan ako. Isasakay na lang daw nya ako ng bus at kakausapin ang driver at ticket sales girl kung saan ako ibababa. Akala ko nagbibiro siya. But no, seryoso pala ang bruha. Langya, pag kayo ang nasa Maynila sobra namin kayong iaccomodate ah. Pag kami ang pumupunta sa non-English speaking na bansa niyo, iniiwan-iwanan niyo kami.
Pero wala naman akong magagawa dahil malayo ang uuwian ng writer. So sige, kahit takot ako, pumayag na rin ako. Bahala na.
Kung malayo ang biyahe patungo sa factory nung nakaraang araw, mas malayo yung pangalawang pinuntahan namin. Ang masaklap, umulan pa.
Considerable ang layo ng factory from the highway kung san dumadaan ang mga bus. So hindi pwedeng lakarin. Sabi ng account executive na kasama namin, sasakay daw kami ng motorcycle papunta dun.
Haler! Di nga ako sumasakay ng motor sa Maynila, dito pa? Pero again, wala akong choice. So saklang ako sa motorcycle. Sobrang di ko matake humawak sa manong driver. Malay mo kung may SARS siya o bird flu di ba? Katakot! Suplada na kung suplada pero naman. Ayoko magkasakit dun. Pero ayoko rin mamatay kung bumalentong yung motor so hawak ako sa balikat ng manong. Nagdasal na lang ako na sana wala siyang sakit at di kami bumalentong.
Sa awa ng Diyos, nakarating naman kami sa factory. Ito ay isang pagawaan ng stamped and formed parts. Pansinin niyo yung kaha ng CPU niyo or yung kaha ng DVD player. Yun. Ganon yung stamped and formed part.
Mas malaki ang factory na ito. Ilang workshops din ang nandun. Tapos may dormitory complex pa for the workers. Meron din yung isang factory kaso mas maliit. Ganon pala style dun. Andun na rin ang tirahan ng workers sa factory compound.
Napansin ko lang na ang babata pa ng mga workers. Feeling ko may mga below 20 dun. Pero siguro pinipili na lang nilang magtrabaho dun kesa magutom.
Medyo malas ata kami nung day na to kasi umulan ulit nung uuwi na kami. Wala pa kaming masakyan palabas sa highway so kelangan maglakad. Nagpatila muna kami ng ulan bago umalis. Malayong lakarin ito.
Ang masaklap, basa ang daan at meydo ambun-ish pa. Tapos may parts na lubog sa tubig ang paa so natural, nabasa ang sapatos ko. Kabuysetan to the highest level talaga!
Buti mabilis akong nakasakay ng bus. Ang nakakaasar pa, kinakausap ako in Chinese ng driver at konduktora. Alam naman nila na di nga ako nakakaintindi nun. Tawa sila ng tawa. Kaines. Malay ko kung ano yung sinasabi nila.
Sobrang traffic pauwi dahil may parts ng daan ang ginagawa. Natakot pa ako nung may umakyat na police sa bus at nagcheck ng ID ng mga tao. Buti na lang lagi kong dala ang passport ko so kung sakaling chineck niya ako, may maiipakita ako. Pero takot pa rin. Naalala ko yung movie ni Claire Danes na kinulong sila sa Thailand ata.
Mga 8pm na ako nakauwi nun. Una kong ginawa eh magkuskos ng paa. Kadiri kasi. Baka kung anong sakit makuha ko. Eh ang mga chekwa pa naman dahak and dura ang drama. Kahit saan! Kahit sino! National hobby ata yung spitting eh.
Sa sobrang pagod, naiyak na lang ako. Tinawagan ko na lang si B. Namiss ko siya lalo.
Nagimpake na ulit ako dahil kinabukasan ay pupunta na akong Hong Kong.
itutuloy...
2 comments:
kakatakot sa mainland china no? parang lahat di friendly. nways, welcome back!
Napagod ako sa post mo, and I realized na kakangarag ang China trip mo... buti na lang most of them ay ngayon ko lang nalaman kundi nag alala ako ng todo. I love you mahal ko. :)
Post a Comment