Thursday, April 27, 2006

kaya ng powers ko!

After a couple of stressful days, I now feel okay. Unti-unti nang lumilinaw ang mga bagay-bagay.

I've taken care of my credit card bills and found a way to cut my outstanding balance significantly.

I've also found a nice place that I would probably move into next week. I only have to check the place later.

Tackling challenges and being responsible for my own life is empowering. It makes me feel better about myself. Kaya ko pala. =)

Now if I can just finish this report...

Good day everyone!

Tuesday, April 25, 2006

random thoughts on a sucky day

The status quo starts to look good when you see that the future entails a lot of work, a lot of challenges, changes, and risks.

It's really hard to break out of one's shell. Now I know what a chick feels as he tries to push his way out of a small crack on an egg.

I wish I had a proxy. I'm just so tired.

Sometimes I'm not so smart.

I hope I find a new effin' place to move into before the sixth of May. Demmit.

I'm hungry.

I have 93 lines of report to write. Gotta start now but can't. I'm so distracted.

I hate that my camera broke down and I can't afford to have it repaired or have it replaced.

It's good that I finally found a man who's man enough to put me in my place. Now I know I'm where I should be.

plugging: TSOKO.NUT

Yesterday, B and I had lunch at Tsoko.Nut Batirol at SM Makati. It was our first time there and I loved it! Several reasons:

1. Customer service was superb. Pag pasok pa lang namin, we were greeted by the manager na ang pleasant ng aura. Tapos tinanong kami san namin gustong umupo and sinervan kami ng glasses of water. Binigyan pa niya kami ng magazines ! Winner! To think di naman sila high-end resto.

2. Cozy interior. I'm no expert but I know how to appreciate well-designed interiors. May mga coffee table and comfy chairs tapos merong mga dining set na metal and rattan (ata).

3. Although not exactly exceptional, the food was good. It was a bit pricey considering the amount of food on the plate. Pero it's enough to make you full. I had dinuguan and B had chorizong hubad. The price is P85 and P99, respectively. We didn't order beverages dahil they only have tsokolate and cold bevs na parang mga frap. Mabilis din ang service. And maagap. Our glasses were refilled with cold water even before they were empty.

Mukhang masarap magmeryenda dun. May suman, may bibingka, may pancit molo. Daming choices na mga traditional Pinoy meryenda. Siempre, specialty nila yung hot choco, pinoy style. Pag bumalik kami dun, try ko yun.

So, if mapadpad kayo sa Makati, drop by kayo sa Tsoko.Nut. Sulit na experience. =)

Monday, April 24, 2006

kat turns fashion editor

No, don't think Cosmopolitan or Mega or even Seventeen. It's not as glamorous as you might think. There are no fashion spreads here.

Kahapon nagumpisa ang aking three-month stint as a copy editor for the company's fashion and garment magazines.

This is a welcome change because I really need a break from writing about hardware (e.g. screws, construction machines, power hand drills, pendant lights) and automotive parts (e.g. shock absorbers, motorcycle engines, power window kits). Ngayon lang ulit ako naexcite about work sa two years na andito ako sa company.

But of course, standard na sa company ang heavy workload at dikit-dikit na deadlines. So kahit na ang isusulat ko ay tungkol sa women's casual shoes, cosmetic packaging, sequins at shawls, haggard pa rin.

Oh well, I'm just thankful I have a job. =)


#7

B and I are on our 7th month now. Happy. =)

I'm still amazed whenever I think about how we evolved from officemates to kor buddies to friends to this. We often take people close to us for granted. Minsan ang layo natin tumingin di tuloy natin napapansin yung mga taong nasa paligid natin. Fortunately, I realized "things" before it was too late and I'm really glad I took the risk.

During our first few months, we were uneasy and there were still some issues that had to be resolved. Buti na lang we were able to talk about everything and got rid of skeletons in our closets. Simula nun, smooth-sailing na ang lahat.

We've gone through major and minor life changes--his ate getting married and moving to the US, his new job, my weight loss and gain and loss and gain, haircuts, trips overseas, etc. We've managed to get over big and little challenges and now it feels as if we've been together for eons.

We're a happy couple and I guess it shows. Sabi nga nung isang agent ng Family First, parang wala daw malungkot na sandali sa aming dalawa. Totoo yun. Pero siempre, like normal couples, we have misunderstandings, too. Our (mini-)fights, however, are mostly over little things.

Nevertheless, even if we've said things we could've kept to ourselves, done things we should have thought about first (B, I'm sorry I pushed you toward the garbage can), and (unintentionally) hurt each other, for me this is perfect. This is the one thing I've always wanted.

Sorry for the mush, people. But most of the time the truth (especially if it's about love) is mushy and corny.

I love you B! More months to come.
=)

******

Pupunta kaming Bulabod ni B sa Sabado! Yey! Sana may magamit kaming digicam para may mapost akong pictures.

Magpapa-tan (translation: magpapaitim) ulit ako. =)

Tuesday, April 18, 2006

kat and mice =)




pictures from chekwa territory

Kaunti lang ang pics na nakuha ko. Hindi ko nafeel na kuhanan ng pics ang factories na binisita ko or yung mga workers na karamihan ay mas bata pa sa akin. Lahat ito ay kuha sa Shenzhen. The hotel room nor the view from my hotel room in Hong Kong wasn't worthy to be photographed. Hehe.

This is the view from my apartment's balcony. Smog, smog, smog.
No wonder na-sad ako ng husto nung andito ako.


This is the view from another angle.

This is the entertainment center sa living room. May DVD player kaso wala naman akong dalang CDs kaya di ko siya napakinabangan. Sobrang kinonsider ko na bumili ng pirata sa mga nagtitinda sa sidewalks kaso ayokong mairita sa kakasalita nang walang nakakaintindi sa akin.

This is the kitchen. It's equipped with a ref, microwave oven, dining set, knives, kubyertos at lahat ng kailangan para mabusog. Well, except food. =)

Sunday, April 16, 2006

happy easter!

The long holiday will be officially over tomorrow for most people, but not for me! Nakaleave ako. =) Pero pagsapit ng Martes, balik trabaho na. Kayod, kayod, kayod. Ang daming trabahong naghihintay sa akin. Ang daming dapat umpisahan at dapat tapusin.

The coming week is a very important one for me. It could actually change the course of my life. Tingnan natin if it will come. Pero kung hinde, okay lang. There's a lot of changes going on--a lot of exciting changes. All naman is good for me. Walang prublema. Or maybe I just refuse to look at it as problems. Lahat yan challenges na dapat i-overcome. And I like challenges. =)

******

During lazy weekends and long breaks, the Zuño family just sits around the television and watches movies on cable or VCDs or DVDs. This past week, we watched The Dukes of Hazzard, A Very Long Engagement and Harold & Kumar Go to Whitecastle. We have yet to watch In Her Shoes today.

I love it when we just lounge and watch movies--silly or serious. I love it when we laugh together, when mom and I cry over movies together, when we attack junk food together, when we cheer for the protagonist together. It makes me feel glad to be part of this family.

Yun nga lang, nakakataba. Haha. I've got less than a month to trim my belly to an acceptable size. Gotta wear my Tiger Lily. Hehe. =) Cebu, here we come!

******

Darating na si B today. Yey! We're going to cook crispy pata for dinner. That's pata from Calapan. Hehe. =)

So much for the weight loss plan. =)

Happy Easter everyone!

Saturday, April 15, 2006

jpg

Got this trick from Gladys. Natuwa ako dahil natutunan ko rin sa wakas pano to gawin. Thanks Gladys! Ngayon may gagawin na ako para di ako mabore. =)

******

May sira ang camera ko. Sad. =( Just when I wanted to take more photos. And kung kelan malapit na kaming pumunta ng Cebu.

Walang lumalabas sa LCD kapag kukuha ako ng pictures. Siguro may tama ang lens or ang sensors. Hindi LCD ang sira kasi yung mga pictures na nakuha ko dati naviview ko pa rin.

I'll have it checked sa service center. Sana hindi masyadong mahal ang parepair. Two years ko pa lang ginagamit ang camera and nakakahinayang naman kung papalitan ko na kagad siya.

Oh well. Sabi nga ni B, and I quote, "devices are meant to be sira."

Haha. How coño.

Friday, April 14, 2006

back from chekwa territory part 3

April 8
I decided to leave early dahil hahanapin ko pa ang stop ng A31. I walked toward the Tsuen Wan MTR station at hinanap kung saan tumitigil ang buses. Buti nakita ko kagad. The bus arrived after 15-20 minutes.

Nakarating ako sa airport after 45 minutes. Since 9am pa lang at 9:30 pa ang press briefing, I had a quick breakfast a isang cafe dun. I had a raisin twist tsaka cafe mocha. Sumakay akong airport express papuntang AsiaWorld Expo around 9:15am. One minute lang naman ang trip.

Mabilis akong naglakad papunta sa Media Center. Kaso sobrang laki nung venue at first time ko dun so hindi ko kagad nakita. Nalate tuloy ako at 10am na nakarating sa media center. Tapos na ang press briefing kaya brinief ako ng organizers mag-isa. Haha. Nakakahiya. Ang aga ko pa naman gumising. Mabait naman sila.

Around 11am, pumunta na kami sa Disneyland Resort Hotel. We had lunch sa Enchanted Garden restaurant. Ang daming food! Pero di ko masyado nasulit kasi ang bilis ko mabusog. Nagenjoy ako sa dessert. May vanilla ice cream tapos ang daming choices ng toppings. May chocolate fountain din tsaka ang daming pastries!

Aside sa pagkain, siempre nagpapicture ako with Mickey and Minnie. After nun kasi namatay na ang battery ng camera. Sayang, andun din si Goofy at Pluto.

May booboo ulit ako: muntik na akong maiwan ng bus pabalik ng AWE! Nagpunta pa kasi ako ng washroom after magyosi. Pagbalik ko ng restaurant wala na silang lahat! Hahaha. Kahiya talaga. Pasaway ang editor ng GS. Mwehehehe.

After ng trade show, mineet ko si Jec at Allen sa Tsuen Wan station at sabay-sabay kaming nagpunta sa Tsim Sha Tsui para magshop. First stop namin ay bilihan ng mp3 player. Nakabili ako ng 256MB model na may FM radio tsaka voice recorder. In pesos, 2,450 siya. Not bad.

Tapos nun nagpunta kami sa Esprit outlet store. Nakakaexcite! Haha. Binilhan ko si B ng polo tas bumili din ako ng top. Mura kasi eh.

After that, lakad-lakad hanggang magutom. Kumain kami sa The Spaghetti House. Sarap! Nasaid namin ang food dahil sa gutom.

After dinner, lakad-lakad ulit hanggang sa mapadpad kami sa Quicksilver store. Roxy!!! Mas mura siya compared sa items dito pero mahal pa rin. Tsaka na lang ako bibili pag bumalik akong Hong Kong. Last time, nakabili ako ng Roxy shirt sa Stanley Market kaya mura lang.

Umuwi na kami after. May trade show pa ako kinabukasan at masakit na rin paa ko.

April 9
Trade show day. Ulambon sa HK.

Excited ako kasi uuwi na ako the next day. Paguwi ko ng hotel, I decided to check out yung lumang mall sa may Tsuen Wan station. May mga stalls kasi dun. Nakabili ako ng shirt for my sister at skirt for me. Ang cute!

Naglakad pa ako ng unte at nakakita ng Giordano store. Binilhan ko ng pasalubong dalawa kong brothers tsaka si Mommy at Daddy. Mura dun! Nakabili ako ng belts at two for HKD100.

After nun, dumaan ako sa Wellcome supermarket para bumili ng Melty Kiss. Kaso wala na raw silang stock. Sad. Dumaan ako sa Park N' Shop at wala rin silang stock ng Melty Kiss. Sayang. Bumili lang ako ng isa para sa sister ni B kasi di pa siya nakatikim nun. Bumili pa akong ilang packs ng Chinese Kitkat at Cadbury pampasalubong sa teammates tsaka kina Mommy.

Pagkadating ng hotel, kinuha ko kagad maleta ko para makapagimpake.

April 10
Pinas na ulit! Yehey!

Nagkita kagad kami ni B nung gabi at nagdinner sa Gerry's. Namiss ko ang Pinoy food! Namiss ko si B!

Back to work kinabukasan.

Hay. Hehe.

The end! Will post pictures soon!

Thursday, April 13, 2006

back from chekwa territory part 2

April 7
Simula dumating akong Shenzhen, inaalala ko na kung paano ako babalik ng Hong Kong. Dahil first time kong gagawin ito, super anxious ako. Hindi ako makapagdecide kung magbubus ako from Huanggang border or magtetrain (KCR then MTR).

Nung umaga ng pag-alis ko ng Shenzhen, nagdecide akong magtrain na lang since ito ang pinakamabilis at mas maliit ang chances na mawala ako. Yun nga lang, kailangan kong tiyagain ang pagbibitbit ng bagahe ko.

Pagkacheck-out ng Fraser ay nagcab ako papunta sa Luohu (Lo Wu), isa pang border ng Shenzhen at Hong Kong. Mula doon ay sumakay ako ng KCR Esat Rail patungo sa Hong Kong. Para naman ma-feel ko na tourist ako, nagfirst class ako na nagkahalaga ng HKD66. Comfortable naman at hindi ko kinailangan makipagsiksikan sa ordinary class so okay na yun.

Mabilis ang biyahe patungo sa Kowloon Tong station. From there, lumipat ako ng MTR Kwun Tong line going to Prince Edward station. Nagkamali ako kasi sa Prince Edward pala di ko na kailangan mag-exit para bumili ng ticket papuntang Tsuen Wan. Buti na lang pwedeng magpaadjust ng ticket. So board ako sa Tsuen Wan line papunta sa Tsuen Wan kung saan andun ang Panda Hotel.

Pagbaba ko ng train, hinanap ko kagad ang dapat kong labasan. Nagtanong ako at ang sabi ng guard dun ay exit B daw. Hinanap ko ang exit B at lumabas ako. Di ko alam may exit B2, B3 etc pa pala. Nawala ako. I took the looooong way.

Bumaba pa ako ng footbridge bitbit ang bagahe kong pagkabigat-bigat hanggang makarating ako sa sidewalk sa baba. Nung point na yun, di ko na alam saan ako maglalakad. Di ko nakikita ang Panda Hotel. Yung una kong napagtanungan may-ari ng tindahan kaso di marunong mag-English. Swinerte ako nung may dumaang dalawang police. Tinuro nila pano pumuntang Panda.

Ang layo. Grabe. Halos mabali ang braso ko. Hindi madaling maghila ng bagahe sa uneven na pavements tas madami pang tao. Tas di mo pa kabisado yung lugar. Hay, stressful! Naisipan ko ulit magtanong nung may nakita akong Pinay-looking na babae. Nung kinausap ko, di pala Pinay. Pero naturo naman niya san ang Panda. Malapit na pala ako nun.

Pagkacheck-in ko sa hotel, ang una kong ginawa ay humiga. Grabe! Pagod!

After a few hours ng pahinga, nagprepare na ako to meet Jec sa Central. Naginternet muna ako sa business center para makapagemail etc. Ang mahal, HKD45 ang binayaran ko.

Nung paalis na ako, tinanong ko sa guard kung may footbridge ba going to Tsuen Wan station. Meron daw exit sa 3rd floor ng hotel. Dun ko naconfirm na mali nga yung daan na tinahak ko papunta dun. Dapat di ako bumaba ng footbridge. At least, nalaman ko na.

From Tsuen Wan, last station ang Central so madali lang. Ang paghanap sa meeting place na sinet namin ni Jec ang mahirap. Ang ending, sa Jollibee kami nagkita. Tamang-tama naman kasi gutom na ako. Kumain ako ng Jolly Hotdog meal. Happy! Puro Pinoy dun. Meron din namang mga Chinese.

Nung dumating si Jec, naglibot muna kami sa mga stores sa area. Pero di pa ako ready magshop so wala pa akong nabili. Mga 7:30pm nung sumakay kami ng bus papunta sa airport para sunduin si Allen.

After maghanapan, nagdinner kami (c/o Jec) sa Ajisen Ramen. Medyo weird yung lasa nung kinain kong pork curry. Mas masarap sa New Bombay. Hehe.

After that, we went home na. Tinuruan ako ni Jec ng bus na sasakyan, which is A31. Yun din ang sasakyan ko in the coming days pag aattend ako ng trade show. Original balak ko is mag-train pero mahal pala. Buti na lang naturuan ako ni Jec.

Pag-uwi ko sa hotel tinawagan ko si B tapos natulog na. Pagod!

itutuloy...

back from chekwa territory part 1

Hello everyone! Nagbabalik ako from the land of the chinky-eyed peeps--Tsina!

Nakangangarag palang lumipad tungong Hong Kong tapos magshuttle papuntang Shenzhen, tapos magtour ng factories sa malalayong lugar, tapos magtrain pabalik ng Hong Kong, tapos umattend ng trade show sa isang napakalaking venue, tapos mamasyal, tapos magshopping, tapos lumipad pabalik ng Pinas.

******

April 4
I took the 2pm flight from Manila to Hong Kong. Pagkadating ng Hong Kong airport, nag-avail ako ng limo service patungong Shenzhen at HKD200. Less hassle kasi yun kaysa mag-bus. Baka mawala pa ako eh wala namang marunong mag-English masyado sa Shenzhen.

Don't be mislead into thinking na ang sinakyan ko ay isang limousine. Van ito. At ang aking mga kapwa pasahero ay mga Chinese. Lahat sila lalaki. So medyo natakot ako na una, ako lang ang babae, at pangalawa, ako lang ang hindi marunong magsalita ng wika nila.

Medyo matagal din ang biyahe from HK airport to Huanggang, ang border ng HK at China. Tahimik lang kami lahat sa sasakyan. Buti na lang tinetext ako ni B, kung hinde, naiyak siguro ako sa sobrang takot.

Pagdating ng Huanggang, bumaba kaming lahat upang dumaan sa Immigration at lumipat ng van na siyang maghahatid sa amin sa mga hotel namin. Di pa ako nakapagfill-up ng form about my health etc, tapos ng arrival card ng China. Buti na lang di masungit mga nasa Immigration.

After dumaan sa Immigration, sinalubong ako ng girlalu from the limo service. Kinausap niya ako in Chinese (di ko alam kung Mandarin o Cantonese, basta Chinese), tas sabi ko sorry pero di ako nakakaintindi nun. Tinuro na lang niya ako sa sasakyan at maghintay daw ako.

Nung sumakay na kami sa van, inabot ko na yung papel kung san nakasulat kung san ako dapat ihatid. May sinabi sa akin ang driver ng van, in Chinese. Buti yung isang mama na kasakay namin ay marunong ng English. Tinatanong daw ako ng driver kung saan ako pupunta. Sabi ko sa Fraser Corporate Residences. Buti na lang may dala akong Chinese translation ng pangalan ng place at ng address nito.

Ako pa ang huling hinatid ng driver. Nung kaming dalawa na lang ang naiwan sa sasakyan, kung anu-anong kapraningan ang nasa isip ko. Pano kung dalhin ako nito kung saan? Pano kung di pala niya alam yung place? Pano kung...ang dami kong worries. Napanatag lang ang loob ko nang makita ko ang Fraser.

Hassle-free naman ang pagchecheck-in. Marunong naman mag-English ang nasa front desk.

Serviced apartments kasi ang Fraser kaya para talaga siyang full-blown bahay. May kitchen, may kwarto, may sala, may banyo, may balcony pa na nagsilbing yosi spot ko. Ang eerie lang ng feeling kapag nagiisa ka sa ganong place. Namiss ko tuloy si B.

Mga 8pm na ito so gutom na ako. Bumili na lang ako ng cup noodles sa 7/11. Medyo malayo-layong lakarin pero okay naman. Sa tapat ng Fraser meron ding park. Ang daming tao dun tas may mga aso silang dala. Mukhang peaceful at safe naman so hindi nakakatakot maglakad.

April 5
Pagkakain ng breakfast sa hotel, nagpatulong ako sa front desk na maghanap ng cab patungo sa office kung saan imimeet ko ang writer namin. Pwede sana akong mag-train kaso tinamad ako tsaka takot talaga akong mawala.

May dala akong brochure ng building (Shenzhen International Chamber of Commerce) para in case mawala ako, maipapakita ko yung picture. Buti na lang kasi nawala nga si manong driver. Dalawang beses ako muntik ibaba sa maling place. Buti na lang nagkaintindihan kami at nakarating din ako sa office. Ang ganda nung building. Bagong-bago.

Ang una kong ginawa pagkapasok ng office ay magcheck ng e-mail. Miss ko na kagad ang Pinas nun so kelangan kong magreconnect sa mga tao dito. Si B siempre ang una kong ine-mail. =)

Naglunch kami ng writer sa isang Chinese fastfood. Di ko alam pagalan. Basta ang kinain ko beef with Chinese brocolli and egg. Sarap naman. Kakabusog nga lang. After lunch nagbiyahe na kami patungo sa factory.

Dalawang bus ang sinakyan namin. Yung una, aircon kaso naglileak yung vent sa tapat ko. So nabasa ako. Yung pangalawa naman, di aircon so sobrang init. Halos isang oras din nagtagal ang biyahe. Ang layo eh. Tapos nawala pa kami dahil di rin alam ng writer kung san mismo ang factory. Hay.

Ang pinuntahan namin ay factory ng extension cords (how exciting!). Salamat at pinainom kami ng tubig. Oo, painom lang. Walang pambara. Hehe. Hindi lang siguro talaga accomodating ang mga chekwa. Dito kasi sa Pinas pag nagfactory visit, may pakain. Hehe.

Mas matagal pa ang ibiniyahe namin kesa sa mismong tour. Siempre, lahat ay naganap sa wikang Intsik kaya wala akong naintindihan. Trinatranslate lang nung writer sa English yung important details.

Pagkabalik sa hotel, naglakad ulit ako sa area. Malayo-layo ang narating ko at nakakita ako ng KFC! Tinuro ko lang kung ano yung familiar. It turned out na Zinger pala yung naturo ko. Pero buti hindi siya kasing spicy nung Pinoy version. May kasama pa siyang salad na corn, carrots at celery.
Sarap!

April 6
Nagkita ulit kami sa office ng writer at pinakain niya ako sa restaurant na nagseserve ng food from her hometown (na di ko na maalala kung ano). Okay naman. Di ko lang natypan yung dimsum na may kinchay ata yun. Masarap naman yung spare ribs tsaka yung dish na may patatas at talong.

Binulaga ako ng writer namin nang sinabi niyang di na daw niya ako masasamahan pabalik ng Shenzhen downtown after ng factory tour. Hanggang 7pm lang daw ang biyahe patungo sa uuwian niya at late na kung babalik pa siya para samahan ako. Isasakay na lang daw nya ako ng bus at kakausapin ang driver at ticket sales girl kung saan ako ibababa. Akala ko nagbibiro siya. But no, seryoso pala ang bruha. Langya, pag kayo ang nasa Maynila sobra namin kayong iaccomodate ah. Pag kami ang pumupunta sa non-English speaking na bansa niyo, iniiwan-iwanan niyo kami.

Pero wala naman akong magagawa dahil malayo ang uuwian ng writer. So sige, kahit takot ako, pumayag na rin ako. Bahala na.

Kung malayo ang biyahe patungo sa factory nung nakaraang araw, mas malayo yung pangalawang pinuntahan namin. Ang masaklap, umulan pa.

Considerable ang layo ng factory from the highway kung san dumadaan ang mga bus. So hindi pwedeng lakarin. Sabi ng account executive na kasama namin, sasakay daw kami ng motorcycle papunta dun.

Haler! Di nga ako sumasakay ng motor sa Maynila, dito pa? Pero again, wala akong choice. So saklang ako sa motorcycle. Sobrang di ko matake humawak sa manong driver. Malay mo kung may SARS siya o bird flu di ba? Katakot! Suplada na kung suplada pero naman. Ayoko magkasakit dun. Pero ayoko rin mamatay kung bumalentong yung motor so hawak ako sa balikat ng manong. Nagdasal na lang ako na sana wala siyang sakit at di kami bumalentong.

Sa awa ng Diyos, nakarating naman kami sa factory. Ito ay isang pagawaan ng stamped and formed parts. Pansinin niyo yung kaha ng CPU niyo or yung kaha ng DVD player. Yun. Ganon yung stamped and formed part.

Mas malaki ang factory na ito. Ilang workshops din ang nandun. Tapos may dormitory complex pa for the workers. Meron din yung isang factory kaso mas maliit. Ganon pala style dun. Andun na rin ang tirahan ng workers sa factory compound.

Napansin ko lang na ang babata pa ng mga workers. Feeling ko may mga below 20 dun. Pero siguro pinipili na lang nilang magtrabaho dun kesa magutom.

Medyo malas ata kami nung day na to kasi umulan ulit nung uuwi na kami. Wala pa kaming masakyan palabas sa highway so kelangan maglakad. Nagpatila muna kami ng ulan bago umalis. Malayong lakarin ito.

Ang masaklap, basa ang daan at meydo ambun-ish pa. Tapos may parts na lubog sa tubig ang paa so natural, nabasa ang sapatos ko. Kabuysetan to the highest level talaga!

Buti mabilis akong nakasakay ng bus. Ang nakakaasar pa, kinakausap ako in Chinese ng driver at konduktora. Alam naman nila na di nga ako nakakaintindi nun. Tawa sila ng tawa. Kaines. Malay ko kung ano yung sinasabi nila.

Sobrang traffic pauwi dahil may parts ng daan ang ginagawa. Natakot pa ako nung may umakyat na police sa bus at nagcheck ng ID ng mga tao. Buti na lang lagi kong dala ang passport ko so kung sakaling chineck niya ako, may maiipakita ako. Pero takot pa rin. Naalala ko yung movie ni Claire Danes na kinulong sila sa Thailand ata.

Mga 8pm na ako nakauwi nun. Una kong ginawa eh magkuskos ng paa. Kadiri kasi. Baka kung anong sakit makuha ko. Eh ang mga chekwa pa naman dahak and dura ang drama. Kahit saan! Kahit sino! National hobby ata yung spitting eh.

Sa sobrang pagod, naiyak na lang ako. Tinawagan ko na lang si B. Namiss ko siya lalo.

Nagimpake na ulit ako dahil kinabukasan ay pupunta na akong Hong Kong.

itutuloy...