Monday, July 27, 2009

ito ang send off

Sabi ng boss ko kanina, given the company's situation, hindi daw siya sure kung anong plano ng new manager namin sa akin (contractual kasi ako). Ibig sabihin, may possibility na pag balik ko galing sa aking one-month vacation ay wala na akong trabaho. Sabi ko okay lang, basta sabihin na lang niya para hindi na ako bumalik sa office.

Hindi na ako nasorpresa sa balita kasi anim na buwan na eh hindi pa din nila ako iniisyuhan ng kontrata. Yung pag-extend sa kontrata ko sinabi lang sa akin. Nagfollow-up naman ako regarding the contract pero wala silang binigay. At yung manager namin sa London, hindi rin nagrereply tuwing nageemail ako. Bastos ano? Pero nagtrabaho pa din ako dahil sineswelduhan naman ako.

May times na nalungkot at nafrustrate ako dahil pakiramdam ko ay dinadaya ako ng company. Natuto na nga akong maging manhid sa sitwasyon. Wala na akong pakialam sa kontrata basta sumasahod ako, tuloy ang trabaho. Tapos ngayon, ito nga ang balita.

Hindi ako nalungkot. Hindi din ako natakot. I guess ineexpect ko na ang araw na to. At the back of my mind, alam ko this day will come. Ready naman ako. So kung may matanggap akong email habang nagbabakasyon next month, matatanggap ko ng buong-buo. Whatever happens, it will be for a good reason.

Basta mag-eenjoy ako sa bakasyon namin. Mageenjoy ako ng todo.

14 comments:

Denice C. said...

tamang attitude yan! marami pa namang iba jan. go enjoy ur well deserved break :)

Karen Ramos said...

you go, girl!

whatever happens, at least you have prepared yourself for it. Tama ka enjoy your vacation. Kasi the worst thing that could happen after that is magkakaron ka ng new work at magiging super busy ka na naman at matagal bago magkapagbakasyon ng one month :)

Kat Zuño-Mateo said...

thanks denice!

Kat Zuño-Mateo said...

korek ka diyan karen! salamat!

Apple Mateo said...

if ever, ok lang yun, new opportunities! :)

Kat Zuño-Mateo said...

correct lor! :D

Yen Uera-Tesoro said...

Goodluck and happy trip sa inyong dalawa. Tama yan, enjoy lang! Don't let anything dampen your spirit, I'm sure better things will come your way.

Kat Zuño-Mateo said...

thanks yen! we'll make it a point to visit you next year for more! hehehe. :)

mayen zuno said...

that's ok. let go, let GOD!

Yeriquo Abila said...

Just hope for the best and don't let it ruin your vacation.

Louie Pilapil said...

That's a great way of looking at it. Sabi nga ni Hagrid kay Harry: "Whatever would come, would come. Deal with it when it does." Or something like that. Kumuha daw ba ng words of wisdom from Harry Potter? Hehe. Enjoy your vacation! :)

Earl Joyce B. Rivera said...

let go, let God...there's always light at the end of the tunnel! bilib nga ako sa spirit mo! God bless...in the meantime, have a blaaast on your vacation!

Kat Zuño-Mateo said...

thanks louie! i hope all is well with you! :)

Kat Zuño-Mateo said...

thanks earl! enjoy din kayo sa trip niyo! :)