Friday, April 17, 2009

may isang ibon

Kanina habang nagaabang ng bus, may nakita kami ni B na ibon na nalaglag sa kalye. Buhay pa siya nung nahulog siya pero saktong-sakto may dumaan na bus. Ayun, pag-alis ng bus, nakita namin yung bird, naghingalo ng ilang segundo before nalagutan ng hininga. Kawawa. Nalungkot kami ni B pareho na hindi namin maintindihan. Siguro iba lang talaga ang effect pag nakakawitness ka ng death. Except na lang siguro sa death ng lamok or ipis.

Wala pang limang minuto nang mamatay siya, may lumapit na black crow sa kanya. (Napakaintimidating ng crows sa neighborhood namin. Ang tataba!) Gamit ng crow ang malaking claw niya, inapakan niya ang katawan ng ibon tinuka ang ulo at hinila.

Narealize ko lalo na yung buhay talaga, any moment pwedeng mawala. Yung ibon siguro gumising this morning, lumipad-lipad, walang kamalay-malay na nalalapit na pala ang pagpanaw niya. Pero at least nagawa niya yung purpose niya sa buhay. Natuto siyang lumipad. Tsaka at least after niya mamatay, may nakinabang sa kanya.


Naisip ko, eh ako, pano pag ako na, masasabi ko ba na nagawa ko  yung dapat kong gawin? Ano bang legacy na iiwan ko sa mundong to? Siguro kung pagpalain kami magkaanak ni B, yung pagpapalaki namin sa kanya ang magiging legacy namin. Pero pano kung iba ang path ko? Pano kung hindi ako destined maging magulang? Anong iiwan ko?

Pero siguro hindi tama na isipin ko yun dahil andito pa ako. May magagawa pa ako. Ang hirap lang siguro nakundisyon na tayo ng society na we have to do something really big in our lives. Yung talagang makakarock sa mundong ginagalawan natin. Eh sa buhay naman walang malaki, walang maliit. Kung anong gawin mo, yun lang yun.  Nothing is good or bad, big or small. Sabi nga ni Eckhart Tolle, it just is. Our obsession with "the next big thing" has turned us into rats in an endless race.

Of course it's okay to have dreams, plans and goals. We need that. But we also need to live in the moment. 

I look at birds and realize that they don't want to be anything else other than what they are. They don't really care about leaving a legacy or an heirloom. They don't even think about death. They don't worry about any of the things we humans concern ourselves with before we die. They just do what they can every single second of their lives.


We should, too.

4 comments:

Denice C. said...

grabe ka kat, nagiisip ka na ng legacy and you're younger than i am. ako dedma sa ganyan, i have no high expectations of myself. i just want to live my life the way i want it, i don't have to inspire, impress or please anyone. ... oops, parang pangit din ata?!? hehe

Kat Zuño-Mateo said...

hindi ko naman regularly naiiisip. ngayon lang nung nakita ko yung ibon na nilapa ng crow. hehehe.

Dodi Liongson said...

MATTHEW 6:26 "Look at the birds of the air, for they neither sow nor
reap nor gather into barns; yet your heavenly Father feeds
them. Are you not of more value than they?

Kat Zuño-Mateo said...

Amen to that dodi!