Thursday, March 26, 2009

kalachuchi memories

Noong isang araw ko pa nakita ang mga kalachuchi blooms na ito sa may bakuran ng kapitbahay namin. Ngayon ko lang napicturan. Sayang at nalalanta na siya. Nung isang araw purong-purong puti sila na may kaunting dilaw. Nakakatuwang pagmasdan.

Naalala ko yung mga panahon na sa Los Baños pa kami nakatira. Maliit pa kami ni Lia noon at may mga kalachuchi trees kaming inaakyat. Hindi ko na maalala kung sa UPLB grounds nga or sa ibang lugar. Hazy na ang memory. Basta alam ko minsan akong umakyat sa isang puno ng kalachuchi.

Yun kayang mga magiging anak namin may aakyating puno? Ang lalaki ng puno sa mga park dito sa Singapore at bihira yung may sariling garden. Pero sana maranasan nila yung mga naranasan namin noong kabataan namin.

Simple lang ang buhay ng bata noon. Kahit walang laruan or kahit yo-yo lang ang laruan, nageenjoy pa din. Ngayon puro electronics na. Ano namang nakakatuwa sa pagpindot-pindot ng buttons? Mas masaya yung may kalaro ka.

Madalas kong laruin dati yung patintero or piko, langit-lupa or saksak-puso. Ok din yung Chinese garter. Pero ang baba lang ng naaabot ko kasi hindi ako long-legged gaya ni Pilar, yung kalaro ko na abot yung garter na nasa leeg na. Salamat sa Chinese garter, maaga kong naconfront ang body issues ko. Fortunately, natanggap ko agad na magkakaiba ang body structure natin. Hehe.

Naglalaro din ako minsan ng jump rope. Yung song all along akala ko I love you talaber taleber. Yun pala I love you teddy bear teddy bear. Hahaha. College ko na nalaman ang correct lyrics, salamat kay Marge.


Nagsisipa din ako. Yung sipa na gusto ko yung makapal ang tingga para mas madali icontrol. Kaso hindi ko kaya yung upto five na sipa. Hanggang two or three consecutive sipa lang ako. The rest kailangan kamay ang ipangtira ko.

Hay. Nakakatuwang balikan ang childhood memories. Ang ironic lang kasi pag bata ka gusto mo tumanda ka na agad. If I knew back then time adult life is more challenging, I would've climbed more trees and played more games. Nevertheless, I'm happy na maiibida ko sa magiging anak ko that I was able to climb at least one kalachuchi tree.

17 comments:

nell enriquez said...

hahaha akala ko din 'i love you teleber' yun ngayon ko lang nalaman...

Tin Tin said...

ano yung saksak-puso? :-D

Apple Mateo said...

"Saksak puso, tulo ang dugo..." :D

Reden Mateo said...

masama daw maglaro ng saksak puso pag Biyernes... hehehe

Kat Zuño-Mateo said...

hahaha! at least alam mo na ngayon nell. hahaha. : )

Kat Zuño-Mateo said...

tin, parang habulan with a twist ang saksak-puso. pag "nasaksak" ka ng taya, di ka dapat gagalaw. makakagalaw ka lang pag nahawakan ka ng ibang hindi taya at sumigaw sila ng "puso!" pag gumalaw ka kahit di ka pa naganon, ikaw magiging taya. : ) yun ata yun. hehehe.

Kat Zuño-Mateo said...

baka yung langit-lupa ang bawal pag friday?

Reden Mateo said...

dunno. not sure. hehehe.

yung version namin ng saksak puso, parang mali. kasi pag nasaksak ka, titigil ka. pero di ko maalala na pwede ka itouch para makagalaw. parang nag eend yung game na lahat eh nakatigil. then another round na lang ng paghahanap ng taya. labo no. hehehe.

Marge T said...

Kat --- Lola Losyang.... I remember... yesterday, the world was so young.... =)

Kat Zuño-Mateo said...

hahaha.

Is that you lolo?

Look at my mole. =)

Kitchie Gerardino said...

Naalala ko tuloy yung pepsi seven-up...Sana pag dating ng araw makapag laro itong anak ko ng mga ganun. At sana wag lumaking maarte. Mga bata ngayon ang liliit pa naka-takong na at tube. Ginagawang barbie ng mga nanay nila...hayyyyy.....

Reden Mateo said...

Lola Losyang nga ba sinabi ng bata? Yun din rinig ko. Siguro 'Lola let's dance?'

Kat Zuño-Mateo said...

hay korek ka jan kitch!

Kat Zuño-Mateo said...

eto, pakinggan natin ulet:

Kharine Catibog said...

kat i think inside UPLB grounds yung kalachuchi, madami nun sa may stairs pababa ng SU building, kaya mo akyatin yung puno kasi may hagdan at saka parang terrace. Maganda tingan lalo na pag malayo kasi nangingibabaw yung kulay. Pag uwi nyo sa april daan kayo para mareminisce lalo. Hayyy..are we just getting old and busy or what?

Marge T said...

Kat! Kasama namin friend ni Ate Liza kanina at I love you teleber teleber din sya! Hahaha!

mayen zuno said...

Blog pati lahat ng comments, katuwa. Yung kalachuchi trees na inaakyat nyo e sa me admin, malapit sa kalabaw. Noong time na yon e mabababa palang.