Apat na buwan na ako dito sa trabaho na ito at madami na akong natutunan, di lang sa kung pano ginagawa ang mga bagay-bagay, kundi pati na rin sa sarili ko.
Una, napatunayan ko na gusto ko ng organization. Isa akong neat-freak. Gusto ko lahat maayos. I prefer order over chaos. Itong company na pinagtatrabahuhan ko ngayon leaves much to be desired pagdating sa aspetong yan. Ang gulo ng opisina, kulang sa storage at kung meron mang sistemang in place, medyo kailangan i-streamline pa. Ang gulo-gulo dito.
Kung makikita niyo lang ang lugar na ito at kakilala niyo ako, I'm sure madali niyong mahahanap ang desk ko. Akin lang kasi ang malinis. Yung mga kaopisina ko, babae man o lalaki, ang gulo ng mga workstation. Puro tambak ng press releases sa ilalim at ibabaw, mga magazines, at kung anu-ano pang pictures na nakapaskil sa cubicle. Yung iba nga may certain smell na eh. Kadiri. Kung andito siguro si Mr Mark (big boss sa 14th floor ng dati kong company) mahihimatay siya. Ewan ko pano sila nakakatrabaho dito.
Bukod sa gulo ng environment, magulo din ang palakad. Masyadong mapulitika dito. At ang malas ko, yung posisyon ko ay nilalagay ako sa gitna ng lahat.
Pangalawa, gusto ko talaga magsulat. When I analyzed the situation I am in now, narealize ko na hindi ko dinedespise ang trabaho. Gusto ko siya actually, writing for a lifestyle publication. Ang ayaw ko lang talaga is the way this place operates. At least ngayon, alam ko na na gusto ko talaga magsulat.
Pangatlo, narealize ko na having peace of mind is important to me. Siguro kahit naman sino gusto yan. Dito kasi feeling ko I always have to watch my back. Nakakadagdag sa stress yung paranoia. Meron kasi dito hinihintay lang talaga magkamali yung staff tapos isusumbong sa higher ups. Lalaki siya ha.
Panahon na para sa sunod na hakbang.
No comments:
Post a Comment