August 18
Umattend kami ni B ng Ultimate Poolside Beer and Barbecue Experience sa The Ritz-Carlton Millenia. Ito ay part ng kanilang 9th annual New World of Food and Wine festival. Since ang publication namin ay partner sa event na ito, pinapunta ako ng boss ko. Laking tuwa ko nung binigyan ako ng two slots ng PR. Naisama ko si B! Two mouths are better than one! Hehehe. Mas madami kami matitikman.
Lahat ng pwede ihawin, inihaw nila dun--shrimps, beef tenderloin, chicken etc. Mas masaya nga sana kung may rice. Hehehe. Siempre, Pinoy kami eh so kelangan may rice. Pero wala. Tumikim din ako ng salad na may truffle. Ganon pala lasa nun. Hehehe.
May 30 different kinds of beer din na sinerve pero ang natikman lang namin ay apat. Kasali siempre sa bilang ang San Mig Light dahil alam na alam na namin lasa nun.
Sa San Mig, dalawang Belgian beers at isang Australian beer na natikman namin, wagi pa rin sa aming panlasa ang San Mig. Mas swabe. Hehe. Ang pait masyado nung ibang beers.
Aside sa beer at sang katutak na barbecues, may dessert siempre. Ito si B, ineenjoy ang kanyang chocolate stick:
At ito ako, nilalasap ang strawberry cheesecake:
Tsarap!
At meron ding entertainment:
Hehehe. =)
August 19
The following night naman ay nanood kami ng fireworks display sa Marina Bay floating gallery courtesy of B's company. Every three months kasi ay may social event ang office ni B as treat to their employees. Last time ay nanood kami ng Spider-Man 3 for free.
Hindi naging komprtable ang pagpunta namin sa gallery. Grabe ang dami ng tao. Siksikan from Esplanade to the gallery's entrance. Sa palagay ko ay it could have been planned/organized better.
Hindi rin nakakatuwa na nasa taas na kami ng gallery. Ang layo ng inakyat namin! Tapos hindi rin ganon kakomportable ang seats. Nakakasakit ng pwet.
Buti na lang hindi umulan ng gabing yun kung hindi, basa kaming lahat kasi walang bubong ang gallery na ito. Ewan ko ba kung minadali ba ito ng gubyerno para sa National Day. Di man lang nilagyan ng bubong.
Anyway, buti na lang natuwa kami sa fireworks:
Saya!
Pero parusa naman ang paglabas ng gallery. Ilang minutes din kaming stranded sa ilalim ng gallery dahil hindi umuusad ang pila palabas. Ahahay. Kakakunsume.
Nung makarating kami ng Suntec, kumain kami ng Hokien Mee. Hahahaha. Kakagutom eh.
August 24
Nung Friday naman ay pinaattend ulit ako ng boss ko ng media preview ng Al Barakat promo sa Four Seasons Hotel. Dahil sobrang lakas ng ulan nun, inagahan ko ang alis sa office. Kahit 12noon pa ang start, 11:15 pa lang, lumayas na ako at nagpatawag ng cab. Ayoko nga malate.
Yun nga lang, napaaga naman ako. 11:30 pa lang nasa hotel na ako at ni hindi pa ready ang table. Pero courteous naman ang staff at inalok ako ng drinks at newspapers. Ahahay. Kakahiya. Ang aga ko.
After ilang minutes ay pinaupo na rin ako sa designated table at dumating ang PR ang Four Seasons Maldives. Joint promotion kasi ito ng SG at Maldives. Siempre, charming at chika ang PR girl. Kakatuwa. Give her a call daw pag napadpad ako sa Maldives either for vacation or work.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating din ang aking dalawang PR contacts from Four Seasons SG. Ang sweet nilang dalawa at thank you daw dahil maaga ako dumating. Pero pasensya na daw at kailangan namin hintayin ang ibang members ng media. Ok lang naman sakin maghintay.
Dumating paisa-isa ang iba pang gaya kong miyembro ng press. May mga nameet ako na writers gaya ni Yuri, isang Haponesang super cute pag tumatawa; Belinda, isang local writer at isa pang guy na hindi ko naintindihan ang name pero siya ay mula Food Magazine. May iba pang dumalo kaso di ko na sila nakilala.
Sa wakas, oras na para kumain. Nagserve muna ng bread with three dips: chick pea, eggplant and humus. Uber sarap! Winner yung chick pea dip. I loved it! Tapos next naman ay eggplant salad with walnut. Sarap din although may umay factor yung talong. Ang main course naman ay lamb and chicken breast skewers. Grabe to, nakakabusog. Pero sarap din. Tapos ang dessert ay semolina cake, coconut pudding with rosewater at baklava. Kakaiba ang mga ito.
Super sarap kaya kung andito kayo sa SG at mailig sa Middle Eastern food, I suggest pumunta kayo sa Four Seasons at magavail ng promo. Winner talaga!
No comments:
Post a Comment