Friday, July 13, 2007

Thank God it's Friday!

Nakakapagod ang magbyahe ng limang araw para makapasok sa trabaho na di mo naman exactly kinakatuwaan. Wala akong ka-amor-amor para sa ginagawa ko ngayon. Pumapasok lang ako dahil kailangan. How pathetic! Wala talaga akong ibang motivation kundi ang matinding pangangailangan.

Siguro dahil hindi ako nagsusulat o dahil siguro dahil masyadong alta de sociedad ang kinocover ng magazine at di ako makarelate. Or siguro dahil di ko masakyan ang mga tagarito. Kakaiba. Mas madalas kesa hinde, nakasimangot sila. Kala mo lalapain ka ng buhay. Hehehe.

Sa Factory, di ko rin minsan masakyan yung mga sinusulat ko. Pero dahil masaya katrabaho ang mga katrabaho ko, okay lang. Nagenjoy pa rin ako pumasok. Miss ko na yung ganong feeling. Yung medyo excited ka sa work day.

Hay hay hay. Alam ko magiisang buwan pa lang ako. Pero hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na tumagal dito. Hindi para sa akin ang alta de sociedad.

At hindi ako mahilig mag-dress.

2 comments:

nice said...

ey kat, tiis muna konti. ganyan talaga dito.

rach said...

hi katz... sa una mahirap talaga.. lalo na at hindi natin kabayan ang ksama natin sa office.

Ganyan din ang una kong experience dito sa dubai. Inisip ko kakayanin ko n lng sa araw-araw kasi kelangan ko talaga...

I-channel mo n lng sa ibang lugar ang isip mo... :)

Hindi ko alam kung parehas sila ng mga 'Chinese' pero kasi matagal maging palagay ang loob ng mga yan unless you speak their native language..mejo matagal bago sila magtiwala... di bale saan ba't dun din ang punta ng relationship mo sa kanila.. tiis lng talaga.. :)

sana malagpasan mo yan!