Ngayong wala ka naB's in Singapore na. Sniff, sniff.
Kailangang masanay na muling nag-iisa
Sa'n ka na kaya?
'Wag mo akong sisihin
Kung minsan ikay hanapin
Ito ang unang araw na wala ka na
'Wag mo akong sisihin
kung minsan ako'y iyakin
Ito ang unang araw na wala ka na
-Unang Araw, Sugarfree
Hindi ko na napigil ang pag-iyak nung hinatid namin siya kahapon sa airport. Ang hirap talagang magpaalam.
His mama wanted to wait until his plane left so andun kami tumambay sa waiting area from around past 12 to 4pm. Nadelay kasi ang flight ni B. Instead na umalis ng 2:55, 4 na umalis. Typical of PAL.
Kwentuhan galore kami ng mama niya habang katext ko si B. Paminsan-minsan napapaluha ako kapag naiisip ko na ang tagal namin hindi magkikita. That's 24 days pa on my count. But 24 days will pass by quickly.
I'm sure though that the four days I'll spend there will pass by even quicker.
Anyway, pagkagaling namin ng airport, nagcab kami papuntang Philcoa. On the way, natanaw ko ang OSMA (building kung saan andun ang dating office ni B). Nasad ako dahil dati andun lang siya. Mage-MRT lang ako makikita ko na siya.
Pagdating sa Philcoa, dumaan kami sa market tapos sa Mercury at after ay nag-Jollibee. It felt so surreal to be in the places that B frequented. Unti-unting nagsink in na nasa Singapore na nga siya at wala sa Pinas.
Natakot akong umuwi sa Maayusin kasi baka humagulhol na lang ako bigla. Pero buti hindi naman. Hindi naman ako naiyak pagpasok ko ng bahay. Pero sobrang nafeel ko yung void na naiwan ni B. Kulang. Walang maingay, walang makulit. It was weird seeing all of his stuff there pero wala siya. Nagpipierce talaga yung sadness. Sobrang bigat ng feeling.
Medyo naging okay naman ako nung nagtext na siya na andun na siya sa SG. Hassle-free naman yung biyahe niya kahit turbulent. Umuulan daw dun. Machika daw yung driver nung cab na nasakyan niya.
A few minutes later tumawag siya. Overbooked daw ang guest house ng company at kailangan niya magtrasnfer sa Changi Hotel. Buti may nakilala siyang Pinoy na new hire din ng company. Pareho din sila ng assignment. Sabay na sila pumunta sa hotel.
Pagkadating daw nila ng hotel, nag-McDo sila at kumain ng dinner. Cebuano ang new friend ni B. Sana magkasundo sila, lalo pa't isa lang daw ang bed sa room na shineshare nila. Haha. Ang awkward siguro. Ewan ko kung magkatabi silang natulog. Hehe.
Nakatulog naman ako kagad kagabi. Hindi na ako masyado nag-emote kasi mapupuyat ako eh I have to be up by 5am.
Kaninang umaga, namiss ko na naman siya. Di pa rin ako makapaniwalang hindi ko siya makikiss pagkagising ko, di kami makakapgcuddle nang 30 minutes na halos malate na ako, di niya ako maisasakay sa trike, di niya ako masasalubong paguwi ko mamayang hapon.
Friends have been supportive. Thank you for the comforting words. Oo nga, we'll be together din naman ulit soon.
I guess I just have to keep busy while waiting for that day. Madaming trabahong kailangan gawin at deadlines na kailangan i-meet. May mga raket din. Ayoko din mamiss ang magagandang bagay na mangyayari habang hinihintay namin ang araw na yun.
Nagaadjust pa lang kami pareho so understandable na medyo mahirap for the next couple of days. Alam ko kaya namin ito though.
Hay. Miss ko na bebe ko.
4 comments:
for a while ang akala kong nagsulat nito was si +honhon+. these were the same things na naramdaman daw nya when i left.
lalo na yung part na: "It was weird seeing all of his stuff there pero wala siya."
just be strong, kat. and don't spend too much time thinking about it...baka malungkot ka lang lalo. at baka malungkot din si B mo pag nalaman nyang malungkot ka.
what's 24 days?!
ooops, sorry for the unsolicited advise. masyado lang akong naka-relate. hehe.
c ya soon!
-jeko
Oo kat tama si Jek. mas malungkot ang sitwasyon ni reden ngayon kasi siya yung asa ibang bansa. swerte nga tau kasi nandito tau sa Pinas. wala siyang pamilya dun. wala ka. lahat dun bago. pag pray mo na lang parati si reden.
kitchie
thanks kitch and jec!
medyo ok naman ako. unti-unting nasasanay sa bagong set-up. nagpapakabusy na lang para di magisip masyado. :)
had dinner with Reden last night, ganyan din sya miss ka nya sobra. Basta keep urself preoccupied dear, kaya mo yan.. it's worth the wait, magkakasama rin kayo dito :)
Post a Comment