Friday, July 7, 2006

chubbylita

Ang taba ko na! Although I can still wear my pumayat-na-ako clothes, sobrang bulging na ang tummy ko. Grabe. Nakakainis.

Hay, ang sarap kasing kumain pag may kasabay eh. Tsaka kung magdedate kami, siempre, di naman mawawala at di pwedeng mawala ang pagkain nang masarap. Que Jollibee pa yan, McDo o Super Bowl.

Kung manonood naman ng sine mas okay din na may ningunguya. Kagaya kahapon nung nanood kaming Superman. Apat na e-aji ang naubos namin at before pa nun nag beef picadillo at chili con carne rice kami sa Wendy's. Haha. Takaw!

Pag-alis ni B, I'll minimize my rice intake. Balik fruits and veggies ang aking beauty. I'll also do my best to quit smoking para makapagexercise din. UP Village is conducive to jogging naman. Ang di ko lang mafigure-out eh kung kailan ako tatakbo. Before or after office kaya?

Or mag Tae-bo na lang kaya ako? Kaso nakakamatay naman yun eh. Hehe. Baka bigla na lang akong matumba at tumigil sa paghinga. Hahaha.

In the meantime, I'll just own my bulging tummy. Kebs na. :)

3 comments:

nice said...

papayat ka na talaga pag alis ni reden... kami naman ang lolobo lalo dito! hehe

Reden said...

b,

ayoko ng nagpapapayat ka ng todo ha. basta para di ako magworry, kelangan na at leat 5 times ka kumakain a day ha (at ito ang totoong susi sa pagpayat, pagkain ng maraming beses).

mamimiss ko ang chubbylita ko. pero no worries, this week pa lang, I know everything will fall into places. :)

Reden said...

I love you! :)