Nabasa ko sa CNN na isangdaan pitumpu't-apat na katao ang nasawi sa pitong sunod-sunod na pagsabog sa mga commuter trains at stations sa Mumbai kahapon.
Nakakakilabot ang mga ganitong balita lalo na ngayong araw-araw na akong sumasakay sa MRT. Kahit naman iniinspect na ang mga bags ngayon, I don't think safe ito completely. Sa panahon ngayon wala naman talagang safe.
Pag nakakarinig ako ng mga ganito, hindi ko maiwasan na magaalala sa mga mahal ko sa buhay. Di ba, wag naman sana, pero di naman natin masasabi kung anong pwedeng mangyari. Any day can be anyone's last day. Kaya kailangan talaga walang pinapalampas na pagkakataon, walang
magandang bagay ang dapat itago.
Say I love you and mean it. Dance like no one's watching. Smile. Cliche pero totoo. Dapat ginagawa natin yan lagi. Masyadong maikli ang buhay para magpoaapekto sa stress, lungkot at prublema.
******
22 days na lang makikita ko na si Baby!
I still miss him. I'll always miss him. But I'm coping well. Hindi na ako masyado nasasad. I guess nasasanay na rin. Dinadaan ko na lang sa kanta. =)
No comments:
Post a Comment