Monday, March 13, 2006

the weekend in pictures, part 2

Mom and Dad's silver anniversary celeb

Mommy and Daddy celebrated their silver anniversary and birthd
ays (Daddy, on March 5 and Mommy on April 6) last Saturday and Sunday.

Saturday evening the family had dinner at Palmera's Garden. Maganda ang ambiance ng place pero mediocre ang food. Masarap maginuman though kasi sa kubo kayo tas may pond. May live band din na tumutugtog. Mediocre nga lang din ang nagplay nung gabing yun.

Sunday morning naman we had lunch sa Kusina Salud. Si Patis Tesoro ang may-ari ng place. Lumang bahay ang nagsilbing restaurant, as in luma. Naalala nga namin yung lumang bahay ng lola ko sa tuhod sa Rizal, Laguna. Winner sa ambiance ang place.

Nag-eat all you can kami. Kakaiba kasi di buffet. Inihain nila yung food sa table namin. Sobrang sarap!
Appetizers ang garden salad na may
singkamas, carrots, lettuce, kamatis, etc


at lumpiang gulay na ang sarap pati vinegar na sawsawan!

Ulam namin ay pork binagoongan na
sobrang tender ng meat at di maalat.


The binagoongan was served with green mango salad.

May water buffalo salpicao din na ubod ng anghang.
Ang daming bawang!

May chicken curry din na although di gaya ng curry sa New Bombay,
(pinoy style curry kasi), okay naman.

May sinerve din na mariscos na lasang Ligo sardines na sinabawan. Hehe.
May pusit yan atsaka fish.

For dessert may ginatang ube, saba, kamoteng kahoy at langka.
Ang sarap din nito!

After kumain, nagpicture-picture kami sa paligid.

Bago tumayo ng table, nagpakuha muna kami ni B habang nakadungaw sa capiz windows.
Alala ko summer vacations ko noon sa bahay ng lola ko sa Rosario, Batangas. =)

Ito yung loob ng restaurant. Para talaga siyang bahay.
Nakakantok nga daw sabi ni B. =)

Yan ang kapatid kong si Lia at boyfriend niya, si Carsten.

Labas ng bahay, sa smoking area.

Kamukha ko ba? Hehe.

May aviary din dun sa garden sa labas.
Isa 'to sa mga pinakamakulay.


Nasa compound din ng Tesoro compound ang Pillar Plants and Novelties. Isa itong antique shop.

Ito kami ni B sa may side gate.
Puro kalawang na yang gate pero may kakaibang ganda siya.

Kuha sa taas ng shop. Siempre, pinakialaman ko yung tindang payong.
Hehe. 200 pesos yan.


Sa 2nd floor pa rin nung shop. Ang laki ng bintana
kaya medyo mahangin. Mainit pa rin though.


Ilan ito sa Pua-something collection ng Lucbanin artist.
Sorry, nalimutan ko name.

Kung gusto niyong pumasyal sa Kusina Salud, itext niyo ang fax number niyo sa 0921-7726985 at humingi kayo ng map. Pwede rin kayo tumawag sa (02) 6995036. Ayos dito dalhin ang mga balikbayan friends and relatives. Maappreciate nila yung place at yung authentic pinoy food.

1 comment:

Reden said...

Yum! Sarap! I am happy na isinama mo sa kakaibang experience na ito. Muah!