Monday, March 27, 2006

hostaged

Dahil wala pa ako sa mood magtrabaho ever, magkekwento muna ako sa nangyari sa amin kahapon.

Meron kaming nakuhang dalawang payong na ideal for bagyo season, dalawang uber jologs na gym bag at apat na movie passes sa kahit saang SM cinema. Yehey!

Nanood kami ni B kahapon ng V for Vendetta sa posh na posh na SM North. Hehe. Yun ang malapit eh. Anyway, pagkatapos nagbayad kami ng BayanTel bill nila sa Cyberzone. Nang palabas na kami ay naharang kami ng isang makulit na babae mula sa FF.

Tinanggihan ko na kasi ayoko ng mga ganyan. Pero mapursigi ang girl at naconvince si B, na sige, umupo kami at magfill-up ng raffle ticket na hindi namin alam if may draw naman talaga. Honda Jazz ang mapapanalunan tas pinangakuan pa kami ng two pairs of SM cinema passes at payong. So pinatos na namin.

After makinig sa explanation ng maingay na babae (tawa lang ako ng tawa all throughout), dinala na niya kami dun sa office nila sa main building ng SM North. Thirty to 45 minutes lang naman daw ang orientation at wala naman daw kaming obligasyong mag-avail ng plan. So go kami. May libreng iced tea daw. Hehe. Napagkasunduan na namin ni B na walang magigive-in sa offer. Walang magaavail ng plan.

Ang daming tao sa office nila. Mga nagpauto gaya namin. Kasi makikinig ka lang naman eh. Madali lang yun.

Magkahiwalay kami ni B na ioorient, para daw mas mabilis. Kei, fine. Nauna akong tinawag. Napagkamalan pa akong misis ng magoorient sa akin na ang pangalan ay Algae (code lang yan, hehe).

So chika, chika, chika. Inexplain niya kung ano yung company nila, anong affiliates etc. Tas inexplain niya ang halaga ng pagiipon. He didn't tell me anything I didn't already know. Kung may nagawa man yung mga drama niya, yun ay yung mapafeel sa akin na dapat ko na talagang umpisahan magipon.

Siempre dumating kami sa main purpose ng pagpunta dun, ang makinig sa marketing nila ng product/service nila. Basta ang sabi, magiinitial deposit daw ako ng around P26,000 tapos magbabayad na lang daw ata ako ng around P1,000 per month for five years ata. Di ko na maalala kasi hindi naman talaga ako interested.

Sabi ko hindi ko pwede iavail yung plan kasi hindi ko maiicharge sa card ko yung 26 kiao. Nagdrama na lang ako na maxed out na yung card ko.

Pero binabaan nila yung initial deposit. Naging P5 kiao na lang ata. Tas ang kulit, itry daw namin na ipaapprove yung card. Malay ko daw di ba? Sa July pa naman daw mabibill sa akin yun.

Sabi ko ayoko kasi pano kung maapprove eh ayoko naman talaga di ba? Ang kulit nila, grabe. Dumating sa point na tatlong agent na yung nangungulit sa akin. May mga nagpapacute pang agent (as in smile at kindat-kindat effect) at nagtatanong kung may boyfriend na ako. Haler, kasama ko kaya?! Lumabas tuloy pagkasungit ko.

Tinanong ko bluntly pano sila kumikita sa scheme, tas pano kung magsara sila. Sabi ko I don't trust pre-need companies chorva. At sabi ko di nila masisisi mga tao kung di sila kumukuha ng ganyan. Mahirap na buhay ngayon. Oo, okay magipon. Pero bakit kelangan mo pa padaanin sa iba? Eh di ikaw na lang magtabi ng 1 kiao per month di ba?

Aside from being makulit, bastos pa yung agent na naassign sa akin. Aba, sabi bat daw dalawa bag ko. Una di ko getz kasi isa lang naman dala ko. Tinuro ba naman yung bilbil ko sa tiyan sabay sabi nang, bat may belt bag ka pa? The nerve! Gag* pala siya eh. Sabi ko, ang yabang mo di ka nakakatawa sabay walk-out. Tumakbo ako kay B. Hehehe.

Grabe ang pagstall nila. Sabi nila 30-45 minutes tapos naging two hours!!! Sobrang gutom na kami ni B nun. Pumasok kami 4:30 tas nakaalis kami 7pm na. Grabe! Hostage. Nagiingay na nga ako sa loob eh, sabi ko ang daya niyo, sabi niyo hanggang 45 minutes lang tas two hours na chorva, chorva. Nagmamakaawa na talaga ako na paalisin na kami. Tinakot ko nga, sabi ko lagot kayo sa akin paglabas ko dito. Bad PR! Hahaha.

Pero nagwagi pa rin kami ni B. Hindi kami nagavail ng plan pero may four movie passes kami, payong at bag. Pero di ko nirerecommended you go through it. Dapat mapasensya ka at may paninindigan. Hehehe. Ako nga sobrang tagal ko maasar pero halos magiskandalo na ako dun sa pikon. Buti na lang andun si B. May karamay ako.

Swerte pala si B kasi mabait yung agent na napunta sa kanya. Di gaya nung akin. Abrasive. Well, trabaho lang naman nila yun so di ko rin sila masisi for being makulit.

Yun. So manonood kami ni B ng movie sa weekend. For free. Hehehe. =)

4 comments:

nice said...

kapal naman ng mukha nung agent. i-report mo sa manager para matanggal. meron bang ganyang customer service, bastos? oh well, comes with the territory. sino ba namang maaayos ang aaccept ng job sa FF? (me bad)

Reden said...

ok naman yung nag orient sakin, actually di na sya nagpilit nung sinabi ko na di na ako kukuha, nagkuwentuhan na lang kami, naawa nga ako sa agent kasi di pa daw siya naglulunch, tapos to think na taga ateneo de naga sya, pinatos nya ang work sa FF. yun. friends na kami after nung agent, nagkuwentuhan lang kami about mindoro at boracay. hehehe. kawawa din ang mga FF agents in a way, pero merong mga bastos sa kanila like yung natapat kay B.

i love freebies! pero well-earned freebie siya. dapat talaga may paninindigan. :)

Iggy said...

p*tang*na nung agent na yun ah!!! grrr! sarap sampalin! &%*#@!!!!

katzee said...

hay iggy, yes, gago yung agent na yun. hehe. buti na lang di ko siya inumbga. :)