Tuesday, June 27, 2006

up and running

Thank God, the biopsy result turned out negative. Makakatulog na ako ng mahimbing at makakangiti ng genuine na ngiti.

Salamat talaga at wala na akong dapat ipagalala. Turned out na over yung pagkabasa nung U/S kasi wala naman daw calcifications sabi ng surgeon. Well, at least wala na akong inaalala. Hindi ko naman pinagsisisihan na nagpaopera ako. Hindi na naman siya masakit ngayon.

Dumerecho ako sa EDSA shrine kahapon para magpasalamat. Nabunutan talaga ako ng tinik nung kinonfirm ni doc na benign at fatty tissue lang ang lump na yun.

Isa pang rason para magdiwang ay ang APE results ko. Normal naman lahat except that I'm anemic and overweight and that I need to quit smoking. Natuwa ako sa x-ray ko kasi clear lungs! May pag-asa pa akong mag-quit. =)

Salamat sa lahat ng nagdasal para sa akin at sa lahat ng nagtext, tumawag, nagemail at nagcomment sa blog ko na nagpalakas sa aking loob. Mwah mwah!


4 comments:

nice said...

yay kat! fatty tissues ba kamo? marami rin ata ako nyan, hehe

Anonymous said...

...tinakot ka lang ata ni doc para kumita sila. lagot ka, next year tataas ulit ang HMO fee. hehe.

...nice to hear you're "up and running" again ;-)

-jeko

Anonymous said...

Yay! - iggy

Anonymous said...

i'm glad you're okay na! :)

~ gladys
(tinatamad mag log in)