Friday, June 23, 2006

kabuwanan

Kabuwanan na namin ngayon. Nine months na kami. We're ready to face the real world.

Parang isang baby na siyam na buwan munang namalagi sa sinapupunan ng kanyang ina, gayundin ang aming relasyon. Marami kaming napagdaanan sa loob ng siyam na buwang lumipas at nagsilbi itong paghahanda sa napipinto naming paghihiwalay.

Ika nga ni Ai-Ai de las Alas, "Thiz iz it. Thiz iz really iz it." Ito na, totoo na ito. Wala nang atrasan.

Isa itong panibagong yugto para sa amin ni Reden at sigurado naman ako na gaya noon, makakadjust din kami.

******

Happy 9th monthsary B! Mahal kita. Mwah!

2 comments:

Reden said...

I love you, too, mahal ko! :)

Anonymous said...

Grabe ang bilis ng panahon. . . naisip ko tuloy mag iisang taon na rin pala akong kasal. susunod na rin kayo ni reden =)
--kitchie