Thursday, March 30, 2006

repost

I'm reposting this entry from March 7:

relationship insight

No one can really be sure of how a relationship will turn out. A couple can be so together and giddy with happiness one second and somber and separated the next.

The uncertainty of it is just scary and sometimes you wish you could control everything.

But then you couldn't. And shouldn't.

You just have to do your best.


******

Let's do our best B.

I love you.

Wednesday, March 29, 2006

bad trip, good trip

I filed my travel request to the company's "travel department" last January 25 but as of this time, I haven't received my Chinese visa yet, my tickets nor details of where I'll be staying. And I'm set to leave on April 4. Pati per diem allowance ko wala pa. Baka naman gusto pa nila akong papuntahin sa office sa day ng trip ko? L*che.

Haha, nagjojoke ka ba Mama? Ano pa bang ginagawa mo bukod sa pagbibilang ng crumps sa mga workstations ng bawat isang employee dito at magsend ng e-mail sa lahat na mali naman ang grammar?

I don't want to be mean pero naman, sana may kahit kaunting consideration.

******

I already received the Hong Kong International Auto Parts Fair programme and makakarating ako sa Hong Kong Disneyland! May lunch ang overseas journalists sa Enchanted Garden Hotel!

Marami ring magagandang seminars/conferences na nakaline-up para sa OJs. Interesting kasi mga innovation and new technology sa automotive industry. Sana may kotse ako para mas maappreciate ko yung mga malalaman ko. =)


Monday, March 27, 2006

downtime

There's this manong in Citibank Center who everyone calls Ma'am/Sir-please-pin-your-id. The majority of the employees working in the building knows him by that moniker, which happens to be his constant reminder to everyone.

During times like this, when my hormones are taking on a life of their own and when I don't feel any zest for my job at all, I envy him. Manong please-pin-your-id seems to be doing his job with such zeal and ardor. He does it every single day for God knows how many hours. He doesn't seem to get tired of saying his famous line every friggin' minute, if needed, despite the occasional pasaway who wouldn't pin his/her id. I don't know how much he gets paid, but he doesn't seem to mind.

I wish I can do my job with such passion, regardless of the pasaway *insert nationality here* writers who couldn't follow the memos, no matter how detailed they are. I wish I can find the enthusiasm to do it everyday despite stuff I couldn't say here, unless I want to become a bum tomorrow.

Gad.

It's gonna be a long, boring, but hopefully productive week.

I hope I hear some great news soon.

******

I want my mommy's adobo. I need some comfort food.

hostaged

Dahil wala pa ako sa mood magtrabaho ever, magkekwento muna ako sa nangyari sa amin kahapon.

Meron kaming nakuhang dalawang payong na ideal for bagyo season, dalawang uber jologs na gym bag at apat na movie passes sa kahit saang SM cinema. Yehey!

Nanood kami ni B kahapon ng V for Vendetta sa posh na posh na SM North. Hehe. Yun ang malapit eh. Anyway, pagkatapos nagbayad kami ng BayanTel bill nila sa Cyberzone. Nang palabas na kami ay naharang kami ng isang makulit na babae mula sa FF.

Tinanggihan ko na kasi ayoko ng mga ganyan. Pero mapursigi ang girl at naconvince si B, na sige, umupo kami at magfill-up ng raffle ticket na hindi namin alam if may draw naman talaga. Honda Jazz ang mapapanalunan tas pinangakuan pa kami ng two pairs of SM cinema passes at payong. So pinatos na namin.

After makinig sa explanation ng maingay na babae (tawa lang ako ng tawa all throughout), dinala na niya kami dun sa office nila sa main building ng SM North. Thirty to 45 minutes lang naman daw ang orientation at wala naman daw kaming obligasyong mag-avail ng plan. So go kami. May libreng iced tea daw. Hehe. Napagkasunduan na namin ni B na walang magigive-in sa offer. Walang magaavail ng plan.

Ang daming tao sa office nila. Mga nagpauto gaya namin. Kasi makikinig ka lang naman eh. Madali lang yun.

Magkahiwalay kami ni B na ioorient, para daw mas mabilis. Kei, fine. Nauna akong tinawag. Napagkamalan pa akong misis ng magoorient sa akin na ang pangalan ay Algae (code lang yan, hehe).

So chika, chika, chika. Inexplain niya kung ano yung company nila, anong affiliates etc. Tas inexplain niya ang halaga ng pagiipon. He didn't tell me anything I didn't already know. Kung may nagawa man yung mga drama niya, yun ay yung mapafeel sa akin na dapat ko na talagang umpisahan magipon.

Siempre dumating kami sa main purpose ng pagpunta dun, ang makinig sa marketing nila ng product/service nila. Basta ang sabi, magiinitial deposit daw ako ng around P26,000 tapos magbabayad na lang daw ata ako ng around P1,000 per month for five years ata. Di ko na maalala kasi hindi naman talaga ako interested.

Sabi ko hindi ko pwede iavail yung plan kasi hindi ko maiicharge sa card ko yung 26 kiao. Nagdrama na lang ako na maxed out na yung card ko.

Pero binabaan nila yung initial deposit. Naging P5 kiao na lang ata. Tas ang kulit, itry daw namin na ipaapprove yung card. Malay ko daw di ba? Sa July pa naman daw mabibill sa akin yun.

Sabi ko ayoko kasi pano kung maapprove eh ayoko naman talaga di ba? Ang kulit nila, grabe. Dumating sa point na tatlong agent na yung nangungulit sa akin. May mga nagpapacute pang agent (as in smile at kindat-kindat effect) at nagtatanong kung may boyfriend na ako. Haler, kasama ko kaya?! Lumabas tuloy pagkasungit ko.

Tinanong ko bluntly pano sila kumikita sa scheme, tas pano kung magsara sila. Sabi ko I don't trust pre-need companies chorva. At sabi ko di nila masisisi mga tao kung di sila kumukuha ng ganyan. Mahirap na buhay ngayon. Oo, okay magipon. Pero bakit kelangan mo pa padaanin sa iba? Eh di ikaw na lang magtabi ng 1 kiao per month di ba?

Aside from being makulit, bastos pa yung agent na naassign sa akin. Aba, sabi bat daw dalawa bag ko. Una di ko getz kasi isa lang naman dala ko. Tinuro ba naman yung bilbil ko sa tiyan sabay sabi nang, bat may belt bag ka pa? The nerve! Gag* pala siya eh. Sabi ko, ang yabang mo di ka nakakatawa sabay walk-out. Tumakbo ako kay B. Hehehe.

Grabe ang pagstall nila. Sabi nila 30-45 minutes tapos naging two hours!!! Sobrang gutom na kami ni B nun. Pumasok kami 4:30 tas nakaalis kami 7pm na. Grabe! Hostage. Nagiingay na nga ako sa loob eh, sabi ko ang daya niyo, sabi niyo hanggang 45 minutes lang tas two hours na chorva, chorva. Nagmamakaawa na talaga ako na paalisin na kami. Tinakot ko nga, sabi ko lagot kayo sa akin paglabas ko dito. Bad PR! Hahaha.

Pero nagwagi pa rin kami ni B. Hindi kami nagavail ng plan pero may four movie passes kami, payong at bag. Pero di ko nirerecommended you go through it. Dapat mapasensya ka at may paninindigan. Hehehe. Ako nga sobrang tagal ko maasar pero halos magiskandalo na ako dun sa pikon. Buti na lang andun si B. May karamay ako.

Swerte pala si B kasi mabait yung agent na napunta sa kanya. Di gaya nung akin. Abrasive. Well, trabaho lang naman nila yun so di ko rin sila masisi for being makulit.

Yun. So manonood kami ni B ng movie sa weekend. For free. Hehehe. =)

Friday, March 24, 2006

time check

Time: 3:06pm
Required number of lines for report: 122
Number of lines done: 0

Tick-tock-tick-tock.