In the past four days I've been here, I did the laundry twice, cooked giniling and sinigang, and cleaned our room. Sabi nga ni Aimee, hail the domestic import. Hehehe. Di naman ako nagrereklamo. Sanay naman ako sa gawaing bahay tsaka gusto ko rin na nakakatulong sa pagmemaintain ng order sa domestic life naming mag-asawa. Marami pa naman akong oras dahil wala pa akong work so kahit anong pwedeng gawin na pampalipas oras, welcome.
Nag-grocery kami ni B today sa Carrefour. Namili ulit kami ng pwedeng lutuin kasi holiday sila hanggang Tuesday. Chinese New Year kasi. Pero tonight si B ang toka sa cooking. Magluluto ulit siya ng masarap niyang adobo. Ang sarap rin naman ng ganito, pabandying-bandying. Pero hopefully makahanap na ako ng trabaho before March. Siguro makakayanan ko na ganito everyday for a maximum of a month. More than that, baka malusaw na utak ko. Hehehe.Again, di ako nagrereklamo. Wala na akong mahihiling pa sa asawa ko. Binibigay niya lahat ng kailangan ko. And more. Hehe.
Binilhan ako ni Reden ng new phone at rubber shoes!
Kinuhanan niya ako ng line sa m1 so kinuhanan na rin niya ako ng new cell phone. Ang ganda ng V3 na red! Ang proceeds ng sales ng design na ito ay para makatulong sa pageliminate ng AIDS sa Africa. So kahit gusto ko talaga originally ay yung fuschia, pinili ko na lang itong red para may mabuting kahinantnan naman ang pagbili ng phone na ito. Binilhan din ako ni B ng rubber shoes sa Why Pay More?. Hehehe. New Balance na violet and white. Pwede na kami mag-jog together sa weekend! Kailangan namin magexercise kasi kung hindi, mananaba kami ng todo. Takaw namin pareho eh.
I'm so glad we're finally together. Habang naghahanap pa ako ng work, ako'y isang maligaya at kuntentong housewife. =)
Nagpunta kami ni B at ng friends niya kagabi sa Ministry of Sound sa Clarke Quay. Ganon pala dun. Daming areas na iba't iba ang theme. Yung 54, 70s ang music. Sa Smoove naman ay hiphop at R&B. May section na Pure ang pangalan. Di ko alam ano music dun pero parang may debut na nagaganap. May mga kurtinang puti kasi. Dun kami sa Main Arena. House/Techno music ang tinutugtog.
Ang daming tao. Sobrang siksikan, lalo na sa Smoove. I guess pinakapatok sa kids ang mga genre na pinatutugtog doon. I like dancing pero di ko na kaya makipagsabayan sa mga mas bata. Kahit kay B, na walang humpay sa pagsayaw, di ako makasabay! Siguro dahil masakit ang paa ko. Bago kasi suot kong sapatos. Matigas pa ang leather. Tsaka ayoko rin siguro sa siksikan. Pero astig dun.
Siguro kung mahilig ka talagang magparty at marami kang friends, okay na venue ang MOS. Ang entrance for ladies kagabi ay S$20 at sa guys naman ay S$25. May consumable na two drinks per person. Nagorder lang ako ng isang shot ng vodka tsaka orange juice. Walang tama. Ang mahal naman kasi bumili.
Mas masarap pa rin uminom sa Pinas. Hehehe. =)
Ngayon lang ako nakapost kasi nagtapos pa ako ng trabaho since nung last post ko. Ayokong may maiwang hindi natapos at inaim ko talaga matransfer lahat ng responsibilities ko sa teammates ko. Sa palagay ko ay nagawa ko naman yun lahat ng maayos.
Huling araw ko sa office nung Friday. Halo-halong emotions ang naramdaman ko that day. Malungkot, siempre, kasi tatlong taon din akong nagtrabaho doon. Masaya dahil ilang araw na lang at makakasama ko na si B. Tagal din namin naghintay.
May mga tinapos pa ako nung Friday ng umaga. Mga before lunch ko pa naumpsihan talaga ang pagaasikaso ng clearance, quitclaim etc. Kinailangan pang magpanotarize ng quitclaim. Buti nga may law office sa baba ng building. Bukod sa ilang beses na pagakyat at pagbaba sa 14th floor, wala namang naging prublema. Nagulat ako sa amount na nakuha ko. Malaki siya kaysa sa inaasahan ko. Salamat. Hehe.
Natuwa rin ako kasi binigyan ako ng aking colleagues ng isang "surprise" send-off party. Kahit hindi ako nasurprise (sa dami na ng nakita kong nagresign at nabigyan ng send-off, tsaka nahuli ko si Miss Tina, ang aming dept. sec. na nakayukong pumasok sa coference room, tsaka nakita ko rin dineliver ang food, hehe), natuwa talaga ako. Ganon pala ang feeling kapag ikaw na ang sinesend off. Siempre may gift din silang scrapbook. Binigyan rin ako ng FaGats ng cute na cropped hoodie na may Mrs. Mateo sa likod. =)
Sayang at kinailangan kong magmadali. Nung gabi ring iyon kasi kami maghahakot ni Daddy ng gamit from QC.
Naging masaya naman ako sa pagtatrabaho para sa company na iniwan ko. Hindi rin biro ang tatlong taong pakikipagtalo sa mga writer, pakikipagusap sa mga hindi nakakaintindi ng Ingles at kung anu-ano pang hassle na dala ng pagiging copy ed. Pero naging enjoyable naman ang pagstay ko sa company dahil sa mga cool na boss at mga cool na co-workers. Sure ako na mamimiss ko silang lahat.
Siempre, dito ko rin sa company nakilala ang mga kaibigang malalapit sa puso ko. Pinalad din ako na makasama sa opisina, bagaman ibang floor, ang best friend kong si Marge.
Nung Thursday ay nagpahabol kami ng aking lunch buddies ng picnic sa park. Nagtake-out kami ng Bugong roasted chicken, na simula pa lang nung nag-open sa area ay minamatamata na naman. Ang sarap! Ito ang pics:
At nung Thursday naman, napaunlakan pa nila ako ng isang pahabol na dinner sa Gerry's bago ako umalis. Bagong gupit ako niyan kaya iba ang hitsura. =)

Hay. Mamimiss ko to.
Last Sunday I attended the christening of Grace's unico hijo, John Ethan. Siempre, fairy god ninang ako, as usual. Sa lima na pinakaclose friends ko nung highschool, apat na silang kumuha sa akin bilang goddess mother ng kanilang mga anak. Sayang at wala si Eden at si Madz.

Ayan si Cecile at Sameera, Grace at Ethan, Thet at Rafael. =)
It was so nice seeing my friends with their kids. Parang kelan lang we were highschool girls gushing over cute guys in our school and the all-boys school in the city. Ngayon these girls, women, are gushing over their cute kids! Ang bilis talaga ng panahon.
Di ko pa kaya magkaanak. Ayaw pa. Hehe. Kahit mapasensya naman ako sa bata at may sapat na training (inalagaan ko ang dalawa kong kapatid na lalaki), ayoko pa. Gusto ko muna ienjoy at masolo ang asawa ko. Hahahaha.
Yun muna. Dami pang dapat tapusing trabaho. =)
Bagong bago ang taong ito para sa akin. Una, I'm married. Pangalawa, I resigned. Pangatlo, I'll be moving to Singapore next month. O deva, bongga? Hahaha. Bongga at nakakaoverwhelm.
Excited ako. Happy. Sad din. But it's all good. This is life and I'm loving every second of it.
Sana ay bonggacious din ang bagong taon niyo! =)