Sunday, February 11, 2007

mga huling araw sa makati

Ngayon lang ako nakapost kasi nagtapos pa ako ng trabaho since nung last post ko. Ayokong may maiwang hindi natapos at inaim ko talaga matransfer lahat ng responsibilities ko sa teammates ko. Sa palagay ko ay nagawa ko naman yun lahat ng maayos.

Huling araw ko sa office nung Friday. Halo-halong emotions ang naramdaman ko that day. Malungkot, siempre, kasi tatlong taon din akong nagtrabaho doon. Masaya dahil ilang araw na lang at makakasama ko na si B. Tagal din namin naghintay.


May mga tinapos pa ako nung Friday ng umaga. Mga before lunch ko pa naumpsihan talaga ang pagaasikaso ng clearance, quitclaim etc. Kinailangan pang magpanotarize ng quitclaim. Buti nga may law office sa baba ng building. Bukod sa ilang beses na pagakyat at pagbaba sa 14th floor, wala namang naging prublema.
Nagulat ako sa amount na nakuha ko. Malaki siya kaysa sa inaasahan ko. Salamat. Hehe.

Natuwa rin ako kasi binigyan ako ng aking colleagues ng isang "surprise" send-off party. Kahit hindi ako nasurprise (sa dami na ng nakita kong nagresign at nabigyan ng send-off, tsaka nahuli ko si Miss Tina, ang aming dept. sec. na nakayukong pumasok sa coference room, tsaka nakita ko rin dineliver ang food, hehe), natuwa talaga ako. Ganon pala ang feeling kapag ikaw na ang sinesend off. Siempre may gift din silang scrapbook. Binigyan rin ako ng FaGats ng cute na cropped hoodie na may Mrs. Mateo sa likod. =)

Sayang at kinailangan kong magmadali.
Nung gabi ring iyon kasi kami maghahakot ni Daddy ng gamit from QC.

Naging masaya naman ako sa pagtatrabaho para sa company na iniwan ko. Hindi rin biro ang tatlong taong pakikipagtalo sa mga writer, pakikipagusap sa mga hindi nakakaintindi ng Ingles at kung anu-ano pang hassle na dala ng pagiging copy ed. Pero naging enjoyable naman ang pagstay ko sa company dahil sa mga cool na boss at mga cool na co-workers. Sure ako na mamimiss ko silang lahat.

Siempre, dito ko rin sa company nakilala ang mga kaibigang malalapit sa puso ko. Pinalad din ako na makasama sa opisina, bagaman ibang floor, ang best friend kong si Marge.

Nung Thursday ay nagpahabol kami ng aking lunch buddies ng picnic sa park. Nagtake-out kami ng Bugong roasted chicken, na simula pa lang nung nag-open sa area ay minamatamata na naman. Ang sarap! Ito ang pics:




At nung Thursday naman, napaunlakan pa nila ako ng isang pahabol na dinner sa Gerry's bago ako umalis. Bagong gupit ako niyan kaya iba ang hitsura. =)




Hay. Mamimiss ko to.

3 comments:

rach said...

njoy your time with 'B'

tracy said...

hi kat! :-)
wala lang, hehe. galing pala kaming 7/11 kanina. nag-cornetto drumstick kami ni selena. hehe. the ice cream that started the ___ usapan. hehe. naalala kita, kaya consciously ang pinili ko yung vanilla flavor. hehe. musta?

nice said...

wow straight hair!

la talagang tatalo sa gs peeps :)