In the past four days I've been here, I did the laundry twice, cooked giniling and sinigang, and cleaned our room. Sabi nga ni Aimee, hail the domestic import. Hehehe.
Di naman ako nagrereklamo. Sanay naman ako sa gawaing bahay tsaka gusto ko rin na nakakatulong sa pagmemaintain ng order sa domestic life naming mag-asawa. Marami pa naman akong oras dahil wala pa akong work so kahit anong pwedeng gawin na pampalipas oras, welcome.
Nag-grocery kami ni B today sa Carrefour. Namili ulit kami ng pwedeng lutuin kasi holiday sila hanggang Tuesday. Chinese New Year kasi. Pero tonight si B ang toka sa cooking. Magluluto ulit siya ng masarap niyang adobo. Ang sarap rin naman ng ganito, pabandying-bandying. Pero hopefully makahanap na ako ng trabaho before March. Siguro makakayanan ko na ganito everyday for a maximum of a month. More than that, baka malusaw na utak ko. Hehehe.
Again, di ako nagrereklamo. Wala na akong mahihiling pa sa asawa ko. Binibigay niya lahat ng kailangan ko. And more. Hehe.
Binilhan ako ni Reden ng new phone at rubber shoes!
Kinuhanan niya ako ng line sa m1 so kinuhanan na rin niya ako ng new cell phone. Ang ganda ng V3 na red! Ang proceeds ng sales ng design na ito ay para makatulong sa pageliminate ng AIDS sa Africa. So kahit gusto ko talaga originally ay yung fuschia, pinili ko na lang itong red para may mabuting kahinantnan naman ang pagbili ng phone na ito.
Binilhan din ako ni B ng rubber shoes sa Why Pay More?. Hehehe. New Balance na violet and white. Pwede na kami mag-jog together sa weekend! Kailangan namin magexercise kasi kung hindi, mananaba kami ng todo. Takaw namin pareho eh.
I'm so glad we're finally together. Habang naghahanap pa ako ng work, ako'y isang maligaya at kuntentong housewife. =)
No comments:
Post a Comment