Nagpunta kami ni B at ng friends niya kagabi sa Ministry of Sound sa Clarke Quay. Ganon pala dun. Daming areas na iba't iba ang theme. Yung 54, 70s ang music. Sa Smoove naman ay hiphop at R&B. May section na Pure ang pangalan. Di ko alam ano music dun pero parang may debut na nagaganap. May mga kurtinang puti kasi. Dun kami sa Main Arena. House/Techno music ang tinutugtog.
Ang daming tao. Sobrang siksikan, lalo na sa Smoove. I guess pinakapatok sa kids ang mga genre na pinatutugtog doon. I like dancing pero di ko na kaya makipagsabayan sa mga mas bata. Kahit kay B, na walang humpay sa pagsayaw, di ako makasabay! Siguro dahil masakit ang paa ko. Bago kasi suot kong sapatos. Matigas pa ang leather. Tsaka ayoko rin siguro sa siksikan. Pero astig dun.
Siguro kung mahilig ka talagang magparty at marami kang friends, okay na venue ang MOS. Ang entrance for ladies kagabi ay S$20 at sa guys naman ay S$25. May consumable na two drinks per person. Nagorder lang ako ng isang shot ng vodka tsaka orange juice. Walang tama. Ang mahal naman kasi bumili.
Mas masarap pa rin uminom sa Pinas. Hehehe. =)
2 comments:
Ahihi! Masasanay ka rin makipagsabayan sa tulad ko na kid sa pagsasayaw! Haha!
Bawi ang payment sa MOS sa pinamigay na olats na Maxim magazines! Hehehe.
I love you. :)
Hey Kat. :) Ganda ng Clark Quay ano?
Post a Comment