
B bought a new mattress just before I arrived. It came with new pillows so now instead of two, we have four. They're too plumpy, however. Medyo mahirap higaan kasi dumudulas ulo namin.

Ito naman ang sidetable namin. Siempre pictures naming dalawa ang nakalagay. B bought the wooden frames at IKEA, while I brought the colorful, glass frame from the Pinas. Since I always apply lotion after taking a bath, diyan ko na nilalagay.
Maayos yan ngayon dahil hindi nakapatong yung three other phones namin tsaka yung remote ng aircon. The drawer, however, is a mess. Hehe.

Ito naman ang mga shirts ni B. Dahil kakaplantsa ko lang kagabi, nakaarrange na naman by color ang mga yan. Hehe. Gusto ko ayos by color ang mga damit para mabilis pumili pag umaga. Kita mo agad at makakapili ka pa based sa mood mo. Hahaha. Inarte.


Ito naman ang laundry area namin. May washing machine naman so madali lang maglaba.

Medyo limited lang ang sampayan, dahil unlike sa Pinas na alambre all the way, dito yung ganyan lang. Kailangan mo talaga ipagsiksikan lahat ng nilabhan mo. Dahil almost puno na siya, bukas ko na lalabhan ang kumot.
Napakadomesticated but I enjoy keeping things in order, lalo na ngayon that I'm not only doing it for myself. May isa pang taong makikinabang sa pagkamaayos ng bahay at ng mga gamit. (Although nadidisorient si B pag binabago ko ang ayos ng stuff niya.) I don't see these as chores. I see it as taking care of somebody and taking care of me too. Saya. =)
No comments:
Post a Comment