From Hong Kong. My favorite city so far. Hehe.
I love Hong Kong. Feeling ko di na ako turista dun dahil thrice na ako nakapunta. Minsan though, feeling ko nakakapagod ang sobrang bilis ng takbo ng buhay dun. Parang mabilis akong tatanda. Nacompare ko na siya sa Singapore and mas fast-paced sa HK at mas mataas din ang lahat! Ang mahal ng pamasahe, ang mahal ng food. But I can live in either.
Coming home is bitter-sweet. Bitter kasi nakakainis balikan ang mga wreckless at walanghiyang drivers sa Pinas. Biro mo, que mahal-mahal ng airport taxi (na itetake mo dahil either yun or maghanap ka ng taxi sa labas ng NAIA) tapos magpaparamdam pa ang drivers na mag-tip ka. Kahapon P750 ang binayad ko. Lekat, tama na ang sampung pisong tip.
Isa pang nakakafrustrate eh yung pag naisip mo na mas maliit ang HK at SG sa Pinas pero mas maunlad naman ng madaming notches. Haler, parang kayang-kaya natin maachieve yun. Siguro dapat lang ioverhaul ang gubyerno natin. Puro corrupt na ang nakaupo dun eh. Buyset. Nagbabayad ka ng tamang tax but no, di mo maramdaman yung tax na yun na sana ibinili mo na lang ng sapatos o damit.
Nakakalungkot lang isipin na sobrang hirap ng bansang ito. Nakakaawa din mga Pinoy kasi masisipag naman tayo, talented, magaling. Pero madalas shortchanged tayo--mababa sweldo, mataas presyo ng mga bilihin. Kulang na kulang napoprovide na services ng gubyerno natin. '
Pero siempre, itong third-world country na ito ang home ko. Sabi nga ni Christine, "You're always welcome here, Kat." It's always good to be home.
2 comments:
Naku ganun din ang naiisip ko sa Pinas...kung pwede nga lang palitan lahat ng mga 'tado sa gobyerno para guminhawa naman tayong lahat.
it's more than our government -- it's our own damaged culture.
haaaaaaaaaaaaay.
Post a Comment