Because there's not much time to blog about Singapura, I'll just post some pictures. : )
Siempre, the main reason I went there last month is to celebrate B's birthday. Ayan ang birthday boy with his mocha cake from Breadtalk. Surprise yan sa kanya ng kanyang friends na si Marjon at Christine. Ang ganda ng cake. May coffee cup sa ibabaw na gawa sa dark chocolate. Tapos merong icing sa loob. Yum!
Ito ang birthday celeb ni B sa Geylang apartment. Ang saya kasi nakasama namin (from left) si Lyn, Denice, Jec at Allen. Si Mike pots ni Denice ang kumuha ng picture. Ang saya ng party na ito. Although nung huli nahulasan kami ng todo dahil sa weird housemate ni bebe. Haha.
Ito ang mga meryenda namin ni B sa SG. Usually, Old Chang Kee lang na sotong (squid) heads. Squid heads are fried until they're uber crisp tapos nakatuhog sa stick. One stick is S$1.10.
Isa pang favorite namin is Shihli Taiwan crispy chicken. Unlike chicken nuggets or KFC hot shots, itong Taiwan crispy chicken ay makikita mong galing sa manok talaga tapos nagtatanggalan pa yung breading. Binubudburan to ng chilli powder kaya maanghang tas nakapack sa paper bag (yung may Chinese characters sa pic). Tas stick lang ibibigay for making tuhog the manok. Hehe. Isang pack nito ay S$3.20.
Tas I tried din New York Pizza. Mas masarap pa din ang Yellow Cab at Brooklyn natin.
Gusto ko rin ang soya bean milk from Jollibean. Note the similarity with Jollibee's font. : ) S$1.20 ang isang regular na baso.
After lunch, usually nagpupunta kami sa Han's para magkape at kumain ng Kaya toast. Sarap ng kape dito at maiitapat sa Starbucks. Mahal kasi Starbucks sa SG, compared sa Starbucks sa Pinas ha. Ang kape sa Han's ay S$1.20 per cup.
Yung kaya ay version ng mga Singaporeans ng coco jam. Light lang yung tamis niya at malalasahan mo yung coco milk. Sarap sa toast with butter.
Ito pa isang sobrang nagustuhan kong food sa SG--inihaw na stingray! Inihaw siya tapos may sambal (chilli and tomatoes) sa ibabaw. Ang dip niya ay parang kimchi. Sarap nito! Yung fried prawn noodles masarap din. Sa Glutton's Bay ito, sa Esplanade.
Ayan, kakalakad namin ni B, nakita namin ang Manila! Manila Street that is. Malapit ito sa National Library ng SG na uber ganda! Parang mall! Hehehe. Kung estudyante ako, maeenganyo ako magaral dun.
Yun lang po. : )
4 comments:
Aw. Parang namiss kita lalo sa pics.
I love you so much! Looking forward to living with you in this small island. :)
you're right about jollibean. for a while kala ko it's really jollibee. hehe.
masarap nga yung Kaya. buti na lang pinadalhan ako ni Jonathan. pag-uwi namin sa pinas, yun agad ang kinain, nangalahati kami agad. haha.
see you soon kat!
-jeko
holy crap! antagal ko nang di nakadalaw dito. Kayo na ni Reden?!?!? Ü
Mark! Hehe. Oo, kami na ni Reden. :) We're getting married na nga eh. hehehe.
Post a Comment