Thursday, May 4, 2006

labor day weekend

B and I went to Bulabod, a sitio in Puerto Galera, to spend the long weekend. We left Quezon City early Saturday morning looking forward to frolicking and getting tanned on the beach. Little did we know that we were in for something else.

Matapos ang routine byahe going to Calapan and breakfast at B's home, lumarga na kami papuntang Bulabod with B's cousins. Matagal ang biyahe, mga 1-1/2 to 2 hours. May parts pa na rough ang road at super dusty.

Bago makarating sa beach, nadaanan namin ang Tamaraw Falls.



From there, ilang minuto na lang at nakarating kami sa beach. Walang resorts doon. May ilang residents lang ang nagbubukas ng kanilang tahanan at bakuran for the turistas, like us. =)


Ito yung kubo na pinagstayan namin na pagmamay-ari ng in-laws ng cousin ni B.


Pagdating ng beach, di na kami nagpatumpik-tumpik pa ni B at nagbihis into our swimwear. May goal kami: umitim ng todo pero wag masunog. So naglagay kami ng sunblock. Yun nga lang, expired na yung mga dala namin so di na rin siguro eepekto yun, we thought. Good. Haha.

Ilang minuto pa lang namin naeenjoy ang pagbabad sa beach at pagkwekwentuh
an nang may mangyaring magbabago sa takbo ng aming weekend. Naapakan namin ito:


The locals call it Taeng Kalabaw (Carabao Poop). Niresearch ko na sa interne
t ito at ang tawag sa kanya ay Crown-of-Thorns Starfish. Scientific name is Acanthaster Planci. Isa siyang hayop na puro tinik, as you can see sa picture. It feeds on corals kaya hindi namin alam kung bakit napadpad siya sa side na yun ng beach na wala namang corals. Tsaka thrid time na ni B sa beach na ito.

Grabe, sobrang sakit nung mga
sugat at sobrang magbleed. I had two puncture wounds sa big toe ng left foot ko. Si Baby had a lot. Halos half ng foot niya meron. Siya kasi talaga ang nakaapak. Ako parang nadali ko lang. Pero sobrang sakit talaga. Gapang kami toward the shore.

Nung nakita ng cousin ni B na may sugat kami, kumuha kaga
d ng calamansi at pinigaan. Nung una mahapdi pero nung tumagal, malamig yung pakiramdam ng calamansi juice sa sugat.

Pero ang first aid ng mga tao d
un is gasoline. Di namin alam ang gagawin so pumayag kami na ibabad ang paa ni Baby sa gasolina. Sabi ni B may soothing effect siya sa wounds.

Nabasa ko later na may toxic chemicals pala ang thorns ng buyset na creature na ito na nakakacause ng nausea at inflammation sa punctured areas. I was lucky na dalaw
a lang sugat ko. Si B, nahilo at namaga ang paa buong araw na yun. Swerte pa rin si B dahil hindi siya nagsuka at may antibiotic kaming nakuha at nakainom siya so hindi na siya nilagnat.

Dahil masakit ang paa ni B (yung akin okay na nung hapon), hindi na kami naligo ulit sa beach. We took a loooong siesta sa veranda nung kubo at pagkagising, umupo na lang sa sand at kumain ng halo-halo habang sinuscrutinize ang mga sugat niya. Baka kasi may naiwan na thorn or something.

Niyaya kami ng cousins niya na pumunta sa Enchanted Ilog (called as such dahil may mga enkanto daw). Medyo malayong lakarin pero dahil gusto ni B na makita ko yun, tiniis niya yung sakit (awww, sweet, hehe). Siempre para medyo bearable, mabagal lang ang lakad namin.


We also took long breaks in between. Umupo kami ng ilang minutes sa kubo dun.


Kinagabihan, super sakit ng paa ni B at di na kami nakavideoke with his relatives. Natulog na lang kami kasi kailangan na ng pahinga ni B. Nagjojoke ata talaga ang universe dahil nawalan pa ng kuryente.


Kinabukasan, medyo bumuti naman ang pakiramdam ni B. Medyo di na paga. Nilakad ulit namin ang papunta sa ilog para makaligo naman ako dun. Ang ganda, parang set ng Encantadia ang ilog. Nung umaga ko lang siya naappreciate nung andun na ako mismo. Malamig ang tubig, super fresh. Kumukuha daw ng drinking water dun ang locals eh.
Dala na namin ang shampoo, conditioner at sabon at dun na rin nagbanlaw. Sarap!


Pagkaligo nagpapaicture kami among Tiya Esther's orchids. Pacute muna. Hehe.


After nun, bumalik na kami ng Calapan at pinatingnan ang wounds ni B. Ang sabi ng doctor mahirap naman daw na iprobe isa-isa ang wounds dahil sobrang dami. Iobserve na lang daw if may maiinfect. Basta tuloy lang daw ang antibiotic. Umuwi na kami kina B pagkatapos at nagsimba nung hapon.

Monday, binisita namin si Kim na friend ni B from highschool. Pumunta rin kaming Jollibee para kumain ng Ice Craze at nagikot sa malls dun.

Buti lahat yan nagawa ko pa. May dinaramdam din kasi ako nun eh. Hehe.

******

Nga pala, para makaganti daw si B, hinuli ng pinsan niya yung crown-of-thorns starfish at inihaw. Sabi ng isang relative nila dun, kinukuha daw yun ng mga American divers kasi nakakasira ng corals. Apparently, 13 hectares of coral reefs ang nacoconsume ng isang starfish per year (ata).


5 comments:

selena said...

panalo yung detailed kwento with visual aids pa!!! :)

salamat sa link, Kat! :D

Reden said...

Wow! Hanep sa kuwento, major details! I am thinking na magblog about it, but then again, you documented it na so maybe I will just link this sa blog ko. Haha!

I love you beh! Alam ko kahit namaga ako ay nag enjoy ka pa rin kahit papaano. Joke nga na nagbrownout pa nung papunta na tayo sa videoke place. Haha! :)

Scribbles said...

Hanep sa kwento. Feeling ko nagbabasa ako ng storybook. Sana makwento ko din ng ganyan yung long weekend namin sa Bohol.

Reden, sana ok na yung paa mo.

--kitchie

Iggy said...

omaygad nanghina ako sa kwento!!
dapat talaga piksain yang mga crown of thorns chuva na iyan!

Reden said...

I realized na you missed yung part na nagpass out ako sa may puno on the way pabalik ng bahay pagkatapos ng stings! Hehe. Bale sinabi mo lang nahilo ako...

Kakahiya, ang laki laki ko nagpass out ako. Hehe. Oh well. They were all nice (the Bulabod people). :)