Wednesday, May 3, 2006

nakaw na sandali para magpost

Kaninang umaga pagkagising ko, naiyak ako. Natakot ako at naoverwhelm sa kakaisip sa dami ng trabaho na kailangan kong tapusin within three days. Tsaka na-sad din ako dahil after five days na magkasama kami ni B, uuwi na naman ako sa dorm. Basta na lang pumatak ang luha. Tuloy-tuloy na siya. Akala ko di ako tatahan eh. Pero siempre, kinomfort naman ako ni B (lab yu!).

Maganda pa naman ang sikat ng araw.

Akala ko isang ordinaryong araw lang ito, pero tumawag si B at sabi niya na swerte daw ako sa certain things today. Hindi naman ako naniniwala sa horoscope pero natutuwa ako kapag may nagsasabing swerte ako.

Aba, di ko akalaing totoo ang horoscope ko for the day. Swerte nga ako!

Kahit na wala pang katiyakan ang lahat, masaya ako sa mga nangyayari.

Maganda nga ang araw na ito. =)

******

Pag hindi na masyado busy kwento ko ang aming loooong weekend ni B.

Hanggang sa muli!

1 comment:

Reden said...

B! For some reason naluluha ako sa post mong ito. Buti na lang at walang tao dito sa workstation! Haha! :)