Ngayong wala ka na
Kailangang masanay na muling nag-iisa
Sa'n ka na kaya?
'Wag mo akong sisihin
Kung minsan ikay hanapin
Ito ang unang araw na wala ka na
'Wag mo akong sisihin
kung minsan ako'y iyakin
Ito ang unang araw na wala ka na
-Unang Araw, Sugarfree
B's in Singapore na. Sniff, sniff.Hindi ko na napigil ang pag-iyak nung hinatid namin siya kahapon sa airport. Ang hirap talagang magpaalam. His mama wanted to wait until his plane left so andun kami tumambay sa waiting area from around past 12 to 4pm. Nadelay kasi ang flight ni B. Instead na umalis ng 2:55, 4 na umalis. Typical of PAL.Kwentuhan galore kami ng mama niya habang katext ko si B. Paminsan-minsan napapaluha ako kapag naiisip ko na ang tagal namin hindi magkikita. That's 24 days pa on my count. But 24 days will pass by quickly.I'm sure though that the four days I'll spend there will pass by even quicker.Anyway, pagkagaling namin ng airport, nagcab kami papuntang Philcoa. On the way, natanaw ko ang OSMA (building kung saan andun ang dating office ni B). Nasad ako dahil dati andun lang siya. Mage-MRT lang ako makikita ko na siya.Pagdating sa Philcoa, dumaan kami sa market tapos sa Mercury at after ay nag-Jollibee. It felt so surreal to be in the places that B frequented. Unti-unting nagsink in na nasa Singapore na nga siya at wala sa Pinas.Natakot akong umuwi sa Maayusin kasi baka humagulhol na lang ako bigla. Pero buti hindi naman. Hindi naman ako naiyak pagpasok ko ng bahay. Pero sobrang nafeel ko yung void na naiwan ni B. Kulang. Walang maingay, walang makulit. It was weird seeing all of his stuff there pero wala siya. Nagpipierce talaga yung sadness. Sobrang bigat ng feeling.Medyo naging okay naman ako nung nagtext na siya na andun na siya sa SG. Hassle-free naman yung biyahe niya kahit turbulent. Umuulan daw dun. Machika daw yung driver nung cab na nasakyan niya.A few minutes later tumawag siya. Overbooked daw ang guest house ng company at kailangan niya magtrasnfer sa Changi Hotel. Buti may nakilala siyang Pinoy na new hire din ng company. Pareho din sila ng assignment. Sabay na sila pumunta sa hotel.Pagkadating daw nila ng hotel, nag-McDo sila at kumain ng dinner. Cebuano ang new friend ni B. Sana magkasundo sila, lalo pa't isa lang daw ang bed sa room na shineshare nila. Haha. Ang awkward siguro. Ewan ko kung magkatabi silang natulog. Hehe.Nakatulog naman ako kagad kagabi. Hindi na ako masyado nag-emote kasi mapupuyat ako eh I have to be up by 5am. Kaninang umaga, namiss ko na naman siya. Di pa rin ako makapaniwalang hindi ko siya makikiss pagkagising ko, di kami makakapgcuddle nang 30 minutes na halos malate na ako, di niya ako maisasakay sa trike, di niya ako masasalubong paguwi ko mamayang hapon.Friends have been supportive. Thank you for the comforting words. Oo nga, we'll be together din naman ulit soon.I guess I just have to keep busy while waiting for that day. Madaming trabahong kailangan gawin at deadlines na kailangan i-meet. May mga raket din. Ayoko din mamiss ang magagandang bagay na mangyayari habang hinihintay namin ang araw na yun.Nagaadjust pa lang kami pareho so understandable na medyo mahirap for the next couple of days. Alam ko kaya namin ito though. Hay. Miss ko na bebe ko.
Ang taba ko na! Although I can still wear my pumayat-na-ako clothes, sobrang bulging na ang tummy ko. Grabe. Nakakainis.
Hay, ang sarap kasing kumain pag may kasabay eh. Tsaka kung magdedate kami, siempre, di naman mawawala at di pwedeng mawala ang pagkain nang masarap. Que Jollibee pa yan, McDo o Super Bowl.
Kung manonood naman ng sine mas okay din na may ningunguya. Kagaya kahapon nung nanood kaming Superman. Apat na e-aji ang naubos namin at before pa nun nag beef picadillo at chili con carne rice kami sa Wendy's. Haha. Takaw!
Pag-alis ni B, I'll minimize my rice intake. Balik fruits and veggies ang aking beauty. I'll also do my best to quit smoking para makapagexercise din. UP Village is conducive to jogging naman. Ang di ko lang mafigure-out eh kung kailan ako tatakbo. Before or after office kaya?
Or mag Tae-bo na lang kaya ako? Kaso nakakamatay naman yun eh. Hehe. Baka bigla na lang akong matumba at tumigil sa paghinga. Hahaha.
In the meantime, I'll just own my bulging tummy. Kebs na. :)
Today's my first 7:30-to-4:30 working day. I slept a bit earlier last night, woke up at 5am, took a bath, ate a superb breakfast courtesy of B's mom and left at 6am. I signed in at 6:54. I can get used to this.******I got my tickets na. I'm ready to fly! Haha, andito pa yung dadalawin ko eh.******I'm going to be a FaGat girl for good. Haha, I can now say I'm a fashion editor when someone asks me what I do. =)
Bilang birthday gift ko sa sarili ko, I booked a ticket to Singapore! As an added treat, wala akong babayaran except US$43.49 dahil ginamit ko ang aking Worldperks miles. Happy! Ang flight ko ay sa August 4 at ang return flight naman ay August 8. Hindi pa nakakaalis si B, pagdalaw na agad ang naiisip ko. Hehe. Natutuwa ako, I won't have to miss him that much. Yey! *jump for joy* *cartwheels*
B and I did a lot of shopping (mainly for him) yesterday. Dahil kakaikot sa SM North, nagutom kami and decided to have meryenda. Nagcrave ako for some Coke and pizza pero napadaan kami sa Baryo Fiesta so dun na lang kami kumain. All you can eat for P99! Ang sarap! Sulit to the highest levels ang meryenda na nagsilbing dinner na rin.
Winner and diniguan at puto, ang giniling at pan de sal, ang ginatang mais, ang palitaw, ang kutsinta, ang arroz caldo at tokwat' baboy, ang lomi, ang lumpiang hubad, ang sinukmani, at ang minatamis na saba. Tamang-tama dahil kailangan ni B magpakasawa sa Pinoy food. Paalis na siya sa Sunday to Asia's land of IT milk and money, Singapore! Hehe.
Sobrang winner talaga, ayan taob!

******
Congratulations kay Iggy! Lumabas na ang book niya at mabibili na sa National Bookstore. Bibili ako ng kopya later. =)
******
I moved into B's apartment na. Nagirlify na ang kanyang area of the bedroom. Nagsabit na ang accessories at nagkalat ang kikay stuff. I've taken over. Hehehe.******
B and I went to our very first bridal fair yesterday sa SM North. Madami na siyang napuntahang bridal fair pero it was our first time to go together. Hindi pa kami magpapakasal, nagpalipas oras lang!
Grabe, ang mahal magpakasal! Ang cheapest na photo and video package ay P39,000! Ang gaganda din ng mga nakadisplay na cakes dun. May mga gowns din pero di ko masyado napansin. Nakakasaya umikot dun, although maliit lang yung fair.
Sayang, walang chocolate fountain. Hehe.