Wednesday, September 5, 2007

wazzzap!!!

Hay, after 10 years may panahon na ulit ako magblog! Sobrang busy sa office! Kakaloka.

So, kumusta naman?

Bumili kami ni Reden ng bagong digicam. Ixus 860, yung bago. Di kasi kami magkasundo kung ang bibilhin is Sony T100, na like ni B ang malaking LCD screen, at Ixus 950, na gusto ko dahil loyal ako sa Canon. Buti na lang naispottan namin ang bagong 860 at ayun, happy kami pareho. Nakuha ni B ang malaki niyang screen at ako naman, ang Canon ko. Ang favorite features ko ay yung digital macro (hirap ako talaga sa macro eh), face detection tsaka image stabilizer. Ang galing-galing! Yung five-year-old Powershot ko ay iiwan ko na sa Pinas paguwi namin sa Pasko.

Kakatuwa dito sa Singapore eh, ang taas ng value ng pera. $600+ bili namin sa camera. Kala mo mura. Pag sa Pinas mo binili ang presyo nasa P30k. Kelangan talaga pagipunan.

Kachat ko ngayon ang nanay ko na nakikinig sa Launchcast. Nakalagay sa status niya na ang pinapakinggan niya ay Rocky Votolato - White Daisy Passing. Di ko alam ang song na ito. Miss ko na si mader at ang aming chismisan. Miss ko na din si daddy at mga kapatids at pets ko.

Miss ko na din ang aming dakilang labandera at plantsadora na si Nora. Gosh, super kakapagod magplantsa talaga. Nagplantsa ako ng siguro mga 3 hours nung Sunday. Hanggang ngayon medyo may kirot pa din sa right hand ko. Pinagpaplanuhan namin bumili nung steamer na ginagamit sa mga boutique. Sana okay yun.

Miss ko din friends ko. Minsan nalulungkot ako kasi wala akong makachikahan at mapagkwentuhan ng mga pangyayari sa buhay ko. Oo andito naman si B at di naman nagkukulang sa pakikinig sa akin. Pero siempre, iba pa rin yung bonding with girlfriends. Dati isang text o tawag lang magkikita-kita na for dinner. Ngayon, jusko, ang layo ko!

Ang taba ko na! Hehehe. Sana sipagin na kami ni B magwalk or jog tuwing hapon. Di ko talaga kaya tantanan ang pagkain eh so kailangan ko talaga magexercise. Growl. Daya. Yung mga chekwa kain ng kain (minsan mas madami pa sa akin ha) tapos di sila tumataba. Sabagay, nasa atin namang mga Pinay ang kagandahan ng fez eh so 'key na rin. Mwahahaha!

Niyayaya na nga ako ng officemate ko na Noyps na magenroll sa California Fitness. Di ko lang maatim kasi ang mahal. $44 per month. Eh perang malinaw din yun. Kailangan namin magipon ni B para sa aming napipintong pagiisang dibdib sa simbahan. Hehe.

Ayan muna for now. Gutom na me. =)

1 comment:

Anonymous said...

wow. basta kung gusto mo ng wedding announcement... actually maski story kung willing gawin si margaux... pwede publish un sa pdi. kung announcement lang, sagot ko na. =)


~ andrea