Hanggang dito sa Singapore ay nafascinate ang mga Pinoy gaya ko sa mga kasulukuyang pinagdaraanan ni Kris Aquino at James Yap. Sinearch pa talaga namin sa YouTube ang videos ng interview ni Hope sa S-Files at Startalk at ng mag-asawa sa Korina.
Kris said she wants their marriage to work pero nagpainterview pa sila kay Korina at nagpapakahonest about what really happened and what she and Mr. Yap have said to each other. I think couples shouldn't air dirty laundry in public if they want to settle their issues and their marriage to work.
Kris and James may be celebrities pero they can always choose to protect their relationship. Kahit na lumantad pa yang Hope na yan, pwede namang di na pansinin. Obvious naman na medyo loose thread rin ang babaeng ito. Ayaw daw niya manira ng pamilya pero pumatol pa rin siya, kung totoo man ang mga sinasabi niya.
Siguro nga may kasalanan si James and he should probably be put in his place. Pero sana di na pinamukha sa kanya yun sa harap ng mga camera para mapanood pa ng iba. Hindi naman makakatulong yun eh. Napahiya na ng todo ang mama and this could breed resentment.
It's gonna take a lot of work to save this marriage. Based on my own experience, once nawala na ang tiwala, sobrang hirap nang ibalik. Kaya sobrang inaalagaan ko ang trust na ibinigay sa akin ni Reden. After love, I think trust ang pinakamahalaga sa isang relasyon. Sunod ang respeto.
Good luck na lang kay Mr. and Mrs. Kris Aquino.
Tuesday, February 27, 2007
life in SG, for now
This is our bed. The sheet really looks that way during the day. It's fitted and tucked underneath the mattress. Ayoko ng maraming kulubot pag wala namang nakahiga. Nakuha ko yun sa nanay ko. Hehe. Hila dito, hila doon hanggang super banat na yung sheet.
B bought a new mattress just before I arrived. It came with new pillows so now instead of two, we have four. They're too plumpy, however. Medyo mahirap higaan kasi dumudulas ulo namin.
Ito naman ang sidetable namin. Siempre pictures naming dalawa ang nakalagay. B bought the wooden frames at IKEA, while I brought the colorful, glass frame from the Pinas. Since I always apply lotion after taking a bath, diyan ko na nilalagay.
Maayos yan ngayon dahil hindi nakapatong yung three other phones namin tsaka yung remote ng aircon. The drawer, however, is a mess. Hehe.
Ito naman ang mga shirts ni B. Dahil kakaplantsa ko lang kagabi, nakaarrange na naman by color ang mga yan. Hehe. Gusto ko ayos by color ang mga damit para mabilis pumili pag umaga. Kita mo agad at makakapili ka pa based sa mood mo. Hahaha. Inarte.
Ito ang shoes at tsinelases namin. Kung sa Pinas yan, sapatos ko pa lang ang nakalagay diyan. Baka nga kulang pa. Pero dahil nagbawas ako ng footwear, kasya sa four tiers na yan ang mga sapatos namin ni B. (Nagsisisi ako at bumili pa ako ng mga high-heeled shoes. Rare ko na magagamit yan dahil puro lakad dito.)
Ito naman ang laundry area namin. May washing machine naman so madali lang maglaba.
Medyo limited lang ang sampayan, dahil unlike sa Pinas na alambre all the way, dito yung ganyan lang. Kailangan mo talaga ipagsiksikan lahat ng nilabhan mo. Dahil almost puno na siya, bukas ko na lalabhan ang kumot.
Napakadomesticated but I enjoy keeping things in order, lalo na ngayon that I'm not only doing it for myself. May isa pang taong makikinabang sa pagkamaayos ng bahay at ng mga gamit. (Although nadidisorient si B pag binabago ko ang ayos ng stuff niya.) I don't see these as chores. I see it as taking care of somebody and taking care of me too. Saya. =)

Sunday, February 18, 2007
oink oink!
Gong xi fa cai! Kung he fat choi in Fil-Chi. =)
Sarado ang halos lahat ng malls dito sa SG today. IKEA lang ang bukas na naisip namin puntahan after mass. Tamang-tama naman dahil kailangan namin ng ilang stuff from there.
Pagdating namin kumain muna kami sa restaurant ng Swedish meatballs. Wala naman masyadong special. Except they were served with crabnberry jelly. Pampatanggal siguro ng umay.
Bumili kami ni B ng shoe rack, clothes hanger at plastic organizer para sa cabinet ko. Nakakatuwa mamasyal sa IKEA. Daming pwedeng bilhin. May mura, may mahal. Favorite purchase ko yung organizer kasi naayos ko rin sa wakas ang aking accessories. Ito na sila:
Nag-red kami ni B para sa CNY. Hihi. Sorry at di masyado kita ang outfit namin sa pic. =)
Welcome sa year of the pig. Sana ay swertehin tayo lahat. =)

Saturday, February 17, 2007
happy housewife
In the past four days I've been here, I did the laundry twice, cooked giniling and sinigang, and cleaned our room. Sabi nga ni Aimee, hail the domestic import. Hehehe.
Di naman ako nagrereklamo. Sanay naman ako sa gawaing bahay tsaka gusto ko rin na nakakatulong sa pagmemaintain ng order sa domestic life naming mag-asawa. Marami pa naman akong oras dahil wala pa akong work so kahit anong pwedeng gawin na pampalipas oras, welcome.
Nag-grocery kami ni B today sa Carrefour. Namili ulit kami ng pwedeng lutuin kasi holiday sila hanggang Tuesday. Chinese New Year kasi. Pero tonight si B ang toka sa cooking. Magluluto ulit siya ng masarap niyang adobo. Ang sarap rin naman ng ganito, pabandying-bandying. Pero hopefully makahanap na ako ng trabaho before March. Siguro makakayanan ko na ganito everyday for a maximum of a month. More than that, baka malusaw na utak ko. Hehehe.
Again, di ako nagrereklamo. Wala na akong mahihiling pa sa asawa ko. Binibigay niya lahat ng kailangan ko. And more. Hehe.
Binilhan ako ni Reden ng new phone at rubber shoes!
Kinuhanan niya ako ng line sa m1 so kinuhanan na rin niya ako ng new cell phone. Ang ganda ng V3 na red! Ang proceeds ng sales ng design na ito ay para makatulong sa pageliminate ng AIDS sa Africa. So kahit gusto ko talaga originally ay yung fuschia, pinili ko na lang itong red para may mabuting kahinantnan naman ang pagbili ng phone na ito.
Binilhan din ako ni B ng rubber shoes sa Why Pay More?. Hehehe. New Balance na violet and white. Pwede na kami mag-jog together sa weekend! Kailangan namin magexercise kasi kung hindi, mananaba kami ng todo. Takaw namin pareho eh.
I'm so glad we're finally together. Habang naghahanap pa ako ng work, ako'y isang maligaya at kuntentong housewife. =)

singaporean night-out
Nagpunta kami ni B at ng friends niya kagabi sa Ministry of Sound sa Clarke Quay. Ganon pala dun. Daming areas na iba't iba ang theme. Yung 54, 70s ang music. Sa Smoove naman ay hiphop at R&B. May section na Pure ang pangalan. Di ko alam ano music dun pero parang may debut na nagaganap. May mga kurtinang puti kasi. Dun kami sa Main Arena. House/Techno music ang tinutugtog.
Ang daming tao. Sobrang siksikan, lalo na sa Smoove. I guess pinakapatok sa kids ang mga genre na pinatutugtog doon. I like dancing pero di ko na kaya makipagsabayan sa mga mas bata. Kahit kay B, na walang humpay sa pagsayaw, di ako makasabay! Siguro dahil masakit ang paa ko. Bago kasi suot kong sapatos. Matigas pa ang leather. Tsaka ayoko rin siguro sa siksikan. Pero astig dun.
Siguro kung mahilig ka talagang magparty at marami kang friends, okay na venue ang MOS. Ang entrance for ladies kagabi ay S$20 at sa guys naman ay S$25. May consumable na two drinks per person. Nagorder lang ako ng isang shot ng vodka tsaka orange juice. Walang tama. Ang mahal naman kasi bumili.
Mas masarap pa rin uminom sa Pinas. Hehehe. =)

Sunday, February 11, 2007
mga huling araw sa makati
Ngayon lang ako nakapost kasi nagtapos pa ako ng trabaho since nung last post ko. Ayokong may maiwang hindi natapos at inaim ko talaga matransfer lahat ng responsibilities ko sa teammates ko. Sa palagay ko ay nagawa ko naman yun lahat ng maayos.
Huling araw ko sa office nung Friday. Halo-halong emotions ang naramdaman ko that day. Malungkot, siempre, kasi tatlong taon din akong nagtrabaho doon. Masaya dahil ilang araw na lang at makakasama ko na si B. Tagal din namin naghintay.
May mga tinapos pa ako nung Friday ng umaga. Mga before lunch ko pa naumpsihan talaga ang pagaasikaso ng clearance, quitclaim etc. Kinailangan pang magpanotarize ng quitclaim. Buti nga may law office sa baba ng building. Bukod sa ilang beses na pagakyat at pagbaba sa 14th floor, wala namang naging prublema. Nagulat ako sa amount na nakuha ko. Malaki siya kaysa sa inaasahan ko. Salamat. Hehe.
Natuwa rin ako kasi binigyan ako ng aking colleagues ng isang "surprise" send-off party. Kahit hindi ako nasurprise (sa dami na ng nakita kong nagresign at nabigyan ng send-off, tsaka nahuli ko si Miss Tina, ang aming dept. sec. na nakayukong pumasok sa coference room, tsaka nakita ko rin dineliver ang food, hehe), natuwa talaga ako. Ganon pala ang feeling kapag ikaw na ang sinesend off. Siempre may gift din silang scrapbook. Binigyan rin ako ng FaGats ng cute na cropped hoodie na may Mrs. Mateo sa likod. =)
Sayang at kinailangan kong magmadali. Nung gabi ring iyon kasi kami maghahakot ni Daddy ng gamit from QC.
Naging masaya naman ako sa pagtatrabaho para sa company na iniwan ko. Hindi rin biro ang tatlong taong pakikipagtalo sa mga writer, pakikipagusap sa mga hindi nakakaintindi ng Ingles at kung anu-ano pang hassle na dala ng pagiging copy ed. Pero naging enjoyable naman ang pagstay ko sa company dahil sa mga cool na boss at mga cool na co-workers. Sure ako na mamimiss ko silang lahat.
Siempre, dito ko rin sa company nakilala ang mga kaibigang malalapit sa puso ko. Pinalad din ako na makasama sa opisina, bagaman ibang floor, ang best friend kong si Marge.
Nung Thursday ay nagpahabol kami ng aking lunch buddies ng picnic sa park. Nagtake-out kami ng Bugong roasted chicken, na simula pa lang nung nag-open sa area ay minamatamata na naman. Ang sarap! Ito ang pics:
At nung Thursday naman, napaunlakan pa nila ako ng isang pahabol na dinner sa Gerry's bago ako umalis. Bagong gupit ako niyan kaya iba ang hitsura. =)
Hay. Mamimiss ko to.

Subscribe to:
Posts (Atom)