Monday, October 15, 2007

after a month

Tagal ko na di nakakaupdate! Sorry at napakanegative pa ng last post ko. Ang daming nangyari in the past month!

September 23 nagcelebrate kami ni B ng aming second anniversary as a couple. September 22 nang nang tumungo kami ng Bintan, Indonesia para makapagbeach at makapagrelax. Kung last year ay sa Nirwana Resort kami pumunta, this time naman ay sa Bintan Lagoon kami. Nagenjoy naman kami ng todo. Visit my multiply to see the pictures.

Pagkabalik namin from Bintan, nagkachicken pox si Reden. Dito niya nakuha sa Singapore ang virus kasi 10-14 days ang incubation. Salamat sa Diyos at magaling na siya at salamat din at healthy ako ngayon. Wala namang symptoms na magkakaron ako.


One week after our Bintan escapade ay umattend naman ako ng anniversary ball ng magazine namin. Nalaman ko na aattend ako ng event na ito ay Tuesday ng mismong week na yun. Nagpanic tuloy ako sa paghahanap ng formal pero cheap na damit. Hirap pa naman dito maghanap ng size na kasya sa akin at sa aking budget. Pinalad naman ako makahanap ng dress (knee-length na black) sa Isetan. Di ko binalak na makipagsabayan sa mga socialite na dadalo noh. Besides, receptionist ang role ko. Nung nakita ako ng boss ko sa Ritz-Carlton kung saan gaganapin ang ball, sabi niya ay ok naman daw ang dress ko.

Pagpasok ng Oktubre, sobrang dami na naming ginagawa dahil dalawang issue ang kailangan naming bunuin hanggang November 10. Habang ginagawa namin ang December issue, kasabay din namin ginagawa ang annual lifestyle issue namin. Grabe. Yung isa kong editor inutusan ako a ang intern namin na gumawa ng directory ng 400 socialites dito sa Singapore. Kahit na sa palagay namin ay ubod nang walang kwenta ito, siempre, wala kaming choice kundi gawin yun. So ngayon ang umuubos sa oras ko ay ang project na yan para sa annual namin. Research ng info at hanap or request ng pictures. Sobrang kumunsumo sa oras.

Buti na lang diniclare ng admin namin na holiday today sa office. At least nakapaguwi ako ng trabaho. Ginawa ko yung two monthly sections ko para mabawasan man lang yung load. Dami ko pang pending for December pero kaya naman. Bahala sila noh. Kulang kami sa staff so they have to deal with delays. Tao lang kami. But I'm doing my best naman.

Last week ay merong publishing company na nagoffer sa aking ng trabaho. Mas mataas sahod, mas organized, mas malaki, mas maganda ang opisina at MNC. Di ko tinanggap after ko pagisipan.

May doubts ako eh. Hindi ko pati nakikita ang sarili ko na nageedit ng textbook. Alam ko mabobore ako at eventually gugustuhin kong umalis. Ayoko nang i-hassle sila at ang sarili ko. Isa pa, ang dami ko ngang dapat tapusin sa magazine na pinagtatrabahuhan ko ngayon.

With that, narealize ko na kahit gaano kaperfect ang isang bagay sa standards ng iba o nakararami, not necessarily tama siya para sa'yo. Tsaka timing is everything. Hindi pa ito ang tamang time eh.

I love my job now. I love what I am doing. Kahit na madaming areas for improvement ang company na kinabibilangan ko ngayon, gusto ko yung ginagawa ko. At least yun sure ako. Alam ko eventually aalis din ako dito sa company na ito. Maybe soon. Maybe later. Basta hindi pa ngayon. I decide to stay until the end of the year. After that, I'll see what I'll find.

Excited na ako sa paguwi namin sa Pasko. Miss ko na ang Pinas! Dami kong miss sa Pinas. After eight months here, I can say na mas masaya talaga sa atin. Walang tatalo sa buhay ng Pinas, sa vibe ng Pinas. Dito wala kang ibang gagawin kundi magtrabaho. Sobrang bilis ng mga araw na halos di ka na makahabol. Pero ayos lang. Kailangan kumayod at maghanda para sa future. =)

4 comments:

TwistedHalo said...

hey, kat! enjoy mo lang yan. gusto ko nga ma-experience work abroad for the... experience, haha! :D

Anonymous said...

i think you've made the right choice of staying. i agree, timing is everything. agree din ako na iba talaga ang pinas. there are things na hindi natin gusto sa pinas, but come to think of it, these are the things that make Pinas...uniquely Pinas!

so pag kelangan ko pala ng isang sosyalita sa SG mag namin, kaw lang ang kukulitin ko? hehe.

-jeko

Anonymous said...

Hi!

May I know which book publishing company you applied to? I'm also trying my luck in Singapore, but so far, no success.

Thanks,

Ruth

andrea/kitten said...

hi kat, ngayon lang ulit ako nadaan dito. gosh! 2 years na pala anniv nyo? parang kelan ko lang nabasa na nagpropose si B (shempre nakiki-B) sa airport, haha.

asteeg. nakita kame ni george recently ng inawardad kame ng 5 years chuva sa pdi. sabi ko nga pwede na kame grumadweyt kase 5 years na rin noh. =)

good luck sa inyo jan. tc. enjoy your holidays here.