Monday, July 16, 2007

God talked to me yesterday

Kahapon, habang naghihintay kami ng bus 195 papuntang IKEA, may kumausap sa aking matandang babae. Nung una di ko siya naiintindihan. Kala ko chekwa yun pala Pinay din gaya ko.

Tinanong niya ako kung day off ko daw. I was taken aback by her question. Di ko alam kung maooffend o hindi. Pero sinagot ko ng maayos. Sabi ko, opo. Totoo naman eh. Off namin ni B.

Chinika na kami ni Auntie. Sabi niya papunta naman daw siyang Lucky Plaza. Dami niyang tanong. Ano daw ba trabaho ko at magkano ang sweldo. Sinabi ko naman at sabi niya, mas maigi daw pala ang maging editor, malaki daw sahod.

Taga Zambales si Auntie at 23 years na siyang naninilbihan bilang domestic helper dito sa Singapore. Same family. Only ngayon, dun na siya nagtatrabaho sa anak nung dati niyang amo.

Sabi ni Auntie kahit daw masama ang trato sa kanya ng amo niya at SGD500 lang ang sahod niya, tinitiis daw niya kasi sabi daw niya kay Lord kahit anong ibigay sa kanyang work, titiisin niya. Nagpapasalamat na lang daw siya at may trabaho siya.

Narealize ko lang bigla kaninang umaga na baka kaya nagkrus ang landas namin ni Auntie eh para hindi ako magreklamo tungkol sa trabaho ko. Kung tutuusin, swerte ako dahil di naman masama ang trabaho ko at di rin naman masama ang kita. Tama naman si Auntie, dapat magpasalamat tayo sa binibigay sa atin ng Diyos at gawin natin ng maayos ang ating trabaho.

Salamat Auntie sa tinuro mo sa amin ni Reden.

2 comments:

Karla said...

That was very touching, Kat. Hope all is well on your end.

Naive But Innocent said...

Dear. Kat!!!

But everything is in Tagalog!!!!!!
cant read but the food....hmm i like it!
Just heard that you guys were married already!!!!
and tom is your first birthday with Reden(your husband)!
Happy birthday To you IN ADVANCE!

-Rebecca(your korean ex-co worker)