I can't remember when exactly I learned how to cook. Bata pa lang ako gusto ko lagi nasa kusina pag cooking time na. Pinapanood ko sinumang grown-up ang nagluluto sa kusina. Hindi ko na rin maalala anong una kong niluto. Siguro scrambled egg din gaya ng karamihan. Ang naaalala ko lang ngayon is pag nagluluto ako ng scrambled egg, di ko maperfect ang pagbaligtad. Laging nasisira yung circle kasi hindi nonstick ang aming kawali. Buti na lang at naimbento ang Teflon.
Nung safe na akong maiwan sa kusina on my own (di ko na maalala ilang taon ako nun), ako na ang designated cook sa bahay.
Ngayon madami na akong alam lutuin. Afritada, nilaga, caldereta, sinigang, adobo, kare-kare, pinakbet, chopsuey, sweet and sour, lumpiang shanghai, pinoy spaghetti, pancit canton o bihon, sinaing na isda, ginatang manok, at marami pang iba. Pangarap ko nga magtayo ng karinderya. Hindi restaurant ha. Karinderya. As in classic pinoy turo-turo. Mababaw lang ang kaligayahan ko. Hihi.
Ngayong may asawa na ako (na isa pang napakahilig kumain), isa pa rin ang pagluluto sa mga nagbibigay sa akin ng joy. It's always a pleasure na ipagluto ng makakain ang asawa ko at ang marinig mula sa kanya na masarap yung niluto ko.
Kung gusto niyo malaman anong kinakain namin ni Reden, bisitahin niyo ang aking food blog ang katzee's food for two. Kung di niyo man trip magluto, tingnan niyo na lang ang pics. Hehe. Ang unang recipe na andun ay Spaghetti Carbonara. Dinner namin yun kanina.
Happy cooking and happy eating! Good night!
2 comments:
mag post ka pa ng mga recipes mo kasi gusto ko mag aral magluto! hehehe.=)
lalo kita namiss kat.
Post a Comment