Isipin mo na lang, ham yan. =) --MargeKapag ganyan naman ang payo sa'yo ng best friend mo kapag nagdadrama ka, ewan ko na lang kung di ka matauhan. Haha. Siempre may iba pa namang sinabi si Marge, yung serious at boring at madrama din. Yang line na yan lang ang peborit ko. Hehehehe. It's so her. Made me miss her more.
Anyway, andito pa rin ako, sumusubok na wag mabaliw sa kainipan. Sabi ko ba naman kay B kagabi, kaunti na lang magfiflip na ako. Aba, nabuyset sa akin. Wag ko daw siyang takutin. Mwehehehe. Nakakatakot nga, nung inisip ko ulit. Hindi nga naman imposible yun, lalo na sa bansang ito.
Sinabi ko rin kay mommy na nalulungkot ako. Natural lang daw yun dahil lagi akong nasa bahay, walang kausap. Magpaaraw naman daw kasi ako, sumimba, magexercise. Sabi ko ayoko pumunta sa mall dahil wala naman akong mabibili at oo, sumisimba naman kami. No comment ako sa exercise kasi wala akong exercise lately. Hehe.
Sana magfastforward na lang ang mga darating na weeks. Sana di ko mamalayan ang paglipas ng araw para pagmulat ko isang umaga, kailangan ko nang magreport sa opisina.
Alam ko I have to try harder. Kailangan kong magadjust para sa akin at sa asawa ko. He deserves better.
I do, too.
1 comment:
Ganyan talaga pag nagsisimula. At i enjoy mo muna ang pagiging "bakante" at walang ginagawa, dahil I'm sure, pag nagtrabaho ka na, mami miss mo rin ang mga bakasyon katulad nito.
Post a Comment