
Golden roll. Isa na lang natira sa six-piece golden roll. Super sarap kaya nung naalala kong picturan, isa na lang. It has fried prawn, mango slices and salmon roe. Delicious. Nakakapapikit ng mata. I love it.

Baked salmon maki. Kakaiba. Super sarap din.


Baby octopus. Manamis-namis ang luto sa octopus babies. Malamig na dish ito. Hindi ko mawari kung ano ang kasamang shredded gulay. Masarap pero kinailangan kong i-psyche ang sarili ko na hindi na buhay ang mga octopus na ito. Naalala ko kasi yung episode ng CSI: New York. Yung may namatay kasi di marunong kumain ng octopus. Sa bagay, buhay naman yung octopus noon. Di rin gaanong attractive kasi kita mo ang buong octopus. Malaking ulo at walong maliliit na paa.
Nakadagdag sa sarap ng pagkain ng sushi yung shoyu (toyo) ng restaurant. Sobrang sarap. Soy talaga at hindi MSG. Winner.
Sana magkaron neto sa Pinas para matikman niyo din. =)
1 comment:
nagutom ako bigla. hi kat!
Post a Comment