Tuesday, September 2, 2008

shoe and bag hunting

Last night, B and I went to Raffles City. Nagchecheck ako ng prices ng shoes at bags dahil isa lang pair of shoes ang ginagamit ko at isang bag lang. Even if both are still in good condition, gusto ko ng kahalili. Babae ako noh. Guys lang ang kaya mabuhay ng may isang pares ng sapatos at isang bag.

Nilakasan ko ang loob ko. Pumasok kami sa Nine West. Nasa $150+ ang mga leather shoes nila. Ang mahal pero sinalat ko ang leather. Malambot. Pumasok din kami sa Coach. Nakita ko ang isa sa mga type ko na bag, yung Lindsay. Itim nga lang ang nasa boutique. Di ko na chineck ang price kasi yung sling bag na pagkaliit-liit at di naman leather, $229. Pano pa kaya ang leather. (Tanya, nakita ko din yung type mo na bag. Ang ganda niya in person.)

Chineck ko din yung Hue, isang shoe shop. Nakakita ako ng magandang ballerina flats (similar sa French Sole) at nang nakita ko ang presyo, muntik na akong magkakaripas ng takbo. $309 lang naman ang isang pares. I believe they had snakeskin uppers.

Nagsukat ako ng Itti & Otto (oo meron dito pero iisang brand siya). Hindi maganda. Pero genuine leather din ang upper. Nasa $70-$80 ang price range. Umuwi akong bigo. Hahaha.

Namimiss ko ang SM pag ganito.

5 comments:

mayen zuno said...

dito ka na lang mamile...

Reden Mateo said...

thanks for bringing me in the hunt, bought myself a nice sling bag hihihi ;)

Tanya Tiotuyco said...

SM is the best! Except na sira na ang sapatos after six months siguro. huhuhuhu sana may celine o rusty lopez diyan.

Kat Zuño-Mateo said...

korek. disposable shoes! hahaha. paguwi na lang namin ako magpapakasigasig sa paghahanap. :)

Melissa Christina Santos said...

try mo dito so fab. matibay kahit mura. marami silang magandang flats.