Monday, September 17, 2007

ayaw ko na dito

Apat na buwan na ako dito sa trabaho na ito at madami na akong natutunan, di lang sa kung pano ginagawa ang mga bagay-bagay, kundi pati na rin sa sarili ko.

Una, napatunayan ko na gusto ko ng organization. Isa akong neat-freak. Gusto ko lahat maayos. I prefer order over chaos. Itong company na pinagtatrabahuhan ko ngayon leaves much to be desired pagdating sa aspetong yan. Ang gulo ng opisina, kulang sa storage at kung meron mang sistemang in place, medyo kailangan i-streamline pa. Ang gulo-gulo dito.

Kung makikita niyo lang ang lugar na ito at kakilala niyo ako, I'm sure madali niyong mahahanap ang desk ko. Akin lang kasi ang malinis. Yung mga kaopisina ko, babae man o lalaki, ang gulo ng mga workstation. Puro tambak ng press releases sa ilalim at ibabaw, mga magazines, at kung anu-ano pang pictures na nakapaskil sa cubicle. Yung iba nga may certain smell na eh. Kadiri. Kung andito siguro si Mr Mark (big boss sa 14th floor ng dati kong company) mahihimatay siya. Ewan ko pano sila nakakatrabaho dito.

Bukod sa gulo ng environment, magulo din ang palakad. Masyadong mapulitika dito. At ang malas ko, yung posisyon ko ay nilalagay ako sa gitna ng lahat.

Pangalawa, gusto ko talaga magsulat. When I analyzed the situation I am in now, narealize ko na hindi ko dinedespise ang trabaho. Gusto ko siya actually, writing for a lifestyle publication. Ang ayaw ko lang talaga is the way this place operates. At least ngayon, alam ko na na gusto ko talaga magsulat.

Pangatlo, narealize ko na having peace of mind is important to me. Siguro kahit naman sino gusto yan. Dito kasi feeling ko I always have to watch my back. Nakakadagdag sa stress yung paranoia. Meron kasi dito hinihintay lang talaga magkamali yung staff tapos isusumbong sa higher ups. Lalaki siya ha.

Panahon na para sa sunod na hakbang.

happy birthday B!

Belated happy birthday B! Sobrang grateful ako kay God dahil tayo ang magkatuwang sa buhay. Life may not be perfect, but having you makes it wonderful. I love you! Nawa'y biyayayaan tayo ng Diyos ng maraming, maraming taon together.

Saturday, September 8, 2007

singapore slang

Pag bagong salta ka sa Singapore, maninibago ka sa way nilang magsalita. Bukod sa kakaibang accent nila, may mga slang words din. Ito ang ilan:

Can - ibig sabihin okay, keri

Cannot - walang can't dito. cannot lang. opposite ng "can."

Finished already - pag bumibili ka sa hawker tas sinabi ng uncle o auntie to, ibig sabihin ubos na yung gusto mong bilhin

Go back - ibig sabihin, go home. hahahaha

Ayo - sabi ng officemate ko, ito daw ay mild version ng "Oh my God." Parang sa atin, hala o kaya anobuzz. hahahaha

Makan - Malay word ito for kain. So kung tinanong ka ng "makan already?" ibig sabihin, kumain ka na ba?

Actually - gusto lang nila tong opener for any sentence kahit di naman kelangan. hehehe.

Wednesday, September 5, 2007

wazzzap!!!

Hay, after 10 years may panahon na ulit ako magblog! Sobrang busy sa office! Kakaloka.

So, kumusta naman?

Bumili kami ni Reden ng bagong digicam. Ixus 860, yung bago. Di kasi kami magkasundo kung ang bibilhin is Sony T100, na like ni B ang malaking LCD screen, at Ixus 950, na gusto ko dahil loyal ako sa Canon. Buti na lang naispottan namin ang bagong 860 at ayun, happy kami pareho. Nakuha ni B ang malaki niyang screen at ako naman, ang Canon ko. Ang favorite features ko ay yung digital macro (hirap ako talaga sa macro eh), face detection tsaka image stabilizer. Ang galing-galing! Yung five-year-old Powershot ko ay iiwan ko na sa Pinas paguwi namin sa Pasko.

Kakatuwa dito sa Singapore eh, ang taas ng value ng pera. $600+ bili namin sa camera. Kala mo mura. Pag sa Pinas mo binili ang presyo nasa P30k. Kelangan talaga pagipunan.

Kachat ko ngayon ang nanay ko na nakikinig sa Launchcast. Nakalagay sa status niya na ang pinapakinggan niya ay Rocky Votolato - White Daisy Passing. Di ko alam ang song na ito. Miss ko na si mader at ang aming chismisan. Miss ko na din si daddy at mga kapatids at pets ko.

Miss ko na din ang aming dakilang labandera at plantsadora na si Nora. Gosh, super kakapagod magplantsa talaga. Nagplantsa ako ng siguro mga 3 hours nung Sunday. Hanggang ngayon medyo may kirot pa din sa right hand ko. Pinagpaplanuhan namin bumili nung steamer na ginagamit sa mga boutique. Sana okay yun.

Miss ko din friends ko. Minsan nalulungkot ako kasi wala akong makachikahan at mapagkwentuhan ng mga pangyayari sa buhay ko. Oo andito naman si B at di naman nagkukulang sa pakikinig sa akin. Pero siempre, iba pa rin yung bonding with girlfriends. Dati isang text o tawag lang magkikita-kita na for dinner. Ngayon, jusko, ang layo ko!

Ang taba ko na! Hehehe. Sana sipagin na kami ni B magwalk or jog tuwing hapon. Di ko talaga kaya tantanan ang pagkain eh so kailangan ko talaga magexercise. Growl. Daya. Yung mga chekwa kain ng kain (minsan mas madami pa sa akin ha) tapos di sila tumataba. Sabagay, nasa atin namang mga Pinay ang kagandahan ng fez eh so 'key na rin. Mwahahaha!

Niyayaya na nga ako ng officemate ko na Noyps na magenroll sa California Fitness. Di ko lang maatim kasi ang mahal. $44 per month. Eh perang malinaw din yun. Kailangan namin magipon ni B para sa aming napipintong pagiisang dibdib sa simbahan. Hehe.

Ayan muna for now. Gutom na me. =)