August 18
Umattend kami ni B ng Ultimate Poolside Beer and Barbecue Experience sa The Ritz-Carlton Millenia. Ito ay part ng kanilang 9th annual New World of Food and Wine festival. Since ang publication namin ay partner sa event na ito, pinapunta ako ng boss ko. Laking tuwa ko nung binigyan ako ng two slots ng PR. Naisama ko si B! Two mouths are better than one! Hehehe. Mas madami kami matitikman.
Lahat ng pwede ihawin, inihaw nila dun--shrimps, beef tenderloin, chicken etc. Mas masaya nga sana kung may rice. Hehehe. Siempre, Pinoy kami eh so kelangan may rice. Pero wala. Tumikim din ako ng salad na may truffle. Ganon pala lasa nun. Hehehe.
May 30 different kinds of beer din na sinerve pero ang natikman lang namin ay apat. Kasali siempre sa bilang ang San Mig Light dahil alam na alam na namin lasa nun.
Sa San Mig, dalawang Belgian beers at isang Australian beer na natikman namin, wagi pa rin sa aming panlasa ang San Mig. Mas swabe. Hehe. Ang pait masyado nung ibang beers.
Aside sa beer at sang katutak na barbecues, may dessert siempre. Ito si B, ineenjoy ang kanyang chocolate stick:
At ito ako, nilalasap ang strawberry cheesecake:
Tsarap!
At meron ding entertainment:
Hehehe. =)
August 19
The following night naman ay nanood kami ng fireworks display sa Marina Bay floating gallery courtesy of B's company. Every three months kasi ay may social event ang office ni B as treat to their employees. Last time ay nanood kami ng Spider-Man 3 for free.
Hindi naging komprtable ang pagpunta namin sa gallery. Grabe ang dami ng tao. Siksikan from Esplanade to the gallery's entrance. Sa palagay ko ay it could have been planned/organized better.
Hindi rin nakakatuwa na nasa taas na kami ng gallery. Ang layo ng inakyat namin! Tapos hindi rin ganon kakomportable ang seats. Nakakasakit ng pwet.
Buti na lang hindi umulan ng gabing yun kung hindi, basa kaming lahat kasi walang bubong ang gallery na ito. Ewan ko ba kung minadali ba ito ng gubyerno para sa National Day. Di man lang nilagyan ng bubong.
Anyway, buti na lang natuwa kami sa fireworks:
Saya!
Pero parusa naman ang paglabas ng gallery. Ilang minutes din kaming stranded sa ilalim ng gallery dahil hindi umuusad ang pila palabas. Ahahay. Kakakunsume.
Nung makarating kami ng Suntec, kumain kami ng Hokien Mee. Hahahaha. Kakagutom eh.
August 24
Nung Friday naman ay pinaattend ulit ako ng boss ko ng media preview ng Al Barakat promo sa Four Seasons Hotel. Dahil sobrang lakas ng ulan nun, inagahan ko ang alis sa office. Kahit 12noon pa ang start, 11:15 pa lang, lumayas na ako at nagpatawag ng cab. Ayoko nga malate.
Yun nga lang, napaaga naman ako. 11:30 pa lang nasa hotel na ako at ni hindi pa ready ang table. Pero courteous naman ang staff at inalok ako ng drinks at newspapers. Ahahay. Kakahiya. Ang aga ko.
After ilang minutes ay pinaupo na rin ako sa designated table at dumating ang PR ang Four Seasons Maldives. Joint promotion kasi ito ng SG at Maldives. Siempre, charming at chika ang PR girl. Kakatuwa. Give her a call daw pag napadpad ako sa Maldives either for vacation or work.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating din ang aking dalawang PR contacts from Four Seasons SG. Ang sweet nilang dalawa at thank you daw dahil maaga ako dumating. Pero pasensya na daw at kailangan namin hintayin ang ibang members ng media. Ok lang naman sakin maghintay.
Dumating paisa-isa ang iba pang gaya kong miyembro ng press. May mga nameet ako na writers gaya ni Yuri, isang Haponesang super cute pag tumatawa; Belinda, isang local writer at isa pang guy na hindi ko naintindihan ang name pero siya ay mula Food Magazine. May iba pang dumalo kaso di ko na sila nakilala.
Sa wakas, oras na para kumain. Nagserve muna ng bread with three dips: chick pea, eggplant and humus. Uber sarap! Winner yung chick pea dip. I loved it! Tapos next naman ay eggplant salad with walnut. Sarap din although may umay factor yung talong. Ang main course naman ay lamb and chicken breast skewers. Grabe to, nakakabusog. Pero sarap din. Tapos ang dessert ay semolina cake, coconut pudding with rosewater at baklava. Kakaiba ang mga ito.
Super sarap kaya kung andito kayo sa SG at mailig sa Middle Eastern food, I suggest pumunta kayo sa Four Seasons at magavail ng promo. Winner talaga!
Sunday, August 26, 2007
Thursday, August 16, 2007
balikbayan chronicles
We're back in Singapore. Mabilis talaga lumipas ang mga araw. Kay tagal namin hinintay yung araw ng pag-uwi namin sa Pinas tapos lumipas lang ng ganon-ganon. Hehehe. Time flies when you're having fun.
Day 1
Nagumpisa ang aming maikling bakasyon nung August 9, National Day ng Singapura. 7:50am ang aming Jetstar flight. Buti naman at walang delays ang aming pag-alis kahit umulan ng malakas.
Dumating kami sa Pinas ng mga bandang 11:20am. Mahaba ang pila sa immigration as usual at sinungitan pa ako ng officer na natapatan ko. Pero other than that bitch, ok naman lahat. Walang hassle paglabas ng airport. Buti na lang paglabas namin, andun na si Mommy at Daddy.
Dumerecho kami sa Makati para maglunch. Sa Jollibee Chinabank branch kami naglunch para malapit sa Citibank Center. Kumain kami ng spaghetti with chickenjoy meal. Sarap! Pero siguro sanay na ako sa matabang na pagkain. Sobrang intense ng flavor ng food eh. Pinoy na Pinoy.
After lunch ay dumerecho kami ni Reden sa Citibank Center para sorpresahin ang mga dati naming officemates. Una naming stop ang 14th floor kung saan ginulat namin si manong guard at si Tita Jacks. Later dumating sila Rhea, Tracy, Yannie at Teng. Sayang wala si Tin, may sakit. Nakita ko din si Regie at si Lyn. Si Tita S ang last na dumating. Nakakatuwang makita sila ulit. Umakyat din ako sa 15th floor para gulatin ang aking team. Andun si Tanya, Ailene, Macy, Jas, Sherwin, Joan, Volts, KC, Dino, Mika, Jeng, Almie at Kuya Sam. Pinuntahan ko naman sa pantry si Aimee at ang soon-to-be-wed na si Carmela. Sayang at wala si Karla at ang dati kong boss na si David.
Pagkaraan ng mabilis ngunit madaming chikahan, umalis na kami at mineet ulit sila mommy para pumunta na ng Glorietta. First stop siempre ang favorite ko na BAYO. After makabili ng dalawang blouse ay pumunta na kami ni B sa Bench FIX para magpagupit. Namiss ko din si Amy, ang aking stylist. Ang mahal kasi magpagupit dito sa SG. Ang katumbas ng 300 pesos na gupit sa atin ay trim lang at walang shampoo at blowdry.
Nagmeryenda kami sa Pizza Hut after. Nagshopping na ulit kami after magmeryenda. Nakabili pa ako ng slacks sa HerBench (which turned out to be super luwag nung sinuot ko dito. Ewan ko ba, sinukat ko naman. Siguro dahil excited ako or nagmamadali.) Nakabili naman ng shorts, sandals at tsinelas si B. After magikot-ikot sa SM, kung saan wala naman akong nabili, nagpasya na kaming umuwi. Si B sa QC umuwi kasi andun na ang Mama at Papa niya. Kami naman ay bumyahe patungong San Pablo.
Day 2
Ito ang araw na nagkakilala ang mga magulang namin. Nakahinga naman kami ng maluwag kasi nagclick naman sila agad. Puro chika at usually about food or dogs ang pinaguusapan nila. Hehe. Nakakatuwa.
Pumunta kami ni B with his family sa Villa Escudero. Sinalubong kami ng libreng sago't gulaman. Pagkatapos ay dumerecho kami sa museum. Namangha sila sa collection ng mga Escudero. Pangatlong beses ko na yatang pumunta dun kaya di na ako naamaze. Pero first time kong magikot nang may tour guide. Buti na lang kwela yung naassign sa amin.
Pagkalabas ng museum ay dumaan kami sa harap ng mansion para magpapicture. Mwehehehe.
After ay sumakay kami ng carabao cart papunta sa man-made falls para maglunch. Unfortunately, on the way ay nadiscover ni Apple na nawalan siya ng P1,000 pesos sa wallet. Sure naman siya na P2,500 ang laman ng wallet niya. Isa pa, bukas na yung wallet niya. Iniwan niya kasi ito sa bag niya na hinabilin namin sa baggage counter ng museum. Nireklamo namin sa baggage counter ng falls at sinamahan naman kami nung isang babae. Balikan daw namin yung baggage counter sa museum. Pagdating namin sa baggage counter sa museum, may ilang lalaking nakatambay doon. Di na namin maalala yung mukha nung tumanggap ng bags so sinabi na lang namin na dapat hindi sila nangengelam ng gamit ng mga customers. Kahit na sinabi nilang walang "valuables" na dapat maiwan sa bags na ihahabilin, hindi pa rin tama na magnanakaw sila ng gamit. Isa pa, tourist spot yun kaya dapat trustworthy ang mga empleyado. (Sinulatan ko ang Villa Escudero about this pero wala pang reply.)
Kahit may nangyaring ganito ay nagenjoy pa rin kami sa ilog nung lunchtime. Dami naming nakain. Nasarapan pa din ako kahit sa ilang beses kong nagpunta doon ay yun pa rin ang handa nila: inihaw na liempo, inihaw na manok, steamed veggies with bagoong, calderetang baka, inihaw na tilapya at ginatang kalabasa at sitaw. (Nagugutom ako!)
Pagkagaling sa ilog ay dumerecho na kami sa pavilion para manood ng cultural show. Buti naman at kahit paano ay may inintroduce silang mga bagong sayaw at may mga tinanggal na lumang sayaw. Nakakasawa na din kasing panoorin ng paulit-ulit yung performance. Favorite ko yung Singkil. Ang ganda ng costume!
Pagkatapos ng presentation at nagabang na ulit kami ng carabao cart para bumalik sa reception area kung saan kami susunduin ni Daddy. Pagkagaling ng Villa Escudero ay dumaan muna kami sa hotel nila B para makapagcheck-in sila at makapahinga. Nagmeet na lang ulit kami later sa Max's para magdinner together.
Day 3
Nung Sabado ay naglunch ang pamilya Mateo sa bahay. Nagluto si mommy at si Lia at Carsten ng tatlong crispy pata na dala ng mga Mateo, sinigang na bangus belly at carbonara. Bumili din si mommy ng Andok's manok for more. Sarap! After magkwentuhan sa terrace about dogs etc ay tumulak na ang mga Mateo patungong Quezon City.
Bandang alas dos naman ay dumating ang mga kaibigan kong si George, Marge at Jos. Naglunch din sila sa bahay, inattempt gumawa ng raket at magvideoke. Pero di siguro talaga masaya kumanta pag di lasing. So kumain na lang kami ng chocolate cake at nagkwentuhan. Pero kulang ang oras para sa kwentuhan marathon kaya bahagya na namin natouch ang buhay ng isa't isa.
Umalis din sila Marge bago lumubog ang araw dahil mahihirapan si Jos magdrive paluwas. Nagimpake na ako kinagabihan.
Day 4
Mga bandang 7:30am ay hinatid na ako nila mommy at daddy patungong NAIA. Andun na kami ng 9am. Ang daming tao. Akala ko lahat ay nakapila sa OFW pre-check-in. Mga usisa lang pala.
Nung dumating si B mga bandang 9:30, umalis na rin agad sila mommy at pumunta na kagad sa pre-check-in. Sarado pa ang Jetstar check-in counter nung matapos kami sa OFW chorva at sa Travel Tax kaya kumain muna kami ng Granny Goose Tortillos! Hehehehe. Habang nakapila sa Immigration ay naisipan namin ni B na gamitin ang powers ng Diners card namin at magpunta sa traveller's lounge nila. Pagdating namin dun ay walang tao. Kumain kami ng Puttanesca at cupcakes at soup. Sarap! Hehehe. Libre lunch na ito!
Naging okay naman ang biyahe namin at dumating sa Singapore ng 3:30pm. Gutom na kami kaya dumaan muna sa Delifrance. Buti na lang panalo ang na-order namin na food. Umuwi na kagad kami pagkakain. Dahil kuripot kami, nagtrain kami. Hehehe.
Pagdating ng bahay ay inayos na agad namin ang mga gamit namin. Siempre madami kaming dalang groceries gaya ng Silver Swan toyo, Datu Puti suka, Cheez Whiz, tuyo, danggit, longganisa, foot long, tocino, Reno liver spread at Chocnut. Takot magutom!!! Excited na kami ulit umuwi sa Pasko at sa CNY! Hehehehe.
Hanggang sa muli Pinas! We lab yu! =)

Subscribe to:
Posts (Atom)