Wednesday, July 25, 2007

yummy perk

Ang isang magandang thing about being in the media is madaming perks. Either travel, kung anu-anong stuff o pagkain.

Kagaya neto, nagpadala ng mooncakes ang Raffles the Plaza sa office. Nakakuha ako ng Mini Snow-Skin Baileys Chocolate Mooncake. Tinikman ko kasi kakaiba. Hehe.




Sunday, July 22, 2007

va va voom!

Nagtry kami ni B today ng Vietnamese food. Pagkagaling namin sa simba at pagkatapos magsauli ng books sa National Library, nagutom kami kaya inexplore namin ang Seah Street.

Ang original plan ay hanapin ang fineature na restaurant nina Gurmit at Michelle sa Our Makan Places Lost and Found season 2. Pero walang kumakain kaya naisip namin baka di masarap. Naglakad pa kami further at nakita ang orange na orange na Va Va Voom Cafe na nagooffer ng Vietnamese food. Nagdecide kami na itry kumain dun for a change.



Pagupo namin at habang nagbobrowse ng menu, nilapitan kami ng waiter at nagsuggest ng mga best-selling dishes nila. Ang mga sinubukan naming dishes:

Fried veggie spring rolls and

mango salad for starters. Lemongrass with honey for drinks;

Beef stew for me, and

pork chop for B.

Pagkahain na pagkahain ni kuya, inattack namin agad ang food. At hindi kami nagkamali sa pagdedecide na itry ang food sa Va Va Voom. Super sarap! We love it! Ito ang proof:

at ito:


Bochog! Hihi. Babalik kami. =)


Tuesday, July 17, 2007

yey!

I just got my very first Singaporean cheque! Hehehe.

Happinezz!



Monday, July 16, 2007

it takes two

To screw.

Hehehe.

Dumi isip!

Nagassemble kami ni B ng drawer unit (mula IKEA) ala sidetable kahapon. Hehehe. Ito ang kinalabasan. Nakakatuwa kasi practice on teamwork ito.

Next project: lamp. Pero hindi na kelangan ng assembly nun. Hehehe. We love IKEA. =) We're so domesticated. Natutuwa kami mamasyal sa furniture or appliance shops or kahit saang may tindang gamit sa bahay.

God talked to me yesterday

Kahapon, habang naghihintay kami ng bus 195 papuntang IKEA, may kumausap sa aking matandang babae. Nung una di ko siya naiintindihan. Kala ko chekwa yun pala Pinay din gaya ko.

Tinanong niya ako kung day off ko daw. I was taken aback by her question. Di ko alam kung maooffend o hindi. Pero sinagot ko ng maayos. Sabi ko, opo. Totoo naman eh. Off namin ni B.

Chinika na kami ni Auntie. Sabi niya papunta naman daw siyang Lucky Plaza. Dami niyang tanong. Ano daw ba trabaho ko at magkano ang sweldo. Sinabi ko naman at sabi niya, mas maigi daw pala ang maging editor, malaki daw sahod.

Taga Zambales si Auntie at 23 years na siyang naninilbihan bilang domestic helper dito sa Singapore. Same family. Only ngayon, dun na siya nagtatrabaho sa anak nung dati niyang amo.

Sabi ni Auntie kahit daw masama ang trato sa kanya ng amo niya at SGD500 lang ang sahod niya, tinitiis daw niya kasi sabi daw niya kay Lord kahit anong ibigay sa kanyang work, titiisin niya. Nagpapasalamat na lang daw siya at may trabaho siya.

Narealize ko lang bigla kaninang umaga na baka kaya nagkrus ang landas namin ni Auntie eh para hindi ako magreklamo tungkol sa trabaho ko. Kung tutuusin, swerte ako dahil di naman masama ang trabaho ko at di rin naman masama ang kita. Tama naman si Auntie, dapat magpasalamat tayo sa binibigay sa atin ng Diyos at gawin natin ng maayos ang ating trabaho.

Salamat Auntie sa tinuro mo sa amin ni Reden.

Sunday, July 15, 2007

winner!

I loved Harry Potter and the Order of the Phoenix! Ang galing!

Invasion!





Hinde. Practice lang ng Singaporeans para sa kanilang 42nd National Day Parade. All out na ito, di pa nga totoo.

The Simpsons + adopted boy and girl


Friday, July 13, 2007

Thank God it's Friday!

Nakakapagod ang magbyahe ng limang araw para makapasok sa trabaho na di mo naman exactly kinakatuwaan. Wala akong ka-amor-amor para sa ginagawa ko ngayon. Pumapasok lang ako dahil kailangan. How pathetic! Wala talaga akong ibang motivation kundi ang matinding pangangailangan.

Siguro dahil hindi ako nagsusulat o dahil siguro dahil masyadong alta de sociedad ang kinocover ng magazine at di ako makarelate. Or siguro dahil di ko masakyan ang mga tagarito. Kakaiba. Mas madalas kesa hinde, nakasimangot sila. Kala mo lalapain ka ng buhay. Hehehe.

Sa Factory, di ko rin minsan masakyan yung mga sinusulat ko. Pero dahil masaya katrabaho ang mga katrabaho ko, okay lang. Nagenjoy pa rin ako pumasok. Miss ko na yung ganong feeling. Yung medyo excited ka sa work day.

Hay hay hay. Alam ko magiisang buwan pa lang ako. Pero hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na tumagal dito. Hindi para sa akin ang alta de sociedad.

At hindi ako mahilig mag-dress.

Wednesday, July 11, 2007