Hay nako. Napagod ako sa kakaikot namin ni B (kahapon pa) para maghanap ng pantalon ko. Since nagwowork na ako, kailangan ko ng additional na isang pares. Napakaharabas ng trabaho ko as EA kaya mas gusto ko na nakamaong na lang palagi pagpasok. May times kasi na may mga kopya ng magazines na dapat kong kuhanin from the store room sa kabilang building pa.
Ang hirap maghanap dito ng kakasya sa isang kagaya ko na hindi 29 and below and waistline. Kung may size 30 naman sila, super sikip naman sa hita ko. Walang magandang fit!
Nagpunta kami ni B sa mga European stores pero masyadong mahal para sa akin. Pag tuwing magchecheck kami ng presyo ng mga pantalon, sinasabi na lang namin na pangmatangkad--pangmatangkad ang presyo. Di ako sanay ng bumibili ng maong na worth P3,000!
Hay. Gusto kong magfly pauwi ng Pinas para lang magshopping. Ang hirap neto. Wala akong choice kundi magdiet. Diet is like die with a T.
Potah naman oo. Hehehehe.
Bilib din ako sa mga locals. Ang lalakas kumain pero wala ako masyadong nakikitang mataba. Sadyang nilikha silang payat at maliit ang frame. Samantalang ako, maparami lang ang kain sa isang linggo, tiyak madaragdagan ng ilang inches ang laki ng hita ko. Hehehe.
Hay nako. Buhay ay sadyang ganire.
******
Speaking of harabas maging EA, harabas talaga siya. Grabe. Siguro dahil nagaadjust pa lang ako. After all, three years akong naging editor. Parang bumalik ako sa square one. Medyo suntok sa ego and may mga times na mahirap lunukin na ngayon uutusan ako di para mag-edit primarily, kundi para magdownload ng pictures, magmail ng magazines o CDs, gumawa ng expense claims ng mga bosing etc. Wala namang masama dun, it's just that I didn't really think I had to go through the first step all over again.
Ganito ata talaga ang reality for most people na lumilipat ng ibang bansa. Umpisa ulit sa wala. Swerte siguro yung mga nabibigyan ng chance na mamaintain yung mga trabaho nila from their home countries pag-move nila abroad.
Swerte din naman ako kasi nakakawork ako ngayon. Tsaka di rin naman masama na naeexpose ako sa pasikot-sikot sa isang luxury lifestyle magazine, na halos kagaya rin ng nakagisnan ko sa GS.
I will just do my best to stay focused and just learn everything I can to make myself more marketable at para pag may dumating na magandang opportunity, pwede kong i-grab with confidence. From here, there's nowhere to go but up.
2 comments:
Diet is like "die" with a T. Hahaha!
I went shopping kanina to look for a proper corporate attire for my 1st day at work. Pero ang mamahal din. I ended up buying casual clothes na lang.
Ako din I want to go home to Pinas to do some shopping...sa SM ha =)
go, katzee go!
Post a Comment