Saturday, December 23, 2006

Happy Christmas!

Dumating na si B kahapon. Kahit nadelay ang flight niya ng one hour, salamat at naging safe ang journey. Happy ako! Yehey!

We did some shopping yesterday sa SM North at ano pa bang aasahan? Eh di siempre sobrang sikip. Sa daan masikip, lalo na sa loob ng mall. Buti na lang mabilis kaming natapos. Kumain kami sa Jollibee after kasi gusto daw niya ng palabok at chicken joy. Hehe.

Sinundo kami ni Daddy sa QC para sabay-sabay nang umuwi sa San Pablo. Buti na lang medyo humupa na ang traffic at di kami masyado natagalan. Okay na sana kaso may build-up sa Alaminos area dahil may natumbang truck na sabi ni Daddy eh nung umaga pa nakatiwangwang doon. Ang bagal ng mga pulis. Di agad tinanggal alam naman nila na madaming uuwi sa probinsya. Hay nako. Mga 11pm na kami nakarating sa bahay.

B's on his way to Calapan now. Next year we promise to spend Christmas together. Sa ngayon, Christmas via Globe Unlimitxt muna. =)

Two days to go! Happy holidays!

No comments: