Finally, we have a date! The court clerk managed to squeeze our civil wedding ceremony into the judge's schedule. Salamat, nabunutan kami ng isang tinik.
Napaparaning na ako kasi akala ko they would insist na hintayin muna ang CENOMAR namin ni B. Buti na lang pwedeng to follow. Kakafile ko lang kasi nung Friday and according sa e-census.com.ph, upto 15 days ang processing and delivery. Pero sabi ni Aimee, dumating yung kanya in a week. Sana mabilis lang din yung amin.
Hay, totoo na ito. I think I'm having the jitters! Nagsisink in nang forever na ang usapan. Sabi nga ni Marge (at ito lang talaga nasabi niya nung sinabi kong may date niya), GOSH!
A million things just came running into my head. Things like: Pano kung magaway kami? Pano kung may PMS ako tapos naiinis ako sa kanya for no reason at all? Pano kung gusto ko magisa? Pano kung gusto kong mag-mall pero ayaw niya? Pano kung gusto ko magtravel sa Europe pero busy siya? Pano kung ayaw niya yung luto ko? Pano kung ayaw kong kumain dahil diet ako? Pano kung masira ko yung damit niya sa paglalaba? Pano kung gusto kong umuwi ng Pinas? Pano...at madami pang iba. Nakakaoverwhelm isipin!
Pero at the same time naman, excited ako. Happy ako at hindi naman ako magbaback-out anytime. Hehe. Ganon lang siguro talaga kapag alam mong habambuhay mo na isespend ang buhay mo with someone. Sabi nga nila, marriage involves falling in love many times. Yun nga lang, with the same person.
Hindi naman ako mauubusan ng reasons para mahalin si Reden. He has everything I was looking for and more. Blessed ako at nahanap ko ang taong nilikha para sa akin. Naks naman! Hehehe.
Kumpleto na ang aming list of witnesses and very short guestlist. Sa mga di namin maiimbita na friends, pasensya na. We'll make it up to you in two years.
Now I have to start looking for a dress. =)
3 comments:
pag may kumatok sa pinto namin and namumugto ang mata, gets ko na yun. hehehe joke! it's a leap of faith talaga. pero yakang-yaka nyo yan. ;p
Madami ka pang ma-discover pag nag sama na kayo. Pero i bet, mas lalo mo pa mamahalin si Reden pag nakasama mo na siya. You will love him more each day that you two are together. Hayyyy!!!! Parang kelan lang. . . na wrong send ka lang, tapos kayo na talaga =) Congrats in advance!
Kitch and Denice: Salamat! Oo nga, parang kelan lang yosi partner ko lang si reden. Ngayon partner for life na. Hehehe.
Aimee: December 27! Yey! Nakakastress nga magayos ng kasal, at civil pa lang ito ha! Lalo na ang church wedding!
Post a Comment