Thursday, November 9, 2006

kwentuhan, sisig, toma and friends

Kadarating ko lang sa bahay. Nagkayayaan na maginuman dahil sa word na sisig. Natakam kasi si Marge nung sinabi ni Teng na gusto niya ng sisig. Nung kwinento ni Marge, natakam na din ako. Ang ending, naghamon ako ng inuman.

So, on a whim, pumunta ako sa Gerry's kasama si Marge, Teng, Tin, Rhea, Tracy at Selena.

Pero more of kainan ang nangyari sa Gerry's. Umorder kami ng 4 na sisig, sinigang na baboy, garlic adobo shreds, sizzling kangkong at rice. Tigiisa rin ng San Mig Light. Dumating din si TJ na isa pang naghanap ng sisig.

Nakakatuwa kasi ngayon lang ulit kami lumabas. Nagenjoy naman kaming lahat sa mga lumang joke, sa mga kaopisinang walang kamalay-malay na tinutukso sa isa naming kasama, mga presidente ng Amerika, mga splatter ng kung anuman sa damit, mga madasaling babae. Hehe. Ang saya. Puro tawa lang kami after ng kain at kaunting inom.

Mahirap nga lang ata ang umeedad. Naunahan na ako ng toma novice namin na si Tracy sa pagubos ng San Mig Light. Pareho lang pati kami na tigisa ng nainom. Tsk, tsk. I miss those days na kaya kong uminom ng isang litrong Red Horse at matino pa ako nun ha! Siguro pag medyo tumatanda na kelangan talaga mag-give way sa mga mas bata. Hehe.

Sana mas madalas namin magawa tong spontaneous bonding sessions na ito. Lalo na't di ko alam kung hanggang kelan na lang ako dito. Malayo pa naman yun but still, andun na yung kasiguraduhan na ilang buwan na lang ako andito.

Yun muna. Magpost ako ng pics pag naupload na ni Rhea.

Good night world. =)

4 comments:

Anonymous said...

wow, pati ako ngayon natakam na rin sa sisig...wala pa naman ganyan dito =(

-jeko

Reden said...

nasad na namiss ko naman kayo bigla mga friends ... kakamiss ang inuman jan sa atin ...

nice said...

kakamiss kayo, kakamiss ang pinas :`(

selena said...

miss din namin kayong lahat, pramis!!!! :*(